Chapter 7

4.6K 95 5
                                    

Unti-unting nagising si Fae.

Alam niyang umaga na kahit nakapikit pa rin siya. Hin-di iyon ang unang gising niya. Isang beses na siyang naalimpungatan kagabi. Iniwan niya si Jigo sandali dahil kailangan niyang pumunta sa banyo, what with all the alcohol and then the full glass of water he made her drink last night.

Hinugasan din niya ang make up sa mukha niyang maga pa sa kanyang pag-iyak at pag-inom kagabi. Nag-toothbrush siya gamit ang nakita niyang spare sa banyo at nag-mouthwash, tinitiis ang silaw sa ilaw. Hindi niya gustong magising si Jigo sa kanyang morning breath dahil alam niyang babalik siya sa kama at matutulog muli sa yakap nito.

Masakit ang kanyang ulo pero nagpapasalamat siya sa gamot at tubig na pinilit ni Jigong ipainom sa kanya kagabi. Mas malala pa sana ito kung hindi siya nito pinupwersang mag-hydrate at uminom ng pain killer.

Ni hindi niya gustong isipin kung ano sana ang nangyari sa kanya kung wala ito kagabi!

Nagbalik siya sa kwarto at sumilid sa ilalim ng comforter. Agad na umikot sa kanya ang mga biyas nito noong sumiksik siya rito, muli ay pinaramdam sa kanya ang seguridad na binibigay nito sa kanya kagabi pa.

Napabuntunghininga siya nang malalim. Ayaw pa niyang umalis. Ayaw niyang kumilos.

Gusto pa niyang manatili roon hanggang pwede pa, nagkukunwaring hindi niya alam na sa labas ng pinto ay iba na ang mundong naghihintay sa kanya.

Kaya natulog siyang muli sa tabi nito.

Ngayon nga ay umaga na, at hindi magtatagal ay magigising na rin ito. Mag-uusap sila sa nangyari sa kanila kagabi.

Hindi siya nag-expect nang malaki sa unang beses niya. In fact, iyong sarap at komportableng dulot pa lamang ng yakap nito at halik ay pinagpapasalamat na niya nang sobra.

Pero higit pa roon ang binigay sa kanya ni Jigo.

Nadala siya kagabi ng ragasa ng mga sensasyong dinulot ng mga ginawa nito. Nag-aalab pa rin ang kanyang mga pisngi sa naging pagtugon niya rito.

Naiisip pa rin niya si Carl, at hindi niya alam kung kailan mawawala iyong masakit na pakiramdam parang may pumipisil sa kanyang puso dahil sa nangyari sa kanila.

Pero si Jigo at ang nangyari kagabi ay tumutulong para matiis niya ang sakit na iyon.

Sa wakas ay iminulat niya ang kanyang mga mata at agad siyang nagpasalamat na nakaharang pa rin ang makapal na mga kurtina sa bintana sa kwarto nito, hinaharangan ang sikat ng araw na magpapasakit pa sanang lalo sa kanyang ulo. May nakakalusot mang liwanag, sapat lang iyon para makita niya ang mukha nito nang hindi siya nasisilaw.

Magkaharap sila ni Jigo. Napakaamo ng mukha nito. Kung makakakita siguro siya ng anghel ay kasing guwapo nito. Ang kinis ng balat nito, grabe... talo pa ang babae. Naalala tuloy niya iyong mga pagkakataong napansin din naman niya ito noon dahil—hello?!—ang klase ng kaguwapuhan ni Spencer Jigo Myrick ay iyong hindi mo kayang snob-in.

Pero nao-overwhelm siya sa kumpiyansa nito sa sarili. Alam ni Jigo na isa ito sa pinakagwapo at pinaka-hot na lalaking makikita mo. Idagdag ang yaman nito at talino. Yes, isa ito sa mga lalaking iyon. Cream of the crop.

Pero chill lang ito. Hindi maingay, o papansin, o mahangin. Isa iyon sa dahilan kung bakit nakampante siya rito at hinangaan niya iyon dito.

Hindi nga lamang ito si Carl.

Hindi niya alam kung anong nangyari.

Noong una ay malalim ang tulog nito. Pero nagmulat ang mga mata nito. Nagising itong parang naalerto nang kung ano.

Hooking Up With Mr. ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon