Chapter 24

3.4K 58 9
                                    

"I can't believe it. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong napanood pero lalo lang akong kinikilig!"

"I can't believe it, too! Who would have thought that our Spencer will finally fall in love like this? Look... sobrang sweet at lambing niya kay Fae! Mabuti na lang at may video kundi walang basta maniniwala. He's always stoic, but kissing and dancing sa floor? Hindi ko pa nakitang umakto nang ganito ang batang 'yan!"

"Balita ko, si Donya Leah raw ay hindi mapalagay noong napanood ang video na 'yan ng kanyang apo at paboritong debutante. Nagtatawag na raw sa mga amiga at gusto na agad magplano ng kasal!"

Nagtawanan ang dalawang babae.

"Ay, naaalala ko noong kasal na awang awa ako sa batang 'yan dahil kitang kita ko talaga na kahit hirap siya, pinili pa rin niyang naroon para kay Carl at sa pamilya. Alam mo na, at mismong grandparents ni Carl hindi umuwi. Pero hindi na ako ngayon nag-aalala. Mabuti at kay Spencer siya napunta. Hamak namang mas gwapo at successful si Spencer kaysa kay Carl! At napakaganda at matalinong bata! Hindi ko alam kung bakit ginanu'n siya ni Carl at nagawang ipagpalit sa social climber niyang asawa!"

Naninigas si Sarah sa kung saan siya napatigil sa pagpasok sa bagong paborito niyang salon. Nakilala niya ang dalawang nagbubungisngisan sa pinanonood na video sa iPad na hawak ng isa. Mga matronang nagpapakulay ng buhok sa salon. Mga mayayamang kaibigan ng lolo at lola ni Carl.

Hanggang dito ba naman?!

Pagbalik pa lang nila ni Carl mula sa kanilang honeymoon, kabi-kabila na ang kanyang mga naririnig tungkol sa isang party kagabi kung saan dumalo ang matalik na kaibigan ni Carl na si Jigo.

Kasama ang kanyang ex-bestfriend na si Fae.

Kesyo sweet na sweet daw ang dalawa sa isa't isa at halatang may relasyon na.

Tinawanan pa niya iyon noong una. Hindi niya narinig kahit isang beses man lamang ang pangalan ni Jigo mula sa bibig ni Fae sa ganoong paraan. Laging Carl, Carl, Carl. Loyal to the bone ang Fairy Santiago na kilala niya. Imposibleng makakalimutan nito agad nang ganoon kabilis si Carl!

Mas malamang na nagtatago ito sa kung saang lungga ngayon, licking her wounds, hiyang hiya at nanliliit, dinadamdam pa rin ang pagkawala ni Carl dahil sa kanya.

Hindi lamang ito nahulog, kundi pinakasalan pa siya!

Pero noong hindi tumitigil ang mga tsismis, tinawagan na niya si Tom.

Noong gabi ng kasal, sinugo niya ito kay Fae. Pagkatapos sirain ng babaeng iyon ang kanyang reception party at pagmukhain si-yang kontrabida sa mismong araw ng kasal niya, hindi siya papayag na hindi siya ulit makakaganti.

She expected Fae would do something stupid that night. She was already drunk when she left. Drunk and miserable. Kahit si Carl, nahirapang basta ito iwan. Pero hinila niya ito at pinangako ritong nagpadala na siya ng 'tulong' pero hindi niya sinabi kung sino. It could be anyone from the guests. Maraming kampi sa bruhang iyon sa mga bisita nila. Alam niyang binilin din ni Carl si Fae kay Jigo.

Pero mabilis si Tom. Habang abala ang lahat, makukuha nito si Fae. She didn't care what method he used, she only cared that she end up in his bed.

Matagal nang gusto ni Tom si Fae. But Fae didn't go with the same crowd he went with, and she wasn't impressed with him.

Pero kung lasing ito at wala sa sarili, hindi malayong papatol ito sa kahit na sinong lalaki.

If there was anything that could make Fae lose her shit or her wit, it would be losing Carl. And she did that day, to Sarah.

Nakaganti na siya sa lahat ng panliliit na naramdaman niya noong nakatira pa siya rito sa pamamagitan ng pag-agaw niya kay Carl.

Pero hindi pa pala siya tapos. Sinira nito ang araw ng kasal niya sa pagdating kaya kailangan niya itong parusahan. Pinadala lamang niya ang wedding invitation na iyon para pasakitan pa itong lalo. Hindi niya akalaing darating ito!

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now