Epilogue

282 18 5
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Epilogue:

Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang tumatakbo sa dinaanan kanina nila Kenji. Hindi ko na sila makita, bigla silang nawala.

"Saan na iyong mga iyon??" tanong ko sa sarili ko. Ang laki ng hallway, hindi ko alam kung hacienda lang ba talaga ito.

Nabigla ako nang may likod akong nabunggo. Mabilis itong lumingon sa akin dahilan para mapaatras ako.

Nagkatitigan kami at ngayon ko lang naalala na nakita ko na siya. Bago ko makasalubong si Kaito no'n, siya iyong una kong nakasalubong. Walang ekspresyon akong tinitigan nito.

May bitbit itong dalawang maleta at nakasuot ng coat na itim. Hindi ko alam kung magpapaliwanag ba ako o hindi.

"S-Sinusundan ko sina Kenji at Kaito," utal na sabi ko.

Nakita kong kinuha niya ang phone niya at tinapat sa tenga niya.

"Doko ni iru no? [Where are you?]" walang ekspresyon na tanong nito sa kabilang linya.

"Kanojo wa anatanokanojodesu ka? [Is she your girlfriend?]" walang ganang sambit nito.

Hindi ko siya naiintindihan. Pero sa itsura ng lalaking nasa harap ko. Alam kong Japanese rin siya.

"Watashi wa anata no gārufurendo to isshodesu [I'm with your girlfriend.]"

Nakita kong bumaba ang tingin nito sa akin.

"Wakatta, kanojo wa watashitoisshoni kurudarou. [Okay, she'll come with me.]"

Nagulat ako nang tignan niya ang relo niyang suot at may kinuha sa isang maleta. Binuksan niya ito at inabot sa akin. Napalunok ako kasi hindi siya nagsasalita. Mabilis kong sinuot ang coat.

"Watashi wa eigo o hanasemasen,[ I can't speak english]" walang eskpresyon banggit nito.

Hindi ko siya maintindihan kaya tumango na lang ako. Hindi ko napansin ang oras kaya nagulat ako sa orasan na nakadisplay sa wall. Umaga na!

Ilang pasilyo ang dinaanan namin bago kami huminto sa isang glass window. Pumasok kami roon at haharangin sana ako ng isang security guard nang magsalita ang katabi ko.

"Kanojo ni furenaide kudasai! [Don't touch her!]" Natigilan ako sa narinig ko.

Ngayon ko lang narinig na nagkaroon ng ekspresyon ang boses niya.

"S-Sir—"

Umiling ang lalaking kasama ko at masamang tumitig sa security.

"Sorry, Sir."

Mabilis kaming pinadaan nito at tumagos kami sa isa pang pinto. Nagulat ako nang makita ko kung gaano kaganda sa lugar na ito. Tunay na mayaman talaga ang pamilya ng Velasco.

Malayo pa lang, alam ko kung kaninong likod iyon. Nakita ko rin na may private jet, malayo sa pwesto nina Kenji. Mabilis na nanghina ang dalawang tuhod ko nang lumingon sina Kenji sa pwesto namin.

[Please play the song 'The Last Time by The Script']

Mabilis na nanghina ang dalawang tuhod ko nang lumingon sina Kenji sa pwesto namin. Kahit malayo, kita ko kung paano magbago ang ekspresyon ni Kenji. Nakita ko pa kung paano ngumiti si Kaito sa akin.

Mabilis na tumakbo papalapit sa amin si Kenji. Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ng lalaking kasama ko.

"Thank you, Daisuke." Niyakap ni Kenji si Daisuke. Tinapik ni Daisuke ang balikat nito.

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now