Chapter 12

3.8K 73 2
                                    

Sa halip umalis pagkakain, tinulungan siya ni Jigo na iempake ang natitira pa sa mga gamit niyang wala pa sa mga boxes.

Hindi lamang sa pag-eempake. Nang malaman nito kung saan siya lilipat, may tinawagan ito at na-expedite ang documenttation ng bentahan. May isa pa itong tinawagan at may nagtungo sa three-bedroom unit niyang bago para masigurong malinis na lahat at handa sa madaliang paglipat.

She drew a check that same day for payment.

Bago matapos ang hapon, wala na lahat ng decors sa mga ding-ding. Cleared na ang mga shelves sa kanyang mga libro at stuffed toys. Wala na ang kanyang mga cosmetics, perfumes at lotions sa vanity. Hindi sa ginawa nila iyon lahat sa maghapon pero sinasabi lang niyang iyon ang estado ng unit bago dumilim sa labas. Lahat ay nakakahon na, ready for trucking.

Bago matapos ang araw, may mga lalaking dumating sa malaking truck, nagbuhat ng kanyang mga gamit at naglipat niyon sa bagong unit.

Nang gabing iyon ay matutulugan na ang isa sa mga kwarto sa bago niyang condo.

Nakakalat pa sa bago niyang living room ang kanyang mga kahon, pawang mga bukas, pero ang kanyang mga damit ay naka-hanger na sa built-in cabinets sa kanyang bagong bedroom. Ang mga kailangan sa biglaang pagluluto ay naka-set up na sa kusina at nakapwesto at buhay na ang fridge roon.

Bago siya iniwan ni Jigo, may laman na iyong grocery, delivered ng service ng isang supermall. Tinawagan nito si Maria, ang Executive Assistant nito, para asikasuhin ang kanyang needs sa kusina among other things! Kilala niya ang babae, late 40's, na-meet na niya noon pa sa isa sa mga gatherings ng mga pamilya. Isinigaw sa kanya ni Jigo na binabati siya ng babae sa kanyang bagong purchased na tirahan.

Nagpasalamat siya, syempre. Pero nakagat niya ang ibabang labi sa pag-aalala. Sana ay hindi maging mitsa ng tsismis na narito ni Jigo. Inutusan ito ng lola nito. Sana ay iyon lamang ang isipin ng mga ito. Malapit si Maria kay Lola Leah at tiyak niyang makakarating ditong hindi lamang siya kinumusta ng apo nito kundi nag-stay ito maghapon—isang multi-milyonaryong CEO—at m-in-icromanage ang kanyang paglipat sa ibang condo!

Ilang beses niyang inalala na ang kasama niya sa maghapon ay isang importanteng tao na sa regular work days gaya ngayon ay naka-three-piece suit, nakaupo sa likod ng executive desk nito sa executive floor ng high-rise building ng mga Myrick.

Pero nag-o-overthink na naman daw siya kapag sinasabi niya iyon rito.

Sa kabilang banda, ang bilis at ang dali niyang nakalipat. Kung wala ito, hindi iyon mangyayari.

Nalungkot siya noong nagpapaalam na ito.

Komportable na ang kanyang tutulugan, may pagkain nang luto at iinit na lang kapag nagutom siya sa fridge, at naka-install na lahat ng locking mechanisms sa mga bintana at pinto.

"I don't know what to say but thank you," nasambit na lang niya noong nasa may pinto na sila.

Ngumiwi ito. Nahihirapan itong magpaalam.

Oh my god... are we starting to get attached to each other?

Masama ba? Dapat yata natataranta siya pero kahit pilitin niya, ayaw. Kinikilig pa nga siya. Mula noong nasa resort sila, unti-unti pero siguradong napapalapit siya kay Jigo.

Bago niya masabing mag-stay na lang ito for the night, nauna itong magsalita.

Naramdaman niya ang kamay nito sa pisngi niya. "You are tired, and I know if I stay, hindi ako makakalipad sa Cebu bukas nang madaling-araw. So..."

Nagtatawanan sila nang mahina.

Yumuko ito at hinalikan siya sa noo. Even that felt perfect, as opposed to if he had kissed her on her lips.

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now