Chapter 16

3.7K 70 17
                                    

Si Jigo ang unang bumangon saka dinala siya sa banyo. Ewan ba niya kung bakit gusto-gusto nitong binubuhat siya palagi. Matapos silang mag-shower, hinila naman siya nito sa kusina. Pinagluto siya nito ng omelet para sa almusal.

Kabaliktaran sa kama, mas seryoso na silang nag-uusap noong kumakain.

"So what do you plan to do now after you've resigned from your work?" maingat nitong tanong sa kanya matapos ang sandaling pagsulyap. "If you don't mind me asking."

Napatingin siya rito. Isa ang law team ng pamilya nito na kinonsidera niya noong pag-apply-an bago pa mangyari ang lahat ng ito. "I don't mind you asking," sabi niya.

"Gusto kitang makita sa work place every day once you start working there."

"Huh. What?" sabi niya.

Nagbaba ito ng kubyertos at kinuha ang mug ng kape. Pero hindi ito uminom. "I know you've considered applying in our firm. You're hired." Ngumiti ito. "We'd like to have you in our team very much."

Nagbaba siya ng tingin sa plato niya.

"What is it, babe?" tanong nito kapagdaka. "May problema ba sa sinabi ko?"

Ilang sandali siyang nag-isip kung paano sasabihan dito ang napagdesisyunan na niya kahapon. "It's just... I want to make my own way now. Ayokong magtrabaho sa kahit saang firm o legal team na makakasalamuha ko all the time ang old crowd ni Daddy."

Tahimik ito, at sinilip niya ang mukha nito.

Nagbuntunghininga ito nang malalim. "Damn... Lola Leah wouldn't like to hear that."

"Hindi sa ayaw ko na kayong makita—"

"Babe, it's not about that. You are one of the youngest and most brilliant of Carl's family's firm and that's why we want you with us. The offer wasn't a pity offer, you know. Lagot si Carl sa grandparents niya dahil sa pagre-resign mo."

Tumitig siya rito. At noong hindi pa rin tumalab, lumabi siya.

At bumagsak ang mga balikat nito, saka ito pumikit sandali. "Okay. Just... stop looking at me like that now, babe, please. We'll do what you want. I'll support you kung ito talaga ang gusto mo."

Napangiti na siya. "Anong sasabihin mo sa lola mo?" Hindi niya gustong kausapin ang lola nito tungkol dito. Baka mamalayan na lamang niya, hinahatid-sundo na siya ng isa sa drivers ng mga Myrick sa trabaho.

"Hindi ko pa alam. As long as hindi ako madadamay sa mga ayaw mo nang makita, I'm fine. I'll think of something."

Namatay ang ngiti niya. "It's not like that. Gusto ko pa rin naman silang makita. Pero sa personal at professional kong buhay, gusto kong hanapin ang lugar ko nang mag-isa."

"Dahil ang mga plano mo noon, umiikot lamang sa kung saan mo makakasama at makikita si Carl," sabi nito.

Itatanggi sana niya iyon.

Pero napatitig siya rito, at kahit hindi pa malinaw sa kanya ang tungkol dito dati, unti-unti ay naging klaro.

"Yes." Nangatal ang ibaba niyang labi kasi naaalala niya iyong mga araw na iniinggit siya ni Sarah gamit ang mga regalo rito ni Carl, o iyong isang beses na dinatnan niyang magkayakap ang dalawa sa baba, naglalambingan palibhasa overtime iyon at almost wala nang tao sa parking lot, bago nito pinasakay ang babae sa kotse nito para ihatid o anuman.

Tumulo na nga ang luha sa kanyang mukha.

"Yes, tama ka. Nasanay akong gano'n kaya ni hindi ko na alam noong huli." Pinahid niya ang luha niya ng likod ng kanyang braso. "Hindi ko alam kung bakit naisip niyang itago sa akin na lumalabas sila kasi malalaman ko rin naman sa huli, 'di ba? Ano bang nasa isip ng kaibigan mo? Na kapag sinabi niya sa 'kin, maghahabol ako?"

Hooking Up With Mr. ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon