KABANATA 10

3 0 0
                                    


Kabanata 10: Warning

Tunog ng alarm mula sa phone ang nagpagising sa akin. Nakasanayan ko na kasing magpa-alarm noong may klase pa. Itinaas ko lang ang aking ulo para matingnan ang oras at nakita na halos tanghali na pala.

Agad akong naligo at nagbihis. Isang pormal na putting ruffled dress ang suot ko at wedged heels na hindi gaanong mataas. Kaunting make up lang at lumabas na ako sa suite. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang numerong 4.

Pagkatapak ko sa loob, kaunting tao lang ang naroroon. Mas may tinanghali pa pala kumpara sa akin. Hindi na ako lumayo pa, I settled on the vacant chair near me. Inabot ko ang menu at nang makapili ay nagtawag ako ng waiter.

"Egg omelette and bacon, please. Tapos cucumber juice," nilista ng waiter ang order ko at bumalik sa counter.

Napalinga ako sa paligid ng restaurant. Namataan ko ulit si Dale na naglilinis sa mga mesa. Hindi na ako nabigla. Patuloy ko siyang pinagmasdan.

Maaliwalas ang mukha niya. Kahit hindi magarbo ang suot ay gwapo pa rin siya tingnan, maamo at tila hindi marunong magalit. Ang mahahabang pilik-mata at malalim na mata nito ay agaw-pansin. Idagdag pa ang manipis at mapulang labi. God's angels could be put to shame when placed beside him.

Having my fill of his ethereal beauty, I should do the same to my grumbling stomach. Kanina pa ito nagrereklamo.

Ifa-follow up ko na sana ang order ngunit namataan ko ang isang lalaking nakasuot ng parehong uniporme kay Dale na papalapit sa akin, may bitbit ng tray. Maayos niyang nilagay ang order ko sa mesa.

I feasted on my meal and finished it quickly. Inaasahan kong magigising na ang tatlo at pumunta na rin dito. Ngunit nag alas dose na at wala pa sila. Wala na rin si Dale sa palapag na ito.

Dinampot ko ang phone sa gilid ng plato. Una kong hinanap ang numero ni Val at tinawagan ito. Walang sumagot. Maging ang dalawa ay hindi sumagot nang sinubukan ko. Unti-unting gumapang sa katawan ko ang pag-aalala para sa kanila.

Pabalik na ako sa suite, biglang may humigit sa akin at dinala ako sa loob ng emergency exit. Dahil sa kaba, mabilis ang naging pagharap ko sa taong iyon at sasapakin na sana. Nabitin sa ere ang aking kaliwang kamay nang makita si Dale.

"Namimihasa ka na sa panggugulat!" puna ko kay Dale.

"Umuwi na pala kanina ang tatlo. Ngayon ko lang nalaman. May nangyari daw. Umuwi ka muna sa inyo. Itetext na lang kita kung anong update, " mabilis na pagkakasabi niya. His eyebrows met in a thin line, mirroring mine.

Hindi ko man nalaman kung ano talaga ang nangyari, alam kong hindi ito maganda kaya ginawa ko nga ang sinabi niya. Umuwi ako sa amin at pagkabukas pa lang ng double doors ng aming bahay, dinig ko ang kaguluhan mula sa loob.

Nasa ere ang kamay ni Lolo at  akmang sasampalin si Mommy. Pumikit lang ang aking ina at hinintay na lumapat ang kamay nito sa kanyang pisngi. Mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ko upang mailayo si Mommy kay Lolo.

"What is happening, Lo? Anong ginagawa niyo kay Mommy?!"

Never did I imagine raising my voice at Lolo. Today, it did happen unexpectedly.

"Parehas kayong mag-ina! Matigas ang ulo!" Sabay tapon ni Lolo sa kanyang baston malapit sa amin at nagmartsa palabas. Kasunod nito ang mga tauhan niyang nakaitim, may bukol sa gilid ng pantalon.

My parents' bedroom has a king size bed in the right corner. On its side was my mom's vanity table. Nakaupo siya paharap sa salamin. Ang kaninang hagulhol ay naging mumunting hikbi na lang ngayon.

The Woman: INDEBTEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang