𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙏𝙝𝙧𝙚𝙚: 𝙎𝙖𝙫𝙚 𝙗𝙮 𝙃𝙞𝙢

13 2 0
                                    

𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙏𝙝𝙧𝙚𝙚
𝚂𝚊𝚟𝚎 𝙱𝚢 𝙷𝚒𝚖



𝙅𝙖𝙘𝙠𝙡𝙮𝙣'𝙨 𝙋𝙊𝙑'


"Ha-Hayop k-ka!"nahihirapan sa paghingang ani nito at sumuka ng dugo bago tuluyang malagutan ng hininga at bumagsak sa lupa.

Di agad nakakilos sa gulat ang natitirang tatlo sa bilis ng pangyayare. Ngunit ng makabawi ay agad nilang tinutok ang kanilang mga hawak na malalaking baril sa aakin.

Wala sa sariling napatawa ako. Mukhang tuluyan na akong mamamatay ah. Kahit na anong kalikot ko sa utak ay wala na akong maisip na paraan para matakasan ang tatlong ito.

Tatlo sila habang ako ay nag-iisa lang. Bukod rito ay malalakas pa sila samantalang ako ay halos himatayin na. At ang huli, may baril pa sila samantalang ako ay wala nang bala.

"Mukhang nagkamali ata tayo ng kuha. Hindi anghel pare, demonyita ata to. Hahaha."tumatawang ani noong isa.

"Tsk. Tsk. Tsk. Kahit kailan tanga talaga ang dalawang ito. Kawawa naman pero okay lang, wala naman kwenta ang dalawang yang. Balak ko na rin sanang patayin ang dalawang ito, pero naunahan mo lang ako. hahaha..."malademonyong tawa nitong lalake na sa tingin ko ang siyang namumuno sa kanila.

"Ayos yan boss. Mas lalo natin maeenjoy ang anghel na ito ngayong tatlo na lamang tayo."nakabungisngis at ubod ang tuwang ani ng isa sa kanila at naglalaway na tumingin saakin.

Mas hinigpitan ko pa lalo ang hawak sa kutsilyo, habang ang isa ko namang kamay ay pinipigilan sa pagdurugo ang sugat sa aking tagiliran.

"Subukan mong hay*p ka. Papatayin kita."malamig ang boses na pagbabanta ko.

Seriously Jacklyn. Saan mo hinuhugot ang tapang mo? Parang may magagawa naman ang hawak mong kutsilyo sa malalaki nilang baril. Just a single bullet in your head and you will die on the spot. Don't be reckless and stupid Jacklyn.

"Hahaha. Palaban. Yan ang gusto ko sa mga babae. Payter. Wag kang mag-alala Miss, we'll be gentle. Sisiguraduhin naming liligaya ka sa gagawin natin na para bang nasa Heaven ka. At isa pa, iilan na lang tayong buhay na tao, sasayangin mo pa ba ang isang tulad namin na gwapo?"nababaliw na sabi ng leader-leaderan nila sabay labas ng kanyang dila na parang ulol na aso, ang lalagkit rin ng kanilang mga tingin na siyang nagpapalala ng inis ko sa tatlo.

Pasimpleng tumingin ako sa paligid. Shit! Bakit ba walang kahit na isang zombie ang nandito? Kung kailan kailangan ko sila saka naman wala ang mga patay na yun. Di ba nila narinig ang pagkarera ng mga sasakyan namin? Pagtaob ng kotseng sinasakyan ko? Ang mga putok ng baril? O ang napakalakas na bunganga ng mga gagong to? Anong nangyari dito? Bakit walang kahit isang zombie rito? Bakit ang tahimik at payapa ng lugar. Masama ang kutob ko rito.

Bahagya rin akong napailing ng mapansing halos lahat sila, maski yung dalawang lalakeng napatay ko kanina, ay namumungay at namumula ang mga mata. Maski sa ganitong klaseng magulong mundo ay nagagawa pa rin nilang gumamit ng mga pinagbabawal na druga.

"Hah!! Mangarap kang gago ka.  Mas gugustuhin ko pang maranasan ang empyerno kaysa madikitan balat mo. At isa pa, mandiri ka nga sa sarili mo, ang pangit mo. Mas malala pa mga pagmumukha ninyo sa lahat ng mga zombie nakita ko. Ngayon pa lang nasusuka na ako. Mga mukha kayong patay at demonyo. Ang pangit niyo."nakangisi at mapang-asar na sagot ko. 

At mukhang nasaktan ko yata ang damdamin noong lider nila dahil bigla itong lumapit saakin. Balak ko sana siyang saksakin sa tagiliran ngunit dahil sa nanghihina na ako ay mas mabilis niyang nahuli ang aking kamay at sobrang higpit na hinawakan ito dahilan para mamilipit ako sa sakit at mabitawan ang hawak kong kutsilyo.

TOO DEAD TO DIEWhere stories live. Discover now