Chapter 10

4K 72 2
                                    

Shocked si Atty. Estanislao, ang senior partner, nang makita na irrevocable ang kanyang resignation letter. Umalis siya agad bago pa ito makabawi at mapigilan siya. O maalertuhan ang iba pang partners at mapagtulungan siya dahil, behind closed doors, parang mga uncles na ang turing niya sa mga ito.

O mag-iyakan sila.

Kahit ang mga kasamahan nila ay hindi alam na nag-resign na siya noong lumabas siya sa opisina ni Atty. Estanislao matapos mangako ritong kahit wala na siya sa firm ay dadalo siya sa personal na mga invitations sa family gatherings. Noong nagdaraan na siya dala sa isang kahon ang konting personal na mga gamit na kinuha niya sa kanyang opisina saka pa lamang nakahalata ang mga ito.

Bago pa man kasi siya dumalo sa kasal ay unti-unti na niyang iniuuwi ang iba niyang mga gamit para sa araw na ito ay hindi na siya magtagal masyado dito sa office.

Sobrang gulat ang mga ito para makapag-react.

Masakit man sa dibdib, relieved na rin siya noong nagda-drive na siya palayo. Nangako na lamang siya sa kanyang sarili na babawi siya sa mga ito kapag kaya na niyang muling magpakita.

Kapag mas madali na sa kanyang makasalamuha muli ang mga ito sa hinaharap.

NAGDIRETSO sa mall si Fae pagkagaling sa opisina.

Naglakad-lakad siya roon, gustong mawala sa gitna ng mga tao na hindi siya kilala at hindi niya obligadong kausapin.

Hindi pa rin niya balak magbukas ng kanyang socmed o tawagan ang mga kaibigan para sabihin sa mga itong nakabalik na siya sa Manila. Kailangan pa rin niyang mapag-isa at hindi niya kailangan ng pity party.

Wala siyang nabili at hindi siya nakakain. Nanood siya ng movie–or she tried to. Lumabas siya ng cinema nang hindi pa iyon tapos. Noong napagod na siya saka siya nag-drive pabalik sa condo.

Kama na lamang niya ang okay pa para may matulugan siya. Halos lahat ay nasa mga kahon na, maging mga gamit sa kusina maliban sa isang plato at baso at kubyertos. Ang fridge na lamang ang buhay pero halos wala nang laman maliban sa take out niya pero hindi rin naman niya kinain.

Sinubukan niyang itaboy ang depresyon at pagkamanhid sa pagbababad sa bath. Pero pinaalala lang niyon sa kanya si Jigo.

Napangiti na lamang siya sa panghihinayang sa alaala nito. It had been too good with him for her not to want more of it, of him, eventually.

Kaya tama na iyong two-night escape kasama ito. Sapat na iyon para kahit hanap-hanapin ng katawan niya, maging isa iyong craving na gusto niyang maramdaman.

She was able to have Jigo, and she didn't Carl.

She had one good experience to counter the bad.

Kaya noong niyakap niya ang unan at ang naaalala niya ay si Jigo sa halip na si Carl, nagpapasalamat pa siyang nakatulog.

NAGISING si Fae sa tunog ng doorbell.

Mumukat-mukat, sinubukan niyang bumalik sa pagtulog. Iniisip niyang mga kaibigan lang niya ang nasa labas at sinusubukang alamin kung nasa bahay na siya. Patay lahat ng ilaw at kung walang sasagot, aalis din ang mga ito.

Pero walang puknat ang tunog ng doorbell.

Matapos magbuntunghininga, bumangon siya sa kama. May-be she needed company. Maybe she just had to stop moping on her own. Maybe it would be better and easier to have people help her pack the last of her things and plan what to do. Kung hindi rin naman siya makakatulog, mabuti pang...

Sa peephole, si Jigo ang nakita niyang nakatayo sa labas ng kanyang pinto.

Bago ni maisip ni Fae ang kanyang ginagawa, nabuksan na niya iyon. Agad na nabura ang inip na ekspresyon sa mukha ni Jigo nang makita siya, bago bumaba mula sa kanyang mukha ang mga mata nito.

She never had the chance to cover herself. Hindi naman kasi niya naisip na lalaki ang nasa labas ng kanyang pinto. Lahat ng mga kabarkada niya ay babae.

Nakagat niya ang ibabang labi nang mapanood niya ang paglatay ng init sa mga mata nito. Alam niyang naaalala nito ang gabi nila sa suite nito sa resort.

Naaalala din niya, unfortunately.

"What are you doing here?" tanong niya. Hindi siya nagtatakang nalaman nito kung saan siya nakatira. He could easily obtain it from anyone in the office or from Carl's staff. Pero bakit ito narito? He didn't need to come.

"I heard from Lola Leah that you've resigned. Alalang alala siya. She wanted me to find out what you're doing... or you needed help. In case balak mong maghanap ng work... you know? She wants you to come to us."

Napalunok siya. Ah. May nagsugo rito sa kanya. "I have no plans right now... I just wanted out of there."

"I understand."

Pinilit niyang ngumiti.

Inangat nito ang kamay na may hawak na bag ng Chinese take-out. "Have you eaten? O natulog ka na lang ba nang natulog since you came back here?"

"Hindi ako patulog-tulog, ha? Nag-eempake ako," sambit niya.

"So when was the last time you ate?" nangingiti nitong tanong.

Dapat yata naiinis siya. Wala itong obligasyon o lugar na usisain siya nang ganito. Pero sa halip na mainis, nagtiim ang kanyang mga labi sa guilt.

"Fae..."

Umangat ang isa niyang kilay. "So you came to feed me here, too? Hanggang dito, aalagaan mo ako?"

Nagkatitigan sila.

Humakbang ito palapit. Nakaangat na ang kanyang baba noong bumaba ang ulo nito at magkahinang na ang kanilang mga labi bago sinipa ng paa nito ang pinto ng condo pasara sa likod nito.

Hindi niya alam kung saan nito naiwala ang paper bag ng take-out. Wala siyang pakialam. Mas may pakialam siya sa kung gaano nito kabilis naiwala ang kanyang damit at damit nito. He also did not need direction to her bedroom. Ang mahalaga lang ay noong kasama na niya ito sa kama.

"Jesus... Fae..." ungol nito sa paos na tinig noong nakatutok ang nilalagnat nitong mga mata sa kanya, habang nasa ibabaw sila ng gulong kumot at mga unan at nakabuka na ang kanyang mga hita sa pagtanggap dito. "I've missed this. Don't leave me like that again."

Napalunok siya. "Ayokong masyadong mawili sa 'yo," sabi niya rito.

"Pero ako... paano naman ako? Hinanap kita," sabi naman nito habang hinahaplos ng kamay ang kanyang pisngi at buhok. "Hindi pa ako handang umalis ka..."

"It's just rebound, Jigo. Kailangan ko lang kalimutan si Carl."

Tumango ito. "Ibig sabihin, kailangan mo ako para hindi ka mag-isa habang pinagdaraanan mo ito. I'll be good. And you'll be alright, Fae. Tutulungan kita."

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa mga sinasabi nito. Pero ang natuklasan na niya, sa pagitan nilang dalawa ni Jigo, hindi niya kailangang magsinungaling. Alam nito ang totoo. Hindi rin niya kailangang magsalita para malaman nito ang iniisip niya. Para kasing eksperto na ito sa pagbabasa niyon sa mukha niya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon, pero iyon ang klase ng koneksyon nila noong magkasama sila sa resort. Akala niya ay doon lang nila iyon mararamdaman dahil dinala ng sitwasyon. Pero ganoon pa rin sila, may ibang klase ng koneksyon, hanggang dito ngayon.

"I need you," pag-amin niya. Hinanap din niya ito. Ngayong narito na ito, walang mas mahalaga pa sa mga sandaling iyon kundi ang muli siya nitong dalhin sa lugar na iyon kung saan niya nakakalimutan ang lahat.

Nope, hindi pala lahat.

Doon sa lugar kung saan ito lamang ang nakikita niya, naririnig, nararamdaman.

"I want you inside me again. Please, Jigo..."

Ngumiti ito, naningkit ang mga mata, at mas mataas ang tikwas niyong isang dulo ng mga labi nito. He had such straight, pearly-white teeth. Napahingal pa siya. Napakaguwapo talaga nito.

And she could smell him again, his cologne and his sweat... all of him.

Yumuko ito at muli ay nadarang si Fae sa halik nito habang binibigay nito sa kanya ang kanyang hinihingi...

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now