After a while ay naibigay na lahat ng orders ko kaya mabilis ko na rin pinaandar ang kotse ko. Halos 5 minutes lang ang byahe ko dahil malapit lang ang coffee shop sa university. I parked my car, got the food I bought and my things before leaving the parking lot basement.



Hirap man sa dami ng dala ay hindi ko na ininda pa. I went straight to the cafeteria para ilapag ang pinamili ko sa table before ako magtungo sa office ng professor ko.



"Wow naman! Mukhang good mood ang beshy ko na yan ah? Nilibre mo pa talaga ako at dalawa pa ang binili mo for me! Halika nga dito kikiss kita!" Tumayo ito sa kinauupuan niya at akmang hahalikan ako pero lumayo ako sa kanya.



"Gaga! May kasalanan ka pa sakin ha. Konyat ka sakin mamaya. Tsaka hindi para sayo itong isa. Wait mo ko dito saglit, ibibigay ko lang ito."


"Uy, mukhang kilala ko iyan ah? Nagsisimula sa letrang L!" Sigaw pa nito na animoy walang tao sa paligid kaya naman tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang banana bread na binili ko para sa kanya.



"Shut the fuck up, Tulay! Babawiin ko yan. Isa pa!" I rolled my eyes at her at nagmadaling umalis sa cafeteria para magtungo sa office ni Ma'am. I hope magustuhan niya ito. Hindi ko kasi alam ang favorite coffee niya.



Once I stepped foot in front of her office ay napansin kong nakauwang ang pintuan nito at narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Ma'am. She's talking to someone, lalaki and I recognize his voice.



Kumirot ang puso ko ng maisip kung sino ang kasama niya ngayon sa loob ng office. I take a peak to make sure dahil hindi pa sapat ang kirot sa puso ko kaya titingin pa rin ako.



I saw Sir Dexter giving her a coffee while they casually smiled at each other. They are having time eating breakfast.



Nag iwas agad ako ng tingin at dali daling umalis sa tapat ng office ni Ma'am with a heavy heart.



Medyo napahigpit ang hawak ko sa cup na may pangalan niya. Pero I don't mind, it's nothing. Bibigay ko na lang ito sa iba.


Sabi ko nga. It's impossible for her to like me. I'm just a student. Delusional lang talaga ako at asyumera sa kasweetan ni Ma'am. Well in fact, it's just her normal manners.



"Hey, Xy! Is that for me?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Lewis na may ngiti sa mga labi niya.


Ang aga aga, nakita ko na naman ang pagmumukha niya.

Umiwas ako ng daan para lagpasan siya.


"Where are you going? Cafeteria? Sama ako!" Pangungulit pa niya pero hindi ko siya pinansin dahil lutang pa rin ako sa sakit ng puso ko.


Once I got back ay nakita ko agad si Bridge na nakakunot ang noo ng makita ako.


"I thought..? Bakit dala mo pa rin iyan?" Saad nito habang ngumunguya ng banana bread.


I just shrugged my shoulders dahil wala na ako sa mood.


"Bakit nandito ka beh?" Pagtataray ni Bridge kay Lewis na tumabi na sakin nang hindi ko namamalayan.


"Because Xyianne bought these for me." Kinuha niya sa table ang kape at isang banana bread na dapat ay sa professor ko. Hinayaan ko na lang siyang kunin iyon dahil sayang naman ang bili ko kung itatapon lang. Tutal magkapatid naman sila. Might as well sa kanya na lang magpunta.


Wala rin ako sa mood makipag argue kaya kumain na lang ako dahil lalamig na ang binili kong kape.


"Feeling ampota." Bulong ni Bridge sa sarili niya pero rinig ko iyon. Sinipa pa niya ako sa ilalim ng lamesa at pinanlakihan ng mata dahil hinayaan ko lang si Lewis ngayon.


This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now