Prologue

404 25 0
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

PROLOGUE:

"Tarant4do talaga 'yang kup4l na Kenji na iyan!" singhal ko habang nakikita kong umiiyak ang lalaki na nasa gilid niya.

Aba, ang bully talaga niya! Kung hindi bully ang gagawin? Magpapaiyak siya ng mga babae na deds na deds sa kaniya.

"Chill! Wala tayong magagawa kay Kenji! Siga ng school 'yan." Masamang titig ang binigay ko sa kup4l habang pinapaiyak ang lalaki.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mabilis na tumungo sa pwesto ng lalaki.

Mabilis kong tinulak si Kenji dahilan para matigilan ito.

"HOY! NAPAKASAMA NG UGALI MO! HINDI MO BA NAKIKITA NA HALOS LAHAT NG TAO RITO TAKOT SA IYO? KASI ANG SAMA-SAMA MO! HINDI KA NAMAN POGI PARA LOKOHIN AT PAIYAKIN ANG MGA KAPWA KO BABAE RITO! WALA KANG KWENTANG LALAKI! SUP0T KA BA?"

Mabilis na nagtawanan ang mga tao sa canteen. Imbis na mainis si Kenji aba ang mokong ay ngumisi lang.

"Hindi mo ba kilala ang binabangga mo?"

Masama ko siyang tinitigan. Wala akong pakialam kung sino siya.

"Scholar ka lang sa school na ito kaya pwedeng tumahimik ka na lang at huwag kang makialam?"

Dahil sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya. Mabilis na tumabingi ang mukha ni Kenji. Nakita kong umigting ang panga nito at masamang titig ang binigay sa akin.

"Sino ka para sampalin ako?"

"Sino ka rin para mambully ng mga katulad kong estudyante?" Tumaas ang isang kilay ko.

Nakita kong napa 'woah' ang mga estudyante rito. Sige, tama 'yan guys.

"Hoy babae, binabalaan kita. Lumayas ka sa harap ko. Alalahanin mo na scholar ka lang dito."

"WALA KANG PAKIALAM KUNG SCHOLAR AKO! KASALANAN KO BANG MATALINO AKO AT IKAW HINDI?!"

Tumawa ang mga kaibigan ni Kenji dahilan para maguluhan ako. Ngumisi si Kenji.

"Ako? Hindi matalino? Talaga ba?"

Mabilis na tumawa ang mga kaibigan ni Kenji. Napansin ko na hinihili ako ni Mariah na best friend ko.

"Bes, tama na 'yan!"

Umiling ako.

"Matapang ka ah? Hindi mo ba ako kilala?"

"Ikaw si Kenji." Ngumisi siya.

"Kenji Shun C. Velasco."

Nakita ni Kenji na hinahatak ako ni Mariah kaya masama niyang tinitigan ito.

"Umalis ka riyan kung ayaw mong madamay."

Nakita kong lumapit ang babae ni Kenji sa kaniya at pinalupot ang kamay nito sa braso ni Kenji.

"Wala akong pakialam sa name mo."

Mabilis niya akong tinulak nang mahina dahilan para tumama likod ko sa pader.

Ngayom ko lang napansin na wala na iyong lalaki na tinulungan ko. TRAYDOR!

"Dapat lang magkaroon ka ng pakialam sa pangalan ko. Simula ngayon tanggal ka na sa pagiging scholar mo."

Mabilis akong natigilan.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! SINO KA PARA MAGSABI NANG GANIYAN?"

His sticks his tongue out. Mabilis akong ngumiwi nang makita kong may kulay asul sa dila niya. Kumakain siya ng lollipop kanina na akala mo ikinaangas niya.

"Bakit? Ako lang naman ang may-ari ng school na pinapasukan mo ngayon."

Mabilis akong nanigas sa kinatatayuan ko. MAGBABAYAD KA KENJI SHUN C. VELASCO!! HUMANDA KA!

Help me to break the bully's heart.

Itutuloy....

Yohann Angeles

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now