Chapter 10

113 9 0
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 10:

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni papa na nagsasalita sa labas ng pinto ng kwarto ko .

"ROXANNE IVY! GUMISING KA NA!" 

Kahit inaantok ako ay bumangon na ako. Hindi ko maalala kung ano ang mga nangyari kahapon bukod sa tinuruan ako ni Kenji. Kung hinahanap niyo si Kenji, umuwi na siya kahapon.

Mabilis akong bumaba pagkatapos kong mag-asikaso at isang himala na wala si Kenji. Si papa naman ay nag-aasikaso sa kusina at inaasikaso na ang baon ko. Palagi kasi akong pinagbabaon ni papa ng pagkain tapos baon ko na pera. Pagkatapos kasi ni papa na asikasuhin ako ay mag-aasikaso naman siya sa sarili niya para pumasok sa trabaho. 

"Wala yati si Shun?" tanong ni papa, nagtataka.

Hindi ako kumibo, wala rin naman chat o text sa akin iyon.

"Alam mo nak ang talino pala ni Shun ano? Nakita ko kayong dalawa kahapon ng madaling araw na tinuturuan ka niya sa calcus," mahinang sabi ni papa, namamangha.

Hindi ko pinansin sinabi ni papa.

"Papa, aalis na po ako. May exam po kami sa calculus." Humalik ako sa pisngi ni papa at nagmamadaling inayos ang gamit ko.

"Anak huwag kang magpapasok dito sa bahay ng kahit sino. Baka mag-overtime ako mamaya." Tumango ako at niyakap siya.

Lumabas ako ng bahay namin at binuksan ang gate. Nagulat ako nang makita ko si Kenji na nakatayo sa harap ng gate namin.

"Good morning." 

Tumaas ang isang kilay ko nang sumakay siya sa bike niya.

"Sakay na o malalate tayo." 

Nakita kong sumilip si papa sa bintana at nakita niya si Kenji.

"Kuso," mahinang usal nito at binitawan ang bike niya at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin para lang magmano.

Ilang minuto pa bago siya lumabas. Mabilis siyang sumakay sa bike niya at kahit ayaw kong umangkas sa bike niya ay ginawa ko na lang. Isang himala na walang humahabol sa amin.

Mabilis kaming nakarating sa school at kung minamalas ka nga naman. Kung kanina sa labas ay walang humahabol, ngayon naman ay estudyante naman ang mga humaharang sa daan namin papasok sa gate ng school. Mabilis kaming nakapasok sa daan nang sumenyas si Kenji na umalis sila sa dadaanan namin.

Diretso kaming pumunta sa room at nagulat ako nang nakaupo na si Kara sa upuan ko. Tumaas ang isang kilay ni Kenji.

"Sinong nagsabing umupo ka sa tabi ko? Diyan nakaupo ang girlfriend ko," inis na sabi ni Kenji pero nanatili pa rin ang kalmado sa mukha nito.

"Gusto ko sa tabi mo!" Umiling si Kenji.

"Umalis ka riyan o aalis ka sa school na pinapasukan mo ngayon." 

Mabilis na nataranta si Kara dahilan para umupo ito sa dati niyang upuan. Umupo ako sa tabi ni Kenji dahil ayon lang naman ang bakanteng upuan. Mabilis akong natigilan nang makita kong  pumasok si Ms. Gonzales.

"Okay, before we start our examination. I will give you 30 minutes to review. May meeting kasi kami at need kong pumunta kaya bigyan ko na lang muna kayo ng time para mag-aral."

Mabilis na lumabas si Ms. Gonzales, nagulat ako nang marahan na hinatak ni Kenji ang kamay ko at dire-diretso kaming lumabas ng room.

"Hoy? Saan tayo pupunta?" 

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now