Chapter 17

3.5K 68 7
                                    

Three weeks later, nakasal sina Fae at Jigo sa isang sobrang pribadong civil ceremony sa salas ng isang judge.

Sobrang private niyon, ang Executive Assistant lamang nitong si Maria at kaibigang British national na lumipad pa mula sa UK ang witness nila. Maliban sa kanilang mga nasa salas na iyon, ang solicitor nito lamang ang isa pang nakakaalam ng 'arrangement.'

Lutang pa rin si Fae, alam ang mga kaganapan pero parang na-whiplash sa sobrang bilis niyon.

Oo, pumayag siya.

Well, sabi nito hindi ito marunong manligaw.

Pero, my god!

Mula noong umagang iyon na una nilang naramdamang nahulog na ang loob nila sa isa't isa ay 'nanligaw' na ito all the way to a wedding proposal sa loob lamang ng isang linggo.

Inisa-isa nito sa kanya at binigyang-katwiran ang lahat ng lohikal na mga dahilan para magpakasal sila at maituloy itong espesyal na koneksyong namuo sa kanila mula noong gabi nila sa Majarlika Royale.

Na bagay lang na mauwi sa kasalan ang lahat.

At prerogative nila kung gusto nilang itago sa iba iyon para hindi sila magugulo o maiimpluwensyahan ng iba.

Pareho silang walang romantic ties sa iba.

Sobra ang chemistry nila kapag magkasama, ang intimacy ay natural na natural, duda niya tuloy ay iyon lamang talaga ang nambuyo sa kanila sa desisyong ito.

Pinangako nito sa kanya na kahit kailan, hindi siya nito pipigilan sa mga desisyon niya sa karera niya at pag-uusapan nila lahat ng mga desisyon na maaapektuhan silang dalawa.

Hindi siya pumayag na lang basta-basta, kahit hindi iyon halata dahil nga three weeks lang nakasal na sila. Wala siyang problema kay Jigo. Inamin na niya sa kanyang sarili na taglay nito lahat ng mga gusto niyang makita sa isang lalaking gusto niyang mahalin. In his case, she couldn't help but fall in love with him.

Dios ko, sawang sawa na nga siyang paulit-ulitin sa isip niya lahat ng qualities nito na aprubado niya.

Anong magagawa niya? Walang lalaking perpekto, pero kumpara kay Carl at iba pang man stories na naririnig niya, gusto na niyang magduda na meron na nga yatang nakabulsa ng titulong Perfect Guy.

At marami sa mga man stories na iyon ay nakakatakot.

Pero hindi niya gustong magmistulang arranged marriage o kaya naman ay revenge marriage ang kanilang pagpapakasal pagda-ting ng araw na malantad iyon.

So...

Fae proposed a prenup on the night of his proposal.

Yes.

Giniit niyang iyon ang nag-iisang kondisyong kailangang matupad para siya pumayag kahit nakikita niyang hirap na hirap itong magdesisyon dahil against iyon sa lahat ng protective nitong mga himaymay sa katawan.

Matapos ang halos tatlong araw na stand-off, pumayag rin. Pero sa kondisyong anumang ibigay nito sa kanya sa Last Will and Testament nito ay labas na sa kondisyon ng prenup.

Ang weird lang sa pakiramdam na noong isang buwan lamang hindi sila close pero biglang Last Will and Testament na agad ang kanilang kwento. Nakakaasiwa.

Pero hindi na siya nagulat. Kahit nanggaling ito sa business school, sanay itong mag-isip na parang abogado dahil sa pagrepaso sa maraming contracts na nagdaraan sa opisina nito araw-araw bilang CEO.

So, okay na sana.

Pero hindi lamang iyon ang pinagtalunan nila.

"In spite of an annulment?" tanong niya.

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now