Chapter 12

4.2K 211 35
                                    

Kinabukasan ay umattend ako sa lahat ng classes ko. Nagawa ko pa ngang tumambay sa park ng school dahil absent ang professor namin.

Just like the past days, I spend my time in peace. Walang gumugulo o kumakausap saakin. Just me and my headset.

"Good afternoon."Tipid kong bati sa mataray naming professor na mas maaga pang pumasok kesa saakin.

Naka prepare na ang lahat ng gamit niya at prente pa siyang nakaupo sa harapan kaya tahimik nalang akong nagbasa ng libro.

"Maria-"

"Cipher, right?"Biglang sabi ng isang babae. Saglit akong tumingin kay Miss Dawson dahil narinig ko ang pagbigkas niya ng apelyido ko pero kunot noo lang naman siyang nakatingin sa kanyang laptop.

"Yes. Is there a problem?" Poker face akong tumingin sa babaeng nasa harapan ko. I don't know her but she looks familiar.

"A-Ah classmate mo ako sa first period. Ibibigay ko l-lang sana itong librong naiwan mo sa room..."Nahihiya niyang sabi. Tinignan ko ang librong inia abot niya at tinignan ang librong hawak ko. But I have the same book on my hand right now?

"Sorry, mukhang hindi saakin yan. I have my book here."

Itinaas ko ang librong hawak ko. Napakunot noo ako nang biglang namula ang mukha niya. May nagawa o nasabi ba akong mali?

"Oh I'm s-sorry. Sige, ah... aalis na ako kung ganun."Utal niyang sabi at tumalikod. Tumigil siya sa paglabas at dahan dahan umikot paharap saakin.

"C-Cipher, pwede ka bang yayain?"Nakapikit niyang tanong. Napatingin ako kay Miss Dawson nang marinig kong may nag crack. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya, hindi gaya kanina na kunot noo lang.

Ibinalik ko ang tingin sa babae. "Yayain saan?"

Dinig ko ang pagtikhim kaya muli akong napatingin kay Miss Dawson na nakataas na ang isang kilay.

"Sa-"

"Mariano."

Tumaas ata ang balahibo ko sa batok dahil sa lamig ng pagkasabi ng apelyido ko. Parang bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya.

"M-Ma'am?"Napalunok ako.

Malamig niya akong tinapunan ng tingin at sinamaan ng tingin ang babae sa harap ko. "Class is starting, tell your friend to go outside."

"Miss, magsisimula na kasi ang klase..."kabado akong ngumiti sa babaeng bigla din kinabahan.

"S-Sige, mamaya nalang."paalam nito at dali daling umalis. Napahawak ako sa panga at kunot noong tinignan ang malamig na professor sa harapan na sinamaan ako ng tingin.

Napabuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin. Ano na naman kaya ang problema nito saakin?

Parang biglang sumama ang panahon nang mag klase siya. Lahat kami ay pinahirapan niya, pawis na pawis tuloy ang mga kaklase ko. Yung iba nga paiyak na dahil hindi sila nakasagot. Dinagdagan niya pa ang workload namin kaya halos mawalan ata ng kaluluwa ang iba pagkalabas ng klase.

Hindi niya tinawag ang pangalan ko pagkatapos ng klase kaya baka hindi niya ipapabitbit ang mga gamit niya.

"Cipher, hi."Nakaiwas ang tinging sabi ng babae kanina. I think I remember her name now. I think it's Sonya?

"Yes, Sonya?"

Mukha siyang nagulat sa pagtawag ko ng pangalan niya. Namula ulit mukha niya at mahigpit pang yumakap sa hawak niyang libro.

"Naaalala niya ako..."she murmured.

"I heard your friends call you that. So, ano ulit yung sinasabi mo kanina?"

CurseWhere stories live. Discover now