KABANATA 7

4 0 0
                                    


 Kabanata 7: Foreign

Two days ago, we were anticipating to win the case. Ano na ngayon ang mangyayari kung ang lahat na nagsampa ng kaso ay wala na?

I tried to call Val, but it would only go straight to her voicemails. It was the same for everyone... except for Dale na hindi ko pa natawagan.

I rang his number.

"Ano iyon, Scha?!" Sobrang lakas ng kanyang boses. Magulo rin ang background.

"Nasaan kayo?" I'm starting to get worried. "Hindi ko sila macontact. Nasaan kayo?" Inulit ko ang tanong nang hindi siya agad sumagot.

"Dito sa pabrika. Pauwi na rin kami. Doon ka na dumiretso."

I was not able to talk again. Agad niyang pinutol ang tawag. What he said was clear and loud, but to ease my worriment, instead of going to the office, I went to the factory's address.

Sa ibang address muna ako nagpahatid sa driver namin gaya ng nakasanayan. I only told him na sunduin nalang ako mamaya. From there, I took a cab. Even from a distance, the agonizing cries of the family could be heard.

Matapos magbayad ay agad akong lumapit sa kanila. Nasa labas lang ang mga pamilya ng biktima.

Mga ilang minutong paglilibot at pagtatanong-tanong, nakita ko si Dale. I walked to him and tapped his back. His eyes lingered on me, with a hint of annoyance.

"Bakit ka narito? Diba sinabihan na kita na sa opisina ka nalang dumiretso? Delikado rito."

I ignored his sermon. "Sila Val?" tanong ko.

"Nasa opisina na. Ang tigas talaga ng ulo mo." His brows furrowed. Imbes na matakot sa galit na ipinapakita niya, I was amazed.

Hindi ako makapaniwala na ang maamo niyang mukha ay kayang maging mabagsik sa simpleng pagkunot ng kanyang noo. His soulful eyes should be blamed for that. Pero hindi naman ito ganoon lagi. Noong nagkakilala kami, kahit anong galit ang kanyang ipinakita, maamo pa rin ang kanyang mukha.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin ang naging reaksyon ko. Nahiya tuloy ako.

"Umuwi na tayo."

With that, he held my wrist as we parted from the crowd. Kaya lang, bago kami tuluyang makaalis doon. Biglang nagkagulo. I did not know what happened. Ang alam ko lang, tumatakbo kami ngayon at hinahabol ng kung sino.

Sa suot kong mahabang palda at heels, sobrang nahihirapan ako sa pagtakbo. And another bad news, I am also asthmatic! Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tumatakbo hanggang sa lumiko kami sa isang eskinita.

Unti-unting kinakapos ang aking hininga nang tumigil kami.

"I...can't...breathe..."

Paputol-putol na sambit ko. Nagusot ang t-shirt ni Dale doon dahil sa higpit ng kapit ko.

I saw panic in his eyes. And I was also panicking, too! Hindi iyon nakatulong.

I thought I was going to lose my consciousness at that moment. Suddenly, I felt a rough paper against my mouth. Ang paper bag na hawak niya kanina ay naroon sa aking bibig. I inhaled then exhaled. I repeated the process hanggang sa naging maayos ang aking pakiramdam.

"Are you okay now?"

His face was close to mine. Ang kanyang kamay naman ay nasa aking pisngi. Tumango ako bilang sagot, habang unti-unting nalulunod sa isang banyagang pakiramdam.

Wala ako sa sarili habang pabalik kami sa opisina. Pagpasok pa lang namin doon, agad akong napasalampak sa sofa, nanginginig ang tuhod.

Lumapit si Dale kay Atty. Constantino at may ibinulong. Sila Val naman ay agad dumalo sa akin.

The Woman: INDEBTEDWhere stories live. Discover now