Chapter 27

8.6K 331 36
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na kama. Kunot noo kong tinignan ang paligid. This is Leora's room.

Hinanap ko ang cellphone bago lumabas ng kwarto niya. Her condo is silent. Sa tingin ko pumasok na siya ng University.

'Eat and attend my class, Mariano.'

Ang nakasulat sa note sa kusina kasama ng niluto niyang ulam. It's almost lunch time kaya naman binilisan ko ang pagkain at hinugasan ko na rin ang pinagkainan bago umalis.

Umuwi ako saglit para maligo at magbihis tsaka dumiretso ng University. Pagdating ko sa classroom ay wala pa si Ma'am kaya naman tinawagan ko muna si Ray.

"Remember last time? I told you that I have someone right?"kwento ko kay Ray pagkatapos naming pag usapan ang business at ang sitwasyon nila Arianne sa US.

[Yes. Something happened?]

"Yeah. She has a boyfriend."

[Oh.]

Natawa ako sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung disappointed or malungkot para saakin.

"I know, Ray. I'll need to avoid her but the problem is..."

May narinig akong ingay sa likuran. Nakita ko si Ma'am Dawson na salubong ang kilay habang nakatingin saakin. I continued staring.

[Is what?]

"She's my professor."

The line went silent. Umiwas ako ng tingin kay Ma'am Dawson at tumingin nalang sa labas ng bintana.

[She's your what???]

Nakita ko na kumakaway si Bea sa labas ng room. Kumaway ako pabalik at senenyasan siya ng 'wait lang'.

"My professor. I'll call you again when I have time."

[Wait, Ciphe-]

I end the call. Lumabas ako ng room at hinarap ang nakangising si Bea.

"Stop smirking at me." I said.

Inakbayan niya ako. "Someone is staring at us right now. She looks like she's gonna kill me."

Umiling ako dahil sa sinabi niya at iniba ang usapan. "Don't mind her. I talked to your girlfriend last night. She didn't sound happy."

"Nakalimutan ko mag paalam. She's jealous like how your girlfriend is jealous right now. She's possessive of you huh?"

"She has a boyfriend."

Nahulog ang panga niya sa sinabi ko. Nagkibit balikat ako, naiintindihan ang reaksyon niya sa pasabog ko.

"Kaya pala nagyaya kang uminom!" Gulat niya paring sabi.

"Tsk."

Ngumisi siya bigla at lumapit saakin. Inilagay ang kamay sa leeg ko at hinila ako palapit.

"Wai- what are you doing?"Taka kong tanong.

"Just testing something. Come closer."

"No." I refused.

She tilts her head and moves her face closer to mine.

"Bea-"

"Mariano."

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Tumaas ang isang kilay ni Bea at ngumisi bago bumitaw saakin.

"Good afternoon, Ma'am." Magalang na bati ni Bea.

Hindi siya pinansin ni Ma'am Dawson at nanatili ang tingin saakin.

"Get inside. Now." Nakakatakot niyang utos. Napalunok ako bago sinunod ang sinabi niya.

CurseWhere stories live. Discover now