KABANATA 12

3 0 0
                                    


Kabanata 12: Justice served.

Numerous cars have passed by ngunit ni isa ay hindi ko pinara. Sa ayos kong ito, wala rin namang magpapasakay. Tulala at sabog ang buhok. My mesh top was ruined a while ago. May mantsa pa ng dugo sa ilang parte nito. Hindi ko rin nahugasan nang maayos ang aking kamay. Pati ang mga tilamsik ng dugo sa mukha ay nandito pa rin kaya patuloy kong nalalanghap ang malansang amoy.

I stared at my hands... at my trembling hands. I just killed someone... Out of anger and desperation.

Kung hindi ako nanlaban, hindi ko siya mapapatay. Pero kung hindi ako nanlaban... I cannot imagine what would happen to me. It's the same thing for the people Atty. Constantino has been helping. Kapag hindi sila nanlaban, sa huli, sila ang babawian ng buhay.

In my head, I kept trying to rationalize my actions. That was the only way to console myself so that I could pick myself up. No one is going to do that for me. Ako lang, wala ng iba.

Nilakad ko ang natitirang distansya papunta sa bahay ni Val. Ipinagpasalamat ko na weekdays ngayon kaya hindi masyadong maraming sasakyan ang bumabyahe sa ganitong oras.

Mag aalas tres na nang makarating ako sa bahay ni Val. Still in the process of recovering from what occurred earlier, I rang the doorbell repeatedly.

Humahangos na lumabas si Dale, kinukusot ang mata at pilit inaaninag ang pigurang nakatayo sa harap niya. When recognition struck him, his eyes fell on my body. He was motionless for a second.

"D-dale..." tanging nasabi ko.

Mabilis siyang nakalapit sa akin. Pumasok kami sa sala at pilit niya akong pinapaupo sa sofa nila. Pero nanatili akong nakatayo, laylay ang balikat sa pagod.

"Anong nangyari sa iyo?" Pinalis niya ang hibla ng buhok na nakatakip sa may bandang pisngi ko. Nanatili ang mainit niyang kamay doon.

Ang pinipigilang hikbi ay kumawala sa bibig ko. Unti-unting naging hagulhol, halos pasigaw at nahihirapan na akong huminga. Ngayon lang nag sink in ang lahat.

I killed someone! I am just like my Lolo and my mother!!

"Dale... N-naka... nakapatay... a-ako..."

Samot-saring emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. Sa huli, nanalo ang pagkabahala doon.

"Tell me what happened," ani Dale.

Detalyado ang pagkakabanggit ko sa nangyari sa sasakyan. Sinadya kong hindi banggitin ang dahilan kung bakit nasa labas ako ng ganitong oras.

"Where was the... body?" Dale remained calm.

"Nandoon pa rin. Agad akong bumaba at lumayo doon."

"May nakakita ba sa iyo?"

Umiling ako.

"Bukas na tayo mag-usap ulit. Maligo ka at magpahinga muna. Ako na ang bahala sa lahat."

Sinamahan niya ako hanggang sa loob ng guest room. "Will you be okay here?" 

Pinong tango lang ang naisagot ko.

When he left me alone in the room, natulala ako saglit. My feet moved on its own until I was inside the bathroom. Tinitigan ko ang sarili. I gradually undressed in front of the mirror, discarding the stained garments onto the floor.

I entered another door kung nasaan ang shower room. Pinihit ko ang shower at namilisbis sa aking katawan ang malamig na tubig.

My life is even colder than this. I got a murderer for a grandfather. Ang ina ko naman ay hindi ko alam kung matatawag ko pa bang ina. She is just as cruel as her father. Si daddy naman... out of reach, physically and emotionally.

The Woman: INDEBTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon