Chapter 3

5.4K 84 12
                                    

Ang totoo, natuwa si Fae sa paglapit ni Jigo. The last thing she needed was getting exposed to Sarah's s*x bunny. Dahil kay Jigo kaya bigla siyang binitiwan ni Tom.

Pero habang lumilingon siya sa kanyang rescuer niya nama-layan na hindi pa pala siya nakakababa sa high stool. Sumuray siya, magsa-slide sa gilid, at babagsak sa kanyang mukha sa sahig.

Maagap siyang hinawakan ni Jigo sa kanyang likod. Naram-daman niyang kumapit ang kamay nito sa kanyang damit at nahila siya bago siya tuluyang mag-slide all the way down...

"I'm just talking to Fae," narinig niyang katwiran ni Tom, may kaba sa tinig.

Pumapalibot sa kanyang beywang ang braso ni Jigo, securing her in place atop the stool. Napahawak siya sa dibdib nito para bu-malanse, ni hindi nagtakang malapad iyon.

At matigas.

Jigo had always looked solid. Now she knew that he really was solid. She could feel it.

Ito ang unang beses na nahawakan niya ito nang ganito, at hindi na siya nagdalawang-isip sumandal dito kasi malakas naman ito. Parang dingding na bato.

Hmm. Nice.

"No..." sabad niya sa kung ano pang pinagtatalunan ng dalawa noong mahuli niya ang sinabi ni Tom. At least, iyong huling narinig niya nang malinaw. "Non-non-non-no. Hindi lang tokk ang-ngusto niya, Jigo. Gusto niya akong ishama sa walang ibang tao raw. Shabi ba naman n'yaa... as if sha-sha-ma ako sa kanyano?!" pilit pa niyang kuwento kahit parang dalawang dila na magkapatong ang nasa loob ng bibig niya. Shet. Tequila.

"C'mon, man. Fae and I are friends," pilit pa rin ni Tom.

Napatawa siya. "Oohh, do not lie. No-we're. Not!" At dinuro niya ang dulo ng ilong nito ng dulo ng kanyang kanang hintuturo. "He and Sarah are f*ck buddies," pambibisto niya rito, at nasiyahan siya sa kalayaang dala ng alak. There's nothing more gratifying than saying the eff word when you were drunk. More. "I'm not friends with f*ck buddies of Sharah be-kosh Sheraa ishent ma friend any-more. Or... never. Been my friend. Whatever..."

Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki, komikal ang shock sa mga mukha. At napatitig siya sa dalawa. Wala ni sa kalingkingan ng kaguwapuhan ni Jigo si Tom. Patunay lang na talagang palpak pumili ng lalaki si Sarah. Kung hindi isang maniac na gaya nitong si Tom, isa namang gaya ni Carl na mayroong nagmamahal na iba.

Ako. Mas mahal ko si Carl. There is no way Sarah could love him like I can... daing niya sa isip niya, at bigla ay hindi na siya masaya. Kasi para na namang may humihiwa at lumalapirot sa puso niya.

"Shit," sambit ni Tom, pinagtawanan siya. Kaya nalaman ni-yang nasabi pala niya iyon nang malakas.

"Shut-ap, you shit," parrot niya rito.

"I told you never to frequent any of my bars," sita ni Jigo kay Tom.

"Jigo, we were on a f*cking wedding. Walang ibang bar na ma-lapit dito kundi itong sa 'yo, ano ka ba? I have a room here, too."

"You've checked out. You're rooming somewhere else so stay out then I wouldn't f*cking care. And if I just hear anything from the other owners about you and your creepy ass, I'm going after you. Do we understand each other?"

Wala na siyang narinig kay Tom. Pumihit siya para tumingin pero muli siyang sumuray at namalayan na lamang niyang nakapa-libot na ang parehong matipunong mga braso ni Jigo sa kanya at natutunaw siya rito na parang jelly.

Gusto niya itong pasalamatan. "Jigo...?" Pero nadi-distract siya sa salakay ng masarap na pakiramdam sa matatag nitong ha-wak. Security. Ligtas siya sa mga bisig nito mula sa mga Tom sa mundo. Marahan ang mga kamay nito, maging ang haplos nito sa kanyang likod.

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now