Chapter 26

161 15 3
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 26:

Umupo siya sa tabi ko at sabay namin pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Saan ka mag-aaral?" tanong ko pars mabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin.

Nakapikit na siya ngayon.

"UP for sure, pero sa gulo ng pamilya namin ngayon. I d-don't know..." mahinang sambit nito.

Natigilan ako.

"Ikaw ba?" balik na tanong nito.

"Kung saan may nursing, doon ako. Pero sa public lang ako mag-aaral. Hindi naman namin kaya ni papa na magbayad ng tuition. Kahit sabihin niyang kaya niya, alam kong mahihirapan siya. Sana nga, makapasa ako sa isang school kung saan ako nag-apply."

Ngumiti si Kenji.

"You know, wala akong natatandaan na kahit na ano no'ng bata pa ako."  Humiga siya sa damuhan.

"Bakit naman?" Umiling siya.

"Hindi ko rin alam." Tumango ako.

"Ako naman, puro hirap at sakripisyo ang natatandaan ko sa mga ginagawa sa akin ni papa." Ngumiti siya.

"I really admire your father for being so good. He took care of you and until now, he treats you like a princess. Well, if I was him, ganoon din naman ang gagawin ko sa iyo."

Ngumuso ako.

"Gano'n talaga siya, sorry pala kung hindi kita nadala sa lugar na pinpuntahan namin palagi ni papa."

Pumikit siya at huminga nang malalim. Mabilis akong napaupo nang may kumalabog na malakas sa garden area.

"Fck." Mabilis na napaigtad si Kenji at tumayo nang maayos.

"Magtago ka sa malaking puno na iyan." Tinuro niya ang puno na malaki.

Tumango ako, mabilis akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko. I don't know, pero iba ang pakiramdam ko roon.

Inalalayan niya akong magtago bago siya dumiretso sa gate na malapit sa pwesto namin. Nasa resort kami nila Kenji, private resort niya.

Pagbukas ng gate ni Kenji ay mabilis akong natigilan sa nakita ko. Ibang tao ang nakikita ko ngayon. Hindi na katulad ng mga humahabol sa amin. May mga armas itong dala habang nakatitig kay Kenji.

"Where is she?" naiinis na tanong ng lalaki habang tumitingin sa paligid.

Mabilis akong kinabahan nang lumibot ang mga mata nito.

"Wala siya rito," madiin na sabi ni Kenji.

Ngumisi ang isang lalaki na may hawak ng baril at tinutok sa noo ni Kenji.

"Ginagag0 mo ba ako? Alam mo kung ano pinag-usapan natin Velasco." Mabilis niyang tinapik ang baril dahilan para bumagsak ito sa harap nilang dalawa.

Mas matangkad si Kenji kumpara sa isa kaya mas lamang pa rin ito.

"Huwag mong sabihin naduduwag ka na?" ngising tanong ng lalaki.

"Shut the fck up!" Mabilis na tinulak ni Kenji ang lalaki dahilan para mapapikit ako.

Mabilis na kumasa ang mga lalaking may hawak ng baril. Napatingin si Kenji sa mga kaharap niya. Hindi man lang ito natinag kahit may baril ang mga kausap niya. Mabilis akong napatanong sa sarili ko.

Sino ba talaga si Kenji? Ano ito, anak siya ng mafia boss? Keme.

"Come on, dude. Huwag mo kaming ginagag0! Siya ba dahilan kung bakit na-cancel lahat ng plano natin?!" sigaw nito kay Kenji.

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now