Chapter 15

155 16 0
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 15:

Ilang beses along napakurap sa sinabi niya.

"Dude, you must be joking." Tumaas ang isang kilay niya.

"Nagtatanong ka tapos hindi ka maniniwala?" inis na tanong niya.

Mabilis akong napatakip ng mukha ko at sumigaw.

"HOY! KUNG TOTOO IYANG SINASABI MO! TIGILAN MO IYANG NARARAMDAMAN MO SA AKIN! AYOKO SA IYO! AYOKO SA KUP4L!" inis na sigaw ko at tinignan siya ng masama.

Imbis na masaktan siya sa sinabi ko ay nagkibi-balikat lang siya at natatawa akong tinitigan.

"Gawin mo na plano mo, do you want to break my heart right? Dare me now," natatawang sabi niya dahilan para mapasigaw ako sa inis.

"NAKAKAINIS KA! ANONG NAGUSTUHAN MO SA AKIN HA?! DATI KA BANG GAG0 HA?!" 

Nagulat ako nang maglakad siya papalayo sa akin kaya sinundan ko siya.

"Huwag mo nang tanungin dahil hindi ko rin alam," bagot na sagot niya.

"HINDI KITA GUSTO!" Humarap siya sa akin habang nakatitig ng seryoso sa akin.

"Hindi kita pinipilit na magustuhan ako, okay? Gusto kita, hindi mo ako gusto? Ayos lang" Ngumisi siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Mabilis akong nataranta sa ginawa niya.

"Ang kaso," putol niya sa sasabihin niya.

"Hindi ko kayang patahimikin mundo mo. Ginulo ko na rin naman eh, edi ipagpapatuloy ko na lang."

Hinampas ko ang kamay niya. WOW! DAKILANG KUP4L!

"HOY! NGAYON PA LANG KENJI BASTED KA NA! YUCK!" 

Nagkibit-balikat siya.

"Gagawin mo pa akong rebound ah, pagkatapos kay Naomi ay ako agad sinunod mo."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Hindi ka sure sa sinasabi mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bigyan mo ako ng 3 months, kapag pakiramdam mo may chance ako sa iyo. Hindi kita titigilan, pero kapag wala talaga then I'll give the freedom that you want."

Matagal ako bago nakasagot.

"Deal?" tanong niya.

"Deal!"

I'll make sure na hindi talaga ako magkakagusto sa isang kum4g na katulad ni Kenji! Ngumisi si Kenji at nagkibit-balikat.

"Swerte mo naman na nagkagusto ang poging ako sa iyo." Ngumiwi ako at hinampas siya sa braso.

ANG BWISIT NIYA TALAGA!

"PWEDE BA? ANG BWISIT MO SOBRA! HINDI TALAGA AKO MAGKAKAGUSTO SA IYO!" Iniripan ko siya at tumawa lang siya.

"Well, at least girlfriend kita sa social media. Which is good na rin, kung ayaw mo sa akin. Fine, pero ako? Gusto kita. Pwede mo naman akong saktan, plano mo rin naman was4kin puso ko." Iniripan ko siya at ngumiwi nang umarte siya na hawak-hawak dibdib niya na parang nasasaktan.

"Tantanan mo nga ako kup4l!" Tumawa siya.

Nanlaki ang dalawang mata ko nang akbayan niya ako at naglakad.

"Gusto kitang ipakilala kayla mother and father." Mabilis kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

"HOY! GAG0 KA BA? AYOKO NGA!"

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now