𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙁𝙤𝙪𝙧: 𝙎𝙩𝙞𝙡𝙡 𝘼𝙡𝙞𝙫𝙚

30 3 1
                                    

𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙁𝙤𝙪𝙧
𝚂𝚝𝚒𝚕𝚕 𝙰𝚕𝚒𝚟𝚎

𝙅𝙖𝙘𝙠𝙡𝙮𝙣

- 𝐅𝐥𝐚𝐬𝐡𝐛𝐚𝐜𝐤 -

"Gusto mo?"tanong ko kay Andrew sabay abot ng isang chewing gum.

Umiling naman ito sabay inom ng kanyang iniinom na Pineapple Juice at binalik ang tingin sa kanyang hawak na ipad. Napalingon naman ako sa aking katabi ng bigla nitong hablutin ang hawak kong chewing gum. Masama ko itong tinignan at mahinang sinuntok sa braso ngunit tinawanan niya lamang ako.

"Ikaw ba binibigyan ko?"naiinis kong tanong sakanya pero ang gago tinawanan lang ako. Balak ko pa sana siyang bugbugin ng biglang magsalita si Monica.

"Ano ba yan. Minsan na nga lang tayo magkasama-sama ulit, magbabangayan na naman kayo? At ikaw, puro ka diyan ipad."pag-awat niya sa amin. Narinig ko namang tumawa si Joseph.

"Ito kasing kumag na to! Papansin!"nakangiwi kong sagot habang masamang nakatingin ki Kyle. Ngunit nginisihan lang ako ng gago.

"Teka nga! Umamin nga kayo......Yung totoo, bakit ba kayo bigla na lang nawala ng tatlong taon. Ni Hi o Hello wala kaming nakuha mula sa inyong dalawa. Napansin na lang namin na nawawala na kayo ng ilang buwan. Di man lang kayo nag paalam sa kahit na sino. Muntik na nga kaming magreport sa police kung hindi lang kami ininform ng companyang pinagtatrabahuhan niyo."may pag-aalalang tanong ni Monica.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kyle. Sa ilalim ng lamesa ay pasimple ko siyang sinipa at pinan-dilatan ng mata. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumagot sa tanong ni Monica ng kurutin ko siya sa tagiliran.

Umayos ka ng sagot Kyle, kung ayaw mong mabuking tayo ng dalawang ito. May pagkachimosa pa naman itong si Monica....

"I told you already, we work in a private company, all business trips and any business related are very confidential. It was an emergency business trip in america and while we're in there a big problem happened in the company and then the company's US headquarter branch need an extra hand that's why the Philippines branch transfer some employees in their, including the two of us."nakangiting sagot ni Kyle, tumango naman ako at sumang-ayon sa sinabi niya.

"Anong klase ba kasi yang kompanyang pinagtatrabahuhan niyo. Sigurado ka bang legit yang company niyo? Baka mamaya may mga illegal operations yan."nagdududang tanong ni Monica.

Sasagot na sana ako ng biglang mapamura ng malakas si Andrew habang gulat at takot na nakatingin sa kanyang ipad.

"Oh, anong problema mo bro? Nanonood ka ba ng conjuring?"tanong ni Mj at tumatawang inagaw ang ipad kay Andrew.

Ngunit agad ring nawala ang kanyang tawa ng makita ang kung anong nasa video.

"Shit! What is this? How....?"di makapaniwalang tanong niya. Kapansin-pansin rin ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay na siyang nakahawak sa ipad. Di rin maipinta ang kanyang mukha habang pinapanood ang nangyayari sa video.

"Ano ba kasi yan!! Patingin nga kami! Pag yan isang kalokohan niyo lang, sasapakin ko kayong dalawa."inis na utos ni Monica pero mahihimigan mo pa rin ang kaba sa kanyang boses.

Sasagot na sana si Mj ng biglang makarinig kami ng tili at malalakas na usapan sa paligid. Agad na nilibot ko ang aking paningin at halos lahat ng mga taong nasa paligid namin ngayon ay nakatingin sa kanilang mga hawak na telepono, halos lahat sa kanila ay makikitaan mo ng pagkagulat, takot, pandidiri, at pag-aalala sa kanilang mga mukha. Na para bang di sila makapaniwala sa nakakatakot na bagay na kanilang nakikita.

TOO DEAD TO DIEWhere stories live. Discover now