SINIMULAN: UGAT

1 1 0
                                    

MAKAPAL ANG usok mula sa factory ng mga Feliciano. Nagkalat iyon sa buong paligid ng baryo ng Falicito.

Nakasimangot si Manong Berto habang hindi na maipinta ang mukha na nakatingin sa tubig nilang dumudumi na dahil sa factory ng mga Feliciano.

“Virus at sakit makukua ta sa factory na ine, ay!” reklamo niya pa habang nakatingin sa tubig nilang nahahaluan ng ibang kulay.

Pinakalma naman siya ng dalagang anak na si Nikka na nakasuot ng sando at short habang dala-dala ang mga nilabhan nito sa kabilang ilog na malinis.

“Tay, kalma, ang puso niyo, ay! Hayaan na iyan, tabil kita ki tabil, dai man sana madangog. Ano pang silbi? Kaya tara na, pasok na sa loob ng harong, ay! Dali na po, mainit, oh! Baka ma-high blood kayo niyan. Si nanay po nasaan?” tanong ng dalaga sa ama niya.

Ngumiti ang ama niya sa kanya, “Nandoon sa loob ng bahay, 'ne. Tsk, malaog na lugod ako sa harong. Ingat sa pagsampay at baka ika' y madulas, ah.” pagpapa-alala pa nito sa kaniya.

Nakangiti na tumango ang dalaga sa ama niya. Nang nakapasok na ang ama niya ay binaba ng dalaga ang mga nilabhan niya at napatingin sa binti ng ama na tila may kinagatan ng kung sino.

Saan kaya iyon galing? Sabi niya pa sa isipan pero hindi na lang iyon pinansin at tinuloy na ang pagsasampay. Samantalang ang mga kaibigan niya naman ay abala sa paghahanap ng malinis na ilog dahil pati raw yung ilog na nilalabhan nila ay may halo na din ng kung anong kulay mula sa factory ng mga Feliciano.

Nangungunot ang noo niya ng makitang nagkakagulo ang mga tao dahil sa may libre daw na mga tubig galing sa mga Feliciano bilang paghingi nila ng pasensya. Tinapos na muna niya ang pagsampay at kinuha ang nag-iisa niyang blazer na abot hanggang tuhod niya sa loob ng bahay nila para matakpan ang hinaharap at hita niya.

“'Tay, 'Nay, kuha lang po ako tubig doon sa labas, ah?” paalam niya pa sa kanila.

Nakangiti namang tumango sina Mang Berto at Aling Leticia sa kanya, ang anak talaga namin... Napakaswerte namin na mayroon kaming katulad niya, “Ay! Ayan ba ay... Yung sa mga Feliciano daaw?” tanong ni Mang Berto sa anak niya.

Nakangiti namang tumango si Nikka sa ama niya. Siyaka siya nagpaalam na lumabas na. Kaya naman niyang bitbitin iyong mga tubig na iyon kahit na slim ang katawan niya, nasanay na siguro kasi siya sa buhay nila. Wala namang mawawala at madadagdag kung magrereklamo siya.

Nang nasa labas na ay karamihan sa mga lalaki, kahit babae ay nasa kanya ang tingin, “Ang ganda talaga ni Nikka.” bulong ni Shaine.

Teresa smiled, “Sinabi mo pa, beh! Kainggit, ay!” sagot niya sa kaibigan na nakapila rin.

Tumabi si Aeina sa kaibigan na si Nikka, “Nandito din daw yung unico hijo ng mga Feliciano, si Ericon.” bulong nito sa kaniya. Tumango naman si Nikka, “Oh? Lalandiin mo?” natatawa niyang tanong rito.

Bumusangot naman ang kaibigan niya, “Geh ba, tsk! Eme lang, beh! Pero diba naging ka-mutual understanding mo iyan dati? Diba mu kayo dati?” pang-uusisa pa nito.

Napa-iling-iling si Nikka sa pagiging ususira ni Aeina,“Tsk. Hindi ka mabubusog ng chismis, Ein.”

Nalukot naman ang mukha nito, “Anong hindi?! Teh, bundat na nga ako sa tsismis, oh!” pinakita pa nito kunwari ang bilbil daw pero flat naman niyang tiyan.

Natawa naman ang mga naroon, sila na pala kasi ang nasa harapan. Natawa si Ricon sa magkaibigan at ng mag-angat siya ng mga mata. Nagtama agad ang mga paningin nila ni Nikka.

There's a tension, yes but Nikka can't relate to butterflies anymore. Mas priority niya na siguro kasi ang pamilya niya.

“Uyy, eme!” bulong pa ni Ein sa kanya na ikinangiwi ng dalaga. Binigay naman na ni Ricon ang mga tubig at dalawang kahon na donations para sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Virus Apocalypse (Water) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon