Chapter 7

3.8K 183 10
                                    

It's been a month since I attended her graduation. Akala ko makikita ko siya sa school dahil boyfriend niya ang teacher ko. It turns out hindi pala.

Tamad na bumangon ako sa kama at nag prepare para pumasok. Bumaba ako ng kwarto para kumain at pumasok nang sinalubong ako nang maid.

"Ma'am may delivery po sa labas."

"Huh? Sino daw?" Takang tanong ko at lumabas. Medyo naexcite ako sa pag aakalang si Dad ang may padala saakin pero nang makita ko kung saan galing ay nadismaya ako.

"Galing sa US. Sino kaya nagpadala nito?"

Maingat kong binuksan ang package at napangiti ng malapad dahil mukhang kilala ko ang nagpadala. "Bea."

We both agreed not to contact each other pagkatapos niyang umalis para daw hindi namin mamiss ang isa't isa. But I ended up giving her a package gift for her 18th birthday two months ago and now she gave me a gift for my upcoming birthday.

I didn't even realize that my birthday is nearing. Hindi na kasi ako nag celebrate ng birthday simula nang umalis si dad at nanatili sa ibang bansa. I feel like celebrating my birthday without him feels empty.

"Nag improved ang painting mo ah..." Bulong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang landscape painting. It's a beautiful scenery and I'm thinking that the two girls in the middle watching the scenery is us.

I hang the painting beside the other two that she drew before. Nagandahan ako at nasiyahan sa regalo niya kaya sa sobrang paninitig ko ay nalate akong school.

Hindi ako sinita ng teacher dahil ngayon lang ako nalate. Tsaka isang buwan nalang at matatapos na Grade 12. I just need to finish our business plan and proposal kaso may isang problema.

"Hey, kelan mo ise send yung pinapagawa ko sayo?" Tipid ang ngiting tanong ko sa kaibigan kong ka group ko. Uwian na pero kinukulit ko ang mga ka group ko sa mga hindi pa nila tapos.

"Bukas o bukas na isa."Hindi tumitinging sabi niya dahil busy siya kaka make up.

"Hindi ba pwedeng matapos bukas?"

"I don't know yet."

Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis ko. Tinaasan pa ako nito ng kilay at sinabing "Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa? Kaya mo na yan."

Sinangayunan pa siya ng iba kong kaibigan na kagroup ko din. They are telling me that I should do it tutal kaya ko naman. This is what happens kung naging group mates mo ang mga kaibigan mo. They will pass their responsibility to the responsible friend.

Umuwi ako ng bahay nang nakakunot noo. Sobrang naiinis ako dahil sa pagpapasa nila ng responsibilidad nila saakin. Sa sobrang inis ko tinapos ko ang mga trabaho nila.

I finished the remaining work and when it's time to passed it hindi ko isinali ang pangalan nila.

"Bakit pangalan mo lang ang nakasulat dito?" Tanong ni Sir Gonzales- which is yung boyfriend ni Aiko.

"Ako ang gumawa ng lahat. Kinulit ko silang gawin ang mga parte nila pero ipinasa lang nila ito saakin. I have proof of that."

Napakunot noo ito pero pinabalik din ako ng classroom. Kinabukasan ay sobrang sama ng tingin ng mga kaibigan ko saakin. Completion lang ng requirements ang gagawin ngayon pero mukhang maiiba dahil sa tingin nila.

"Bakit hindi mo inilagay ang mga pangalan namin sa pinasa mo?"Kumpronta nila saakin nang ma corner nila ako sa CR. They are six of them, apat ang kaibigan ko habang ang dalawa ay taga kabilang section.

"Hindi kayo tumulong. Bakit ko ilalagay?" Tanong ko pabalik. Tinulak nila ako na ikinaatras ko sa sink.

"Tumulong naman kami ah. Binigay ko pa nga ang pinapagawa mo!" Sabat ng isa. Sarcastic ko siyang nginitian dahil wala naman siyang binigay na ginawa niya.

CurseOnde histórias criam vida. Descubra agora