Chapter 6

4.1K 181 9
                                    

"Hulaan mo kung sinong nakita ko sa office ni Sir Aki?"Pa suspense na tanong ni Bea saakin pagkatapos niyang ipasa ang late naming assignment.

"Si Aiko?" Bored kong tanong dahil nakita ko din siya kanina. Kaso nga lang hindi ako pinansin. Inirapan pa nga ako!

"Paano mo alam?"

"Hula ko lang."

Napakibit balikat siya at umupo sa tabi ko. Nagda drawing siya at bilang isang bored friend ay ginulo ko siya.

"Tumigil ka nga, kapag ito pumangit hindi kita papa reviewhin sa bahay namin next quarter exam."

Sumandal nalang ako sa braso niya at napa isip. Miss ko na si Dad... kailan kaya siya uuwi? Mukhang napansin ni Bea ang biglaang pagtahimik ko dahil tinanong niya ako kung anong kukunin kong strand.

"ABM, ikaw ba?"

"HUMMS, gusto kong maging psychologits. I wanna study you." She respond seriously. Napaturo ako sa sarili ko at tumango tango naman siya.

"You're.... how do we put this? Hard to read."

"Eh? Ang dali dali ko ngang i predict. Sinabi mo din saakin yan dati, I'm easy and obvious to understand." Tumatawa kong sabi. My laugh slowly tone down when I realize that she's serious.

"It's okay to show other emotions too. It's okay to be 'you'."

Matagal kaming nagtitigan. Sa huli sabay kaming napa iwas ng tingin nang dumating ang susunod na guro.

Hindi ko maintindihan. I am being 'me'. What does she mean by showing other emotions? I am showing emotions, hindi ako robot no.

Months passed by and it was our last day. Imbes na umuwi ay tinulungan ko si Sir Aki sa pagche check sa mga papel. Nalilibang ako habang nagche check kasama si Sir at Bea dahil sa pagkwe kwento niya tungkol kay Aiko.

"When she was little parati niyang pinapanood yung cartoon na larva. Hanggang ngayon nanonood parin siya nun."

"Larva? Yun ba yung Red tapos Yellow na uod?"Tanong ko at binaliktad ang papel ng chinecheck ko.

"Oo. Pati yung Mr. Bean cartoon pinapanood niya hanggang ngayon."

Ramdam ko ang tingin ni Bea kaya patago akong ngumiti dahil nai imagine ko ang itsura ni Aiko. Si Aiko na komportableng nakahiga habang nanonood ng Cartoons. Si Aiko na nakakunot noo habang nakabalot ng comforter sa malamig na panahon at nanonood ng cartoons. Cute.

"Ngiting ngiti ka naman jan. Hanggang ngayon crush mo parin?" Sita ni Sir saakin. Napanguso ako at tumango ng kaunti bago umiwas ng tingin.

"Baliw ata yan sa kapatid mo Sir." Komento ni Bea. Naihampas ko sakanya ang papel na hawak ko at ginamit din yun pantakip sa mukha ko.

"Binalaan kita dati, straight at hindi pumapatol sa bata. Mag move on ka habang maaga pa."Sabi ni Sir. Naudlot tuloy ang biglang kilig ko lalo na nung tumawa si Bea.

"Grabe. Kahit 0.01 percent chance wala?" Kamot ulo kong tanong kahit wala naman talaga akong planong manligaw.

"-0 pa nga ata." Si Bea. Humahalakhak si Sir at sumangayon sa sinabi niya na ikasimangot ko.

Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa palapit na ang Senior Highschool. Malapit na ang pasukan nang may masamang balitang sinabi si Bea saakin.

It was so sudden that I didn't have the time to process what she said.

"Stop crying. Madami ka pang kaibigan so letting go of me will not that hurt." Bulong niya, yakap yakap ako. Departure nila at hanggang ngayon hindi parin ako bumibitaw sa pagkayakap sakanya.

CurseWhere stories live. Discover now