𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙁𝙞𝙫𝙚: 𝘽𝙤𝙢𝙗𝙞𝙣𝙜

22 2 1
                                    

𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙁𝙞𝙫𝙚
𝙱𝚘𝚖𝚋𝚒𝚗𝚐

Jacklyn POV'

"Uhm.....Is it okay to ask about how did you guys get here? I mean, what happened to all of you when this all started? Do you already know the older guys even before the virus outbreak? And......... how about your family? You know, those kind of things......."tanong ko sa limang kalalakihan ng maubusan kami ng topic na mapagkukwentuhan.

Sandaling namayani ang katahimikan sa buong paligid, nagkatinginan ang lima at batid ang panandaliang pagseryoso ng kanilang mga mukha.

Kasalukuyang nandito ngayon sa aking kwarto sina Tyron, Danilo, Ryan, Maxton, at Seth. Ewan ko ba sa mga 'to at bigla-bigla na lang pumunta dito para mang-istorbo.

Nang wala pa ring maski isa sa kanilang lima ang sumagot ay halos masapak ko ang aking sarili ng may napagtanto ako.

Even if I don't know what happen to them, I'm sure they've been through a lot, just like how I've also been through a lot of hell since the start of this freaking zombie apocalypse.

There are just some things that you can't share with other people. And I, out of all people is very familiar with that....There are things that I can't share to anyone, even to the people I trust and important to me...........

"I'm sorry, I'm so stupid. You probably don't want to share it with me or you're uncomfortable to talk about it, I should have been more careful and considerate of your feelings. I'm―"

"No, It's okay Ate Jacklyn. It's Just, we're kinda taken a back for a moment."ani ni Danillo at bahagyang ngumiti.

"Hoy Chismosong Tyron! Ikaw na lang magkwento."utos ni Maxton kay Tyron na siyang tulala ngayon sa kanyang hawak na rubics cube at parang may malalim na iniisip. Pansin ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata na pilit niyang tinatago sa pamamagitan ng pagyuko ngunit di ito nakatakas aking paningin.

Nang di parin ito kumibo ay bahagya siyang pinalo sa braso ni Ryan. "Hoy! Dude! kwento mo daw."

"Ha!? Anong sabi mo? Kwento ang ano?"he asked and look at us dumbfounded.

"Bingi, sabi ko ikaw na magkuwento kung anong nangyari saatin simula ng mangyari tong virus outbreak."utos ulit ni Maxton.

"Ahhh."sagot niya at agad na inayos ang kanyang sarili, pilit rin siyang ngumiti at bumalik sa kanyang madalas na masayahing itsura.

"O sige Ate Jacklyn, makinig kang mabuti saaming mala Hollywood life story."aniya bago tumayo at tumalikod saaming lahat.

"In a one fine day, May walong gwapong mga binata ang napagtripang mag camping......"madramang pagkukwento niya habang patuloy parin na nakatalikod saamin at umaarteng nakatanaw sa malayong lugar.

I silent sighed and shake my head, while the other boys simultaneously did a face palm.

"Sa pamumuno ng napakagwapong si ako-"

"Bakit parang pirated yata yang pelikulang yan. Parang maymali sa kwento mo ah."medyo pabirong putol ko sa kuwento niya dahilan para kahit papano ay gumaan ang ambiance ng paligid.

"Ate naman eh, don't tell me na injured rin ang mata mo. Nakikita mo ba tong kagwapuhang to? World class. Kasama yan sa Top 10 sa The 100 most handsome faces in the world ng TC Candler."he said.

"Talaga ba? The last time I check wala naman akong nakitang lalakeng nagngangalang Tyron doon. Baka na fake news ka lang bro."pagbibiro sagot ni Danilo sakanya dahilan para agad na mabura ang kanyang mayabang na ngisi at mabilis na bumagsak ang kanyang mga balikat.

TOO DEAD TO DIEWhere stories live. Discover now