Chapter 23

3.5K 59 2
                                    

Noong bumaba na sila sa kotse sa hotel venue ay full-blown na ang kaba ni Fae. First time siyang um-attend sa isang party na may 'date,' at hindi lamang isang date kundi isang Spencer Jigo Myrick.

Kinakabahan siyang isipin ang sasabihin ng nagwawagwagang mga dila, kahit iyon naman talaga ang purpose nang pagpunta nila rito—iyong pag-usapan sila para makarating sa Lola Leah nito na may namumuo na sa kanilang dalawa.

Pinisil ni Jigo ang kamay niya noong makapasok na sila sa ma-luwang na lobby patungo sa red carpet na magdadala sa kanila sa function hall kung saan ginaganap ang party.

Hinawakan nito ang kamay niya mula noong makababa sila sa SUV sa halip na ang standard na kamay niya sa braso nito.

Kaya naman pala. Sa entrada ng hotel, may mga press. Nagkikislapan ang napakaraming mga camera habang umaakyat sila.

"Malamig ang kamay mo. Relax and smile. You're stunning, babe. There's nothing to worry about."

May ingay sa lobby dahil sa magkahalong mga bisita sa party, bisita ng hotel at Press photographers na naroroon. Paano ay high society ang mga bisita kaya may aktibidades.

Isa si Jigo sa mga ito, naisip niya. At sa suot nitong beige jacket, light denim blue shirt at well-fitted charcoal trousers, he looked every bit of it. Sabit lamang siya.

Naaalala rin niya bigla na may mga artista, modelo at society belles na na-link dito noon. Kahit ineskortehan lang nito ang mga babae dahil endorser sa isa sa mga products ng businesses ng mga Myrick, news-worthy pa rin dahil tungkol iyon sa isa sa mga eligible bachelors sa high society. Kaya dapat ay hinanda na siya ng kaalamang iyon na may press coverage silang daratnan.

And she was already married to the guy. Bakit ang naïve pa rin niya?

"Alam kong sikat ka pero hindi ko alam ba ganito pala ang maging sikat," bulong niya pabalik. "I feel so stupid."

Ibinaba nito ang ulo malapit sa kanyang teynga. "You're perfect, and you're chosen. Stop fidgeting," utos nito.

Ang hirap mag-relax. Bukod sa cameras, ramdam din niya ang mga mata ng mga bisita na bagong dating gaya nila. She could imagine when they were inside the party. Napakaraming mga mata ang pumupuno sa function hall, lahat magtatanong kung sino ang kasama ni Spencer Myrick sa party ni socialite Tammy Marquez.

Huminga siya nang malalim. Hindi siya pwedeng umurong pero ayaw din niyang ipahiya si Jigo. Pinilit niyang ngumiti. Pero sa sumunod na mga minuto, napababa siya ng tingin sa ilang mga direktang titig na nahuli niya, lalo na mula sa mga babae.

Mga babaeng glamorosa, sopistikada, hugis-8-figure ang mga katawan at matatangkad. My god, anong iniisip niya kanina noong pinagtatanggol pa niya ang evening dress niya kay Jigo? Sa self-confidence pa lang ng mga babaeng narito, para siyang basahang panglampaso.

What was she thinking? Kaya naman pala umurong si Jigo sa pag-attend noong una.

Nagulat na lamang siya noong naramdaman niyang hinila siya ni Jigo at iniwan nila ang carpet. Hawak nang mahigpit ang kanyang kamay, sumingit sila sa mga katawan at may pinasok silang corridor, saka lumiko sa isa pang corridor. Halatang alam ni Jigo kung saan pupunta.

"Jigo?"

"You need to relax," anito. "Come here."

Pumasok sila sa glass doors at sinalubong sila ng lamig ng aircon na mas malakas dito dahil kokonti ang tao, mahinang tugtog sa speakers, ambient light at mga mesa sa isang maliit na bar place sa loob ng hotel.

Nalipat sa likod ng beywang niya ang hawak ni Jigo habang patungo sila sa bar. And then he was getting her a shot of tequila and himself of vodka.

Pagkasabi niyon sa bartender, pumihit ito sa kanya at ngumiti. Sumandal siya sa bar at ngumiti pabalik. Kumpara sa ingay at gulo sa lobby, payapa dito sa bar. Malamlam lamang ang liwanag, at sila lamang sa pwesto nila sa dulo ng bar kaya parang may privacy sila.

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now