Chapter 11

130 12 0
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 11:

Natigilan ako sa sagot niya, parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Patuloy pa rin siyang kumakain habang pinagmamasdan kami ng mga estudyante rito.

"Do you want anything, love?" mahinahon na tanong niya dahilan para mapalunok ako at umiling.

Tumawa siya at napailing-iling sabay lapit ng mukha niya sa akin at bulong.

"Ikaw nagsimula, bakit ayaw mong tapusin?" 

Mabilis kong tinakpan ang mukha ko nang ilayo niya ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. HINDI KO GINUSTO ITO! BAKIT BA SINASAKYAN NIYA IYONG MGA SINASABI KO? PAKIRAMDAM KO MAHIHIMAT4Y NA AKO RITO!

Mabilis kong inalis ang kamay sa mukha ko at nakita kong nakatitig sa akin si Kenji habang nakangisi.

"Are you sick, love? Namumula buong pisngi mo," natatawang sabi niya.

AYOKO NA! HINDI KO NA KAYA! AALIS NA AKO RITO!

"Bahala ka riyan! Aalis na ako!" Mabilis kong kinuha ang gamit ko at dumiretso sa garden ng school.

Hindi ko kinaya, grabe na talaga si Kenji! Naiiyak ako sa kaniya!

Umupo ako sa ilalim ng puno ng narra at naiinis na iniisip ang mga nangyayari kanina. Akala ko mananalo na ako sa kaniya! Bakit ako pa iyong nahihihiya sa nangyari kanina? Baka isipin ng kum4g na iyon ay crush ko siya! Iwasan ko na lang kaya siya? Naiinis na talaga ako sa kaniya!

"Nainis sa sariling joke." Napalingon ako sa nagsalita, nakita kong nakatayo si Kenji sa gilid ng puno na kung saan nakaupo ako. 

"Pake mo ba? Hindi ka ba naiinis sa sarili mo? Ako kasi inis na inis na sa iyo!"

Ngumisi siya sa sinabi ko.

"Hindi, gwapo ko kasi eh." Ngumiwi ako sa sagot niya.

Wow, kadiri ah. NAKAKADIRI!

Tumayo ako sa inuupuan ko at hindi siya nilingon ko ang garden dito sa school namin. Minsan napapaisip ako kung paano ako nakapasok sa school na ito. Matalino akong tao pero hindi sa math syempre. Wala naman may gugustuhin magsolve sa math tapos calculus.

"Seryoso ka pala talaga sa sinasabi mo?" natatawang tanong niya.

ANO BANG NAKAKATAWA?!

"ANO BA KASING NAKAKATAWA?! ALAM MO? INIS NA INIS NA TALAGA AKO SA PRESENSYA MO!" 

Tumaas ang isang kilay niya.

"Sino ba iyong idiot na nakikialam sa akin no'ng nakaraan tapos ngayon ay sinisisi ako?"

Iniripan ko siya, edi ako na may kasalanan! Ako na may mali! Nakakainis talaga siya kahit kailan!

"EDI AKO NA GUMULO NG BUHAY MO! AKO NA MAY KASALANAN!"

"Ikaw nagsabi niyan," mahinahon na sabi niya habang nakatingin sa mga halaman at bulaklak dito sa garden.

Hindi ako umimik, bigla akong natulala sa hindi maintindihan na dahilan.

"Kenji, close mo ba parents mo?" Tinignan niya ako nang matagal.

Matagal niya akong tinitigan na para bang pinag-iisipan  ang sasabihin niya.

"Yes," alangan na sagot niya.

"Buti ka pa, hindi ko na kasi nakita ang nanay ko simula no'ng pinanganak ako." 

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now