Madilim ang kwarto dahil pinatay niya ang ilaw, at ang ilaw nalang sa lamp shade ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto.

"Axel tulog kana?" tanong ko na nakaharap na sakaniya.

"Oo, tulog na tulog na."

Napatanga ako sa sinabi niya, napahampas tulog ako sa tiyan niya. Pero wrong move pala dahil imbis na kakakain na katawan niya ang mahampas ko ay abs parin ito at sobrang tigas.

Kinilabutan ako doon at napatigil. Rinig ko naman ang baritonong halakhak niya.
"Damn, naughty Velvety" he huskily said.

Parang may kuryente ang pumalibot sa buong pakiramdam ko, parang kiniliti ang katawan ko rito. Ramdam ko ang pag akyat ng mga dugo ko sa palibot ng pisngi ko. Namumula ako.

Napatakip ako ng sariling unan sa mukha ko pero rinig ko parin ang halakhak niya.

"Cute" bulong nito pero narinig ko parin naman.

Napaalis ako ng unan sa mukha at napatingin sakaniya.

"Matulog kana nga! haysst!" gigil na usad ko.

Kita ko ang anino ng ngiti niya, "E bakit kasi tinanong mo pa kung tulog na ko?" sabi nito, pero hindi ako sumagot dahil sa hiya. "Tsk" rinig ko.

Wala akong nagawa kundi pumikit at hayaang makatulog ngayong gabi.

Pero bago ako makatulog naramdaman ko ang pag usod nang katabi ko saakin, at ang pag yakap niya ng mahigpit.

....

Nagising ako ng makaramdam nang may nakatingin saakin. Dahan dahan ang pag mulat ko nang mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana.

"Good moyning mommy!"

"Good morning mommy!" sabay na sigaw ng dalawa ang nag pagising saakin. Una ko silang nakita pero hindi roon napunta ang atensiyon ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo at nasa harapan naming tatlo.

Napabaling na ako sa mga bata at kinusot ang mata. Baka may muta pa ang aking mata nakakahiya naman diba.

"Good morning honey" sabi ko at dahan dahang umupo "nag breakfast na ba kayo babies?" tanong ko sa dalawa.

Tumango naman sila at napatingin kay Axel. Tumango ito at nag salita "Yeah, they had their breakfast" kumpirmasyon nito.

Bakit ang gwapo niya parin kahit sa pag gising sa umaga, nakakainis! Nakakainggit naman!

Matapos iyon ay hinila na ako ng tatlo pababa sa first floor. Pinaghila pa ako ng upuan na para akong reyna at pinag sandukan ng pagkain.

Nandito sa bahay sila Mama, siguro si Papa tulog pa at si Mama naman ay nag didilig na nang mga paborito nitong halaman.

Kahit na nagtataka ako sa kilos nila ay binilisan ko ang pagkain at sinabi naman nilang sila na ang mag tatabi kaya hinayaan ko na. Tuloy raw ang dating ng mga magulang ni Axel.

Mamaya pa raw ito kaya nag karoon ako ng oras para ayusin ang kambal.

Tinawag ko ang dalawa, "Babies?" nakaupo sila sa bench ngayon kahit na mainit. Pinapanood ang lola na mag dilig.

Sabay silang napatingin saakin, "Yes mommy ko?" tanong nila na nakangiti na saakin. Asan naman kaya si Axel? Ah bahala siya!

"Tara, maghahanda tayo sa pag dating nila Grandpa and Grandma!" Nakangiti kong sagot. Tila napantig ang tainga ko ng tumili si Avi at dali dali sila saaking lumapit. Hila hila ako ay tumaas kami.

"Yehey!!" Sigaw nila parehas habang dinadamitan ko sila, maya maya rin ay andito na sila.

Napili ko lang silang pag damitin ng pang-bahay dahil hindi naman kami sa lalabas mamaya.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now