Chapter 46

4.7K 182 40
                                    

I stretch out my arm and yawn as I walk outside the house. Hindi natuloy ang pangingisda sana namin ngayon dahil medyo makulimlim.

Delikado pumalaot at baka tangayin ang mallit na bangka na gamit namin.

Alas kwatro kami madalas umaalis kaya naman nasanay na akong magising ng maaga. Ngayong walang trabaho ay nagising ako ng ala sais.

Nangiti ako nang makita ang pasikat na araw. Still amazing to look at kahit ilang ulit pa. I heard a creak from somewhere, napatingin ako doon at natigilan.

I saw her leaning into the corner. Nakagilid ang ulo at parang nakatulugan ang paghihintay. She's hugging herself like she's protecting herself from the cold.

I felt a pang in my chest. Lumapit ako at tahimik siyang binuhat para ipasok sa bahay. Inihiga ko siya sa kama at kinumutan. Ramdam ko ang malamig niyang balat.

Kanina pa ba siya doon?

I sigh. I know the pain she inflicted on me. Nagsinungaling siya at punagtulakan pa ako palayo. I said I understand her action and decision pero hindi ibig sabihin na hindi ako nasaktan sa desisyon niya.

I felt a little guilt but I ignored it.

Lumabas at nagluto ng pagkain. Patapos na ako nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.

"G-Good morning. Pasensya na ikaw pa ata ang nagbuhat saakin..." mahinang niyang sabi.

"I thought you'll go fishing so I t-tried to wait outside pero nakatulog a-'

Lumingon ako na ikinatigil niya. Kita ko ang pag aalangan niya. She bit her lip and look away.

"Kumain na po tayo." Tipid kong sabi at dinala ang niluto sa lamesa.

Napansin kong wala siyang dalang kape ngayon kaya naman tinimplahan ko nalang siya.

Nakaupo na kami parehas nang mapansin kong parang nilalamig siya. Tahimik akong tumayo at kumuha ng jacket bago ibigay sakanya.

"Wear it."

She obliged.

Umupo ako at inilagay ang kape sa harap niya. "Coffee."

Kita kong napaawang ang labi niya. Parang namula ang mga mata bago ngumiti saakin.

"T-Thank you."

Natapos kaming kumain ay mukhang hindi niya alam ang gagawin. Sa huli ay tinulungan niya ako na parang nag aalangan pa.

I saw her look at me nang hindi ako magsalita. I ignored her stare and started washing the plates. Siya naman ay pinupunasan ang mga nabanlawan kong plato.

Pagkatapos maghugas ay dumiretso ako sa labas ng bahay. I look around, trying to see if there's anything I need to fix.

Sa huli ay naisipan kong ayusin ang lambat na gamit sa pangingisda.

"Stop." Saway ko sa pusa ko na parang may hinuhuli sa ilalim.

"What's your cat's name?"

I glance at Ma'am Dawson who sat across me. Nakita kong napalunok siya bago bumaba ang tingin sa pusa kong nanggugulo.

"Mash. Short for marshmallow."

I saw her smile. Sinubukan hawak ang pusa kong nasa ilalim ng lambat. Baka makalmot siya.

"Don't. Kakalmuti-"

"Ouch!"

Agad akong lumapit nang bigla siyang kalmutin ng pusa ko. I sighed when I saw blood in the back of her hand.

CurseWhere stories live. Discover now