Chapter 16

197 16 0
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 16:

Nang matapos na akong maligo at mag-asikaso ay bumaba na ako. Nakita kong kausap ni papa si Kenji habang pinapainom niya ito ng gatas. Natawa ako, ginawang bata si Kenji.

"ANG TAGAL MO NAMAN KUMILOS TALAGA IVY! PINAGHIHINTAY MO ITONG BOYFRIEND MO!" Napakamot naman ako ng ulo at umupo na sa upuan malapit sa lamesa.

Nakaramdam agad ako ng gutom dahil sa hinanda ni papang almusal.

"Kain na tayo mga anak." Umupo na rin si papa at si Kenji. 

Tahimik kaming kumain, dahil ayaw ni papa na maingay kapag kumakain.

Nang matapos kaming kumain ay inabot na agad sa akin ni papa ang baon ko at lumabas na kami ng gate. Pagbukas namin ng gate natigilan ako nang makita kong sobrang daming tao sa labas. Ayan na naman ang mga aso nitong kum4g na ito.

"Hello Sir Velasco, is it true that you two are really not in a relationship? That you use this girl beside you to make your image good." Mabilis akong nanlamig sa tanong ng lalaki.

Paano nila nalaman iyon? Sa pagkakatanda ko ay si Naomi lang at Marco ang nakakaalam no'n. Pero iyong line na sinabi ng lalaki ay kay Naomi lang nabanggit ni Kenji.

"Where did you get that false information? I wouldn't be here at her house if she's not my girlfriend. And please give me and my girlfriend privacy. Stop asking any shts if you are not sure about that stup1d questions. Stop following us or you wouldn't be able to have a job starting tomorrow," inis na saad ni Kenji at hinawakan ang kamay ko at dumiretso kami sa sasakyan niya.

Natahimik ako nang makita kong hindi maipinta ang mukha ni Kenji. Inis na inis siya sa nangyayari ngayon. Mabilis na nagbigay ng daan ang mga asong habol nang habol kay Kenji at mabilis itong pinatakbo ni Kenji. Hindi ako kumibo dahil ayokong may masabi ako na hindi maganda na magpapasama sa loob ni Kenji.

Bumaling ang tingin niya sa passenger seat at narinig ko na lang na may kantang tumutugtog. Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang kantang passenger seat. Napahinga ako nang malalim nang makita kong traffic pa. Maaga pa naman pero baka malate kami kung aabutin ng 30 minutes ang traffic.

"We stop to get something to drink

My mind clouds and I can't think
Scared to death to say I love her" Mabilis akong napalingon kay Kenji nang marinig kong kumakanta siya.

WHAT THE HELL?! KUMAKANTA SIYA?! 

Ayokong magsalita, aaminin ko hindi panget ang boses niya. Ang sarap sa tenga. Pumikit ako pero napadilat agad ako nang marinig kong kumakanta ulit siya.

"Then the moon peeks from the clouds

" I hear my heart, it beats so loud
Try to tell her simply" Lumingon ako sa kaniya at sa paglingon ko nagtama ang tingin namin.

Kasabay no'n ang pag green ng traffic light. Mabilis na pinaandar ni Kenji ang kotse at bumaling na ang tingin nito sa kalsada. Mabilis na nag-init ang pisngi ko dahil sa nangyari kanina. 

PIST1 KA TALAGA KENJI!

"Baba na, malalate tayo." Mabilis akong napakurap nang makita ko bukas na ang pinto ng sasakyan niya sa side ko.

"Kanina ka pa riyan?" Kumunot ang noo niya at tumango.

Bumaba na ako at buti na lang hindi niya dinad4la ang pagpapanggap namin sa school. Pumasok na kami ng gate sa University at napansin ko na hindi siya kumikibo simula kanina. Hindi ko na lang pinansin iyon hanggang sa makapasok kami sa room. Sobrang tahimik ni Kenji at isang himala para sa akin iyon.

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now