Chapter 24

237 21 1
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 24:

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at natatawa.

"Lagnat lang iyan." Tumayo ako at tumungo sa kusina.

Hinanda ko na iyong mga gagamitin ko pangluto. Sumilip ulit ako sa sala at nakita ko ang nakapikit na si Kenji. Hindi naman ako naiilang na kaming dalawa lang nandito. Wala naman kaming ginagawang masama at walang pakialam mga kapitbahay namin.

Mabilis akong nagluto ng lugaw at hinanda na ito. Napakurap ako ng ilang beses. Oo nga pala, kumakain ba ng lugaw si Kenji? Nakalimutan ko na anak mayaman pala siya. Sumilip ako sa pwesto ni Kenji at binitbit na lang iyong mangkok na nakapatong sa pinggan kasi mainit iyong mangkok. Tapos bitbit ko rin iyong isang basong tubig.

Nilapag ko sa lamesa ang mga bitbit ko at dahan-dahan kong tinapik ang braso ni Kenji.

"Kain ka muna," mahinang sabi ko.

Dahan-dahan dinilat ni Kenji ang dalawang mata niya. Kinapa ko ang leeg niya at napansin ko na bumaba naman ang lagnat niya.

"Dawn..." he murmured.

Kumunot ang noo ko sa narinig ko.

"Sinong Dawn?" Nakita kong umiling siya at tinignan ako ng diretso sa dalawang mata ko.

"Anong oras na?" tanong niya.

"Ang random mo ah, iba talaga kapag may sakit. Alas kwatro pa lang ng hapon." Nakita ko kung paano pumikit nang mariin si Kenji.

"Fck!" Napahilamos si Kenji ng mukha niya at napansin kong napatigil siya nang makapa niya ang nasa noo niya. Akmang tatanggalin niya iyon nang hampasin ko ang kamay niya.

"Huwag mong tanggalin!" sita ko sa kaniya dahilan para matawa siya.

Pumikit na lang siya.

"Pumasok ka na ng kwarto after mong magdinner mamaya. Hihintayin ko si tito na umuwi bago umalis." Mabilis ko siyang iniripan.

"May sakit ka na tapos ganiyan ka pa rin mag-isip? Nakakainis ka talaga ano!" Nabigla ako nang pisilin niya nang mahina ang pisngi ko.

"Kawaii![Cute!]" Mabilis kong tinampal ang kamay niya.

"Tumigil ka diyan ano!" Mabilis siyang umupo dahilan para manlaki ang dalawang mata ko.

"Bakit bigla kang umupo?! Baka mahilo ka!" sita ko sa kaniya.

Kinuha niya ang lugaw at nagsimula nang kumain. Parang wala na siyang sakit dahil sa kilos niya. Siya na rin mismo ang uminom ng paracetamol.

"Wow, independent yarn!" biro ko sa kaniya. Ngumiti siya, pero ngiting hindi umabot sa mata niya.

"You know what? I am the black sheep in our family. Because they can't break the wall that I have put in myself. Too much hatred that I feel towards them. They are the reason why I enjoy hurting someone's feelings," paliwanag niya.

Natigilan ako, mali pala talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya. Akala ko siya na ang pinakasalbaheng lalaki.

"That's why I have no friends except for my cousin named Daisuke. But he's in Japan right now and my grandmother cut the connection that I have with Daisuke. I missed that idiot guy." He sighed heavily.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

"I never felt loved by my family and I think I will never be. Although they hated me because of my perspectives. I wanted you to meet them as a sign of respect. I know that they saw you somewhere like on television." Iniripan ko siya, nakakatakot nga lola niya.

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ