Chapter 25

3.7K 75 9
                                    

Natuloy ang Sunday plans ng mag-asawa. Dumating ang mga kaibigan ni Fae alas-nueve pa lamang sundo ng driver ni Jigo.

Matapos ang sandaling minindal ay nagsimula na nilang ipasyal sina Joanna, Pam at Kacey sa property.

Dahil sa nightclubbing nila noon ay hindi na asiwa ang tatlo kay Jigo at masaya at maingay ang kwentuhan. Tinutudyo pa nga sila ng tatlo dahil naging viral sa social media iyong mga pictures na kuha sa kanila nang nakaraang gabi sa party, mas pa raw kaysa noong nag-clubbing sila dahil may press kagabi.

Hindi sila nagbubukas ng socmed nila ni Jigo pero nakausap na nito ang publicist ng pamilya nito sa phone kanina, at alam na nilang nakarating na kay Lola Leah ang tungkol doon.

May napanood daw itong video noong moment nila sa dance floor dahil marami daw ang nag-record na mga bisita niyon sa mga personal cellphones.

At makabubuti raw na mag-schedule si Jigo ng pagbisita sa lola nito bago ito biglang bumisita rito!

Pero kahit papaano, alam nilang mapapabayaan silang mag-isa kahit sa araw na iyon lamang kaya pinatay nila ang cellphones nila.

Nagbigay na si Jigo ng instructions sa publicist nito at kay Maria para mag-field ng calls. Na si Maria na muna ang bahala sa myembro ng pamilya nitong gustong makibalita tungkol sa totoong score sa pagitan nilang dalawa, palibhasa alam nito ang lahat pero alam din nito kung ano ang sasabihin at kung ano ang mananatiling lihim.

"Grabe pala. Ganoon talaga? Nagkakagulo ang mga tao kapag nag-girlfriend ka?" napapantastikuhang sambit ni Joana matapos makwento ni Jigo na noong makumpirma sa lola nitong magkasintahan na sila at na humingi ito ng privacy sa ngayon, inutusan daw ni Lola Leah lahat ng mga kamag-anak na huwag silang iistor-bohin dahil lagot ang mga ito kapag bigla niyang br-in-eak ang apo nito kapag narindi siya.

Grabe naman. Natulala na lamang siya. Gustung gusto nga yata siya ni Lola Leah para sa apo nito. Bakit wala siyang kaide-ideya?

"I told her, ayaw lang maniwala. My Lola Leah loves her to pieces," sabi pa ni Jigo bago siya pinatakan ng halik sa kanyang ulo. "Naniniwala ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Hindi mo na siya pwedeng iwasan bukas. Anong gagawin mo?" tanong niya rito.

"I'll concede to whatever she wants. I'm happy she's supportive of us so I'll be very obedient. Kapag sinabi niyang gumawa na tayo agad ng apo, I'm 'Yes, lola!'"

Ginantihan nito ng halik ang palo niya sa dibdib nito.

"Nang-iinggit na naman kayo, ha?" sita ni Pam pagkatapos ng tawanan.

"Kaya naman pala naghintay matagal madiligan kasi susuliting sobra-sobra!" tudyong tuya naman sa kanya ni Kacey.

"Oo nga, nakakainis. Kung makaarte kayo para kayong nasa honeymoon, ha? Pakasal na kaya kayo?" susog pa ni Pam. "Mukhang do'n din naman kayo itutulak ng lola mo at mga kamag-anak, Jigo!"

Napatingin siya kay Jigo, na tumango. Huminga siya nang malalim.

"Actually, nagawa na namin 'yan," sabi niya bago siya mahiya o panghinaan ng loob. Binigay sa kanya ang perpektong pagkakataon kaya sinunggaban niya iyon nang walang dalawang-isip.

Tuloy sa pagrereklamo si Pam pero si Kacey ang unang nakahuli sa sinabi niya. Sunod ay si Joanna.

Delayed reaction si Pam. Biglang tumigil sa sinasabi, saka tumunganga sa kanya. "Ano kamo? Ano?" sambit nito.

Nagbuntunghininga siya. Kilala na siya ng mga ito kaya alam agad ng mga ito kung nagbibiro siya o seryoso sa tono niya.

Pero syempre, nakakagulat talagang balita ito.

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now