Chapter 27

280 21 3
                                    

BREAK THE BULLY'S HEART

Chapter 27:

Hindi kami kumibo pareho habang nakasakay ako sa kotse niya. Tahimik lang siya nagmamaneho na para bang hindi niya ako sinaktan. Pinahid ko ang luha ko na nagbabadya na naman tumulo. Naiinis na talaga ako! Ang tang4 ko kanina! Samantalang ako? Galit na galit sa mga bidang sobrang tang4! Tapos gano'n din pala ako!

Mabilis na tumigil ang sasakyan nang makita niya ang gate namin.

Baba na sana ako nang magsalita siya.

"Roxanne Ivy," mahinang banggit niya sa pangalan ko.

Tinignan niya ako sa rearview mirror.

"Ano?" inis na singhal ko at pinahid ang luha ko.

Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak sa steering wheel niya.

"W-Wala, bumaba ka na." Masama ko siyang tinignan.

Ano? Mahilig talaga siyang magbigay ng mixed signals?

"NAKAKAINIS KA! KUNG KAILAN MAHAL KITA SAKA KO MALALAMAN NA PUSTAHAN LANG AKO!" sigaw ko sa kaniya.

Mabilis ko siyang hinampas sa braso kahit nasa back seat ako.

"Just leave,"

Mabilis na nangilid ang mga luha ko. Okay so ganito na iyon? After magpakilig, papaiyakin ako?

"S-Sabi mo, hindi mo ako sasaktan?" nasasaktan na tanong ko.

"Kakasabi mo lang kanina na kung ikaw si papa, prinsesa rin ang ituturing mo sa akin. Joke lang din ba iyon?" tanong ko.

Sabihin mong joke lang. Sabihin mong prank lang lahat ng iyon. Sabihin mo Kenji..

Tang1na Roxanne! Para kang nasa comedy group!

"It was all just a game, Roxanne. There's no sense that I will fall in love with you. You know how much I hated you when I first met you."

Kahit anong sabi niya, kahit nasasaktan ako. Ewan ko, ayaw ko talagang maniwala. Parang may mali.

"Hindi ako naniniwala!" Mabilis kong siniksik ang sarili ko papunta sa passenger seat. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Nang makaupo ako sa tabi niya ay mabilis ko siya kinuwelyuhan.

"Sige! Ngayong mong sabihin na hindi totoo lahat ng iyon! Ngayon mong sabihin na h-hindi mo ako mahal!" singhal ko sa kaniya at syempre madrama ang lola niya. Tumulo ulit ang luha ko, may sipon na yatang nasama sa ilong ko.

Tinitigan niya ako nang maigi sa mata. Matagal bago siya nakakibo.

"What the heck are you doing?"

"Kapag hinalikan mo ako sa labi, hindi na kita tatanungin ulit. Tatanggapin ko na pinagpustahan niyo ako ng mga kup4l na iyon!" singhal ko sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Okay,"

Nakita ko kung paano ito tumingin sa labas. Natigilan ako nang dumampi ang labi niya sa labi ko.

Mabilis akong napapikit nang maramdaman kong tumagal iyon ng ilang segundo.

"Naniniwala ka na?"

Umirap ako sa hangin, ha ha ha. Bakit ba kasi ako umaasa na totoo iyong mga pinaramdam at iyak niya sa akin? Imagine, isang owner ng school at kinikilalang model ay magkakagusto sa akin? Partida ang yaman pa ng pamilya niya.

Napatango ako, pero deep inside. Ang sakit, nasasaktan ako. Tang1na, sana pala talaga pinigilan ko na lang iyong nararamdaman ko. Sana hindi nagbago iyong tingin ko sa kaniya bilang kaaway.

BREAK THE BULLY'S HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now