Chapter 8

3.9K 188 37
                                    

"Ang dapat diyan iniexpell!"

"Hindi mo ba nakita ang ginawa nila? Look at her, dapat ang anim ang i expell!"

Nagising ako sa malakas na boses ni Sir Aki. I wince when I feel the pain on my shoulder and arm. Dapat sa paa nalang ang hinampas ko.

"Hindi mo ba ako kilala?"

"Ako, hindi mo ako kilala?" Galit na tanong ni Sir.

I feel bad dahil pinagtatanggol ako ni Sir kahit ako naman talaga ang may gawa nito sa sarili.

"Bakit? Sino ka ba?"Maangas na tanong ng isa sa mga tatay.

"Dawson. Does that surname ring a bell?"

Nanlaki ang mata ng lalaki sa sinabi ni Sir. Mukhang narealize niyang maling tao ang kinakalaban nila.

"D-Dawson?"

"Akiro Dawson, nice meeting you." Sir Aki answered sarcastically.

"And this child beside me is a Sanchez." He added.

"S-Sanchez? Anak ni Lucas Sanchez?"

"Aizel, didn't I tell you to call your guardian?"Lingong sabi ng Adviser ko saakin nang mapansing gising ako. My mouth twisted as I eyed Sir Aki.

"I am her guardian. Now, I want the six of them to be expelled." Sir Aki said seriously. He now looks like her sister. Seryoso at mukhang malamig tignan. The only difference is that Aiko looks pretty and hot tapos si Kuya Aki...mabait.

Speaking of, nakita ko siya kanina pero wala siya dito ngayon. Was it just my imagination?

"Sir, I'm afraid that's not possible." Sir Gonzales hesitated. Tinaasan siya ng kilay ni Sir. Napapikit tuloy ako dahil nakikita ko si Aiko sakanya. Malakas ba ang pagkakapalo ko sa sarili?

"Oh be afraid. Gusto mo bang ako mismo ang gigiba sa paaralang ito?"Banta nitong tanong.

Awang ang labing tumingin ako sakanya. "S-Sir?"

"What?"

"I think that's too much."Ngiwing sabi ko.

"I agree. Graduating na sila."

Tumango ako sa sinabi ng Adviser ko. Sa huli ay napilit ko si Sir na wag gawin yun. We left after the nurse is done treating my wounds. We are walking silently kaya naramdaman kong hinihintay niya akong mag explain so I explained what really happened.

Except for the part na ako mismo ang gumawa ng mga sugat sa sarili.

"No wonder hiniwalayan ni Aiko ang lalaking yun."

"Hiwalay na sila?" Agad kong komento. Napatingin tuloy si Sir Aki saakin.

"Masaya ka naman?"

"Hindi ah."

"Sus, kunware pa."

"Hindi nga. Baka ikaw ang masaya."

"Medyo lang and please stop calling me 'Sir'. Just call me Kuya."

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya. He turned around to smile at me.

"Just call me Kuya Aki."

I don't why but I feel like crying. Dahil ba nag iisang anak lang ako at parating mag isa? Kaya ngayong sinasabihan niya akong tawagin siyang kuya ay nagiging emosyonal ako?

"Kuya Aki." I muttered his name.

"That sounds better."

Umiling ako para pigilan ang kagustuhang umiyak at ngumisi. "Does this mean gusto mo akong maging Sister in law?"

CurseNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ