XXIX

6 2 0
                                    

"Anong hindi pa pwedeng lumabas? Mag-tatatlong araw na ang kaibigan ko rito! Wala naman kayong warrant of arrest kaya hindi pwedeng ikulong nyo sya rito!"

Napamasahe na lamang ako sa sentido ko. Magtatatlong araw na ako rito sa loob ng selda at hindi ko na rin alam kung ano na ang mangyayari sa akin.

"Huminahon lang ho kayo si-

"Huminahon? Eh p*tang*na lumalabag kayo sa patakaran eh! Hindi ba't bawal ito? Ano, dahil ba ito ang inutos sa inyo ng nakakataas?" galit na sigaw ni Gio. Pumunta ito ngayon at dinalaw ako samantalang sina Night daw ay sumama kina Doc Suero sa pagrarally.

Hindi ito sinagot ng pulis bagkus ay hinila itong lumabas pero nagpupumiglas ang kaibigan ko.

"Ano ba?! Huwag mo nga akong hilahin! P*tang*nang hustisya 'to sa Pilipinas!" sigaw nito at napahilamos sa mukha niya. Sinubukan itong lapitan ng pulis upang hilahin palabas pero hindi ito nagpapatinag. Hindi ko rin alam kung saan ako huhugot ng lakas para tumawag kina mama. Ayokong mag-alala sila sa akin at isa pa, natatakot din ako. Natatakot ako sa maging reaksyon nito kapag nalaman niyang nakulong ako at kung ano ba ang ginawa ko. Hindi ko alam kung nakarating sa kanila ang pinost ko. May parte sa aking gustong mabasa nila ang mga sinabi ko roo  pero mayroon ding parte sa akin na nagnanais na sana, hindi iyon nakita ni mama. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Napaupo si Gio at inis na sinabunutan ang sarili. Naaawa na ako sa mga kaibigan ko. Naging dagdag pa ako sa mga pasanin at iniisip nila.

"Marami na kaming nilapitang abogado pero ni isa walang gustong humawak ng kaso. Pagkabanggit ko sa kanila ng tungkol sa mga sinabi mo sa post, ewan ko ba, namumutla nalang sila lahat. Ganiyan ba talaga kapag kinalaban mo ang gobyerno? Wala ka talagang laban?" napaismid ito.

"Hayaan mo na 'tol, baka mayroon pa ri-

"Nakakainis! Kaya ba ganon na lamang kakumpyansa ang SAT-PH na hindi natin sila matatalo? Gusto kong maniwala 'tol eh. Gustung-gusto ko..." mahinang sambit nito at pinunasan ang mga luha mula sa kaniyang mata.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto kong maniwalang kaya natin. Na may pag-asang manalo tayo pero mukhang hindi pa man nag-uumpisa ang laban, talo na tayo eh," sambit nito. Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Gio. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong tanggapin sa sarili ko na...

May punto ang sinabi nito.

"Ganito talaga siguro ang buhay no? Mas matimbang ang kapangyarihan kaysa katotohanan," mahinang saad nito.

"Pwede nating baguhin iyon. Naniniwala akong kaya natin," pagpapalakas ko ng loob nito. Natawa ito sa sinabi ko at tumayo.

"Makapagsalita 'to akala mo talaga malaya na eh," natatawang saad ni Gio. Sinamaan ko lang ito ng tingin at tumalikod na.

"Kiko..."

Napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko nang makita si Franie na naglalakad papunta sa direksyon namin at mas lalo akong nagulat nang makitang nasa likod din nito si Light.

"Oh, kaibigan nyo pa pala kami?" nang-uuyam na tanong ni Gio sa kanila. Yumuko si Franie at lumapit sa akin at sumunod din sa kaniya si Light.

"Kiko, I'm sorry. I was so weak. I abandoned you guys. I'm sorry," saad nito at napahagulgol habang nakahawak sa mga selda. Mahina kong tinapik ko ang kamay nito at ngumiti.

"Okay lang yun, ano ka ba. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa yun, Fran."

Tumingin ito sa akin at pinunasan ang mga luha niya.

"I hope that it's not too late for me to fight.  To fight with the side of the truth with you, guys," naluluhang saad ni Franie at tumingin sa aming lahat.

UnendedWhere stories live. Discover now