𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙎𝙞𝙭: 𝙍𝙪𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙤𝙣'𝙩 𝙡𝙤𝙤𝙠 𝙗𝙖𝙘𝙠!

13 1 3
                                    

𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙎𝙞𝙭
𝚁𝚞𝚗 𝚊𝚗𝚍 𝙳𝚘𝚗'𝚝 𝙻𝚘𝚘𝚔 𝙱𝚊𝚌𝚔!

*continuation of the flashback*

Third Person POV'

"Ka-Kailangan na nating maka-alis dito."di makapaniwalang sabi ni Tyron nang masaksihan kung paano ibabawan ng isang matandang lalake ang dalagang babae at walang pakundamang kinagat ang leeg nito na siyang dahilan para sumirit ang napakapulang dugo.

Pagkatapos nitong kagatin at kainin ang leeg ay saka naman nitong kinain ang mukha ng babae, na siyang naging dahilan para kalaunan ay tuluyan na itong nawalan ng buhay.

Agad na nagkagulo ang lahat ng nakakita ng pangyayare.

Halos lahat ay nagsitaguan sa kanilang mga sasakyan, meron rin ilan na natulala na lamang sa nasaksihan at di makagalaw dahil sa sobrang takot ta pangdidiri. May ilan naman ang nagsitakbuhan, nagtitili, at mayroon ring nawalan ng malay. Rinig rin ang iyak ng ilang bata at mga dasal ng mga matatanda.

Matapos na magsawa sa babae ang infected na matandang lalake ay agad naman nitong sinugod ang isa pang lalake di kalayuan sa kanyang pwesto. Sinubukan pang magpumiglas at manglaban ang lalake ngunit nabigo rin ito dahil tila ba kahit matanda na ito ay bigla itong lumakas at agrisibo.

Unang kinagat ng matandang infected ang kaliwang braso ng lalake, sa unang kagat ay agad na natuklap ang balat at laman ng lalake, kasunod ay ang pagbuhos ng kanyang dugo.

"AAHHH!! TULONG!! TULUNGAN NIYO AKO!!"sigaw nito habang kinakain ng matandang lalake ang braso ng lalake. Sinubukan niyang  suntukin at tadyakan ang matanda ngunit nabigo siya dahil parang wala itong maramdaman at napakalakas rin nito, kaya naman wala na siyang magawa ng pati ang kanyang tiyan ay simulan narin nitong kagatin.

Sa gitna ng kaguluhang ito ay napako sa kanyang kinakatayuan si Tyron at di maalis ang kanyang mga mata sa babaeng wala nang buhay na nakahiga sa kalsada. Nakaharap ang mukha nito sakanya at kahit wala na itong buhay ay nakadilat parin ang takot at wala nang buhay na mga mata.

Sa sitwasyong ito ay alam niya kung anong nangyayare at mga mangyayare. Di naman siya tanga para di maunawaan ang sitwasyon, minsan ay nanonood sila ng zombie movie kaya naman alam niya na kung gaano kabaliw at kadelikado ang mga susunod na mangyayare. Alam niya di magtatagal ay mabubuhay muli ang nababae ngunit hindi na siya katulad ng dati.

"What should we do??"nagpapanik na tanong ni Seth habang di rin makapaniwalang nakatingin sa kaguluhan.

"Let's just stay inside the car and lock all the windows and door."suwestiyon ni Wayne.

"Right! let's just hide here."pagsangayon naman ni Ryan.

"No! We can't do that! Kung magtatago tayo dito sa van ay baka mastuck lang tayo dito. Siguradong kapag marami na ang infected ay agad na mapapalibutan nila ang buong lugar, nahihirapan tayong makatakas kung ganoon. The only thing we can do is to run now as fast and far away as possible until we find a safe place."ani ni Maxton at agad na bumaba dala-dala ang isang backpack.

"Maxton is right. Hurry up and get off the van, we need to get out of here now. Dalhin niyo lang ang pinaka-importanteng bagay na kakailanganin natin."utos naman ni Danilo.

Habang mabilisan na nag-aayos ay di maiwasan ni Danilo mapalinga-linga sa paligid, mabuti na lamang at medyo may kalayuan ang nangyayareng kaguluhan sa kanilang pwesto, at di katulad sa mga napapanood na pilikula ay mukhang di gaano mabilis ang pagkalat ng virus sa biktima nito. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TOO DEAD TO DIEWhere stories live. Discover now