Chapter 11

4.1K 67 3
                                    

Paano matulala nang nakapikit?

Kung nakamulat siya, alam niyang tutulala siya sa umiikot na ceiling fan sa kisame sa tapat ng kama. Natunaw na parang jelly si Jigo sa ibabaw niya, at pawisang pawisan pa sila. Naghahabulan pa rin ang mga tibok ng mga puso nila sa magkadikit nilang mga dibdib, and she felt nothing but contented bliss.

"Wow..." sa wakas ay nasambit niya nang magawa niyang makapagsalita matapos lumunok para malawayan ang kanyang natuyong lalamunan. "Just... wow..."

Nag-angat ito ng ulo, at nakangisi ito habang nakatitig sa kanya. "I know..." Umangat ang kamay nito at humaplos sa kanyang pisngi, at bahagya na niyang nakontrol ang kilig na dinala niyon. She was too sensitive to him. "I have debated too long to go to you. Alam kong kailangan mong mapag-isa... pero hindi ko kayang lumayo nang matagal." Sa mas marahang tinig, umamin ito. "Kahit totoo ngang inutusan niya ako, excuse lang si Lola Leah. Kung hindi iyon, makakahanap ako nang iba pang dahilan para puntahan ka."

Ilang sandali siyang hindi umimik. Hanggang sa sumilid ito sa tabi niya at tumayo para linisin ang sarili at magtungo sa kanyang banyo.

Babangon na rin siya sana pero nagbalik itong may dalang wet towel. At gaya nang sa resort, he took care of her. Pinunasan siya nito at inalagaan pagkatapos.

"Are you okay?" marahan nitong tanong.

Tumango siya, namumula at nahihiya bigla sa atensyon nito. He had always been this intimate with her. Hindi nagbabago.

"You're liking it, so far?"

Na-realize niya bigla na nag-aalala itong nagsisisi na siya sa pagpapadala sa bugso ng damdamin nila. "Yes... so far," sambit niya habang nanunudyo itong nginitian. Kung iniisip nitong nagsisisi siya sa nangyari, puwes hindi. Gusto niyang dumating ito, na nangyari ulit ito sa kanila. Hindi komplikado si Jigo lalo na kapag kasama niya ito.

Nagkakaroon lang ng komplikasyon kapag masyado siyang nag-iisip, and right now she didn't want to think.

"Yes, I do like this. Na parang hindi mo alam," tudyo pa niya rito. "Kahit bago itong ganito sa 'kin."

"Hindi magtatagal at hindi na ito bago. I still have more up my sleeves for you," balik-tudyo nito.

Napapikit siya sa pagtawa. Saka siya muling tumingin dito. "Is it always like this with you? Kapag may kasama kang babae, I mean? I mean... ganito ka ba sa lahat?" nahihiya niyang tanong. "Hindi yata ganito ang mga naririnig ko sa kwento ng iba."

"Paanong hindi ganito?"

"Marami silang complaints."

Natawa ito. Saka natutuwa siyang hinalikan sa dulo ng kanyang ilong. "Thank you. I'm pleased to have served you so well."

Napailing siya. "So, ganito lagi sa 'yo?" giit niya.

Umiling ito. "It's never the same with anyone. But I'm enjoy-ing my time with you. Too much. It is actually a pleasant surprise."

Napakunot ang kanyang noo. Itinukod niya ang kanyang ulo sa kanyang kamay sa unan. "Bakit naman?"

Mahina itong tumawa. "I know I said I liked you, but I never thought we can be like this. I never entertained the idea. Akala ko kasi talaga, magiging kayo ni Carl." Umikot ang mga mata nito. "What an idiot!"

Siya naman ang humila sa balikat nito para yumuko ito at magawaran niya ito ng halik. "Thank you. He is an idiot, isn't he?"

"Very. Also..." Binaba nito ang tuwalya sa ibabaw ng nightstand at nagbalik sa kanyang tabi. Pinanood niya ang pagbagsak ng pendant na kung anong gray metal sa gold chain na suot nito sa unan noong mahiga ito paharap sa kanya. He also wore a Rolex on his wrist. May butas sa isa nitong teynga pero wala itong suot na panlalaking earing. He used to, in college. The man liked his jewelry.

Hooking Up With Mr. ReboundWhere stories live. Discover now