VII

11 2 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa ospital para sa morning shift namin at kasabay ng pagyapak ng dalawa kong mga paa ay ang pagsulputan ng mga agam-agam na rumaragasa papasok sa nagugulumihanan kong isipan. Putek magmula kagabi, hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa nasaksihan ko sa PRDO. Naging madali ang pagbalik ko ng litrato sa opisina ni Eliezer gayundin ang paglabas ko sa gusaling iyon sapagkat nagpatianod lamang ako sa kumpol ng mga manggagawang lumalabas kagaya ng ginawa ko upang makapasok doon. Hindi rin naka-lock ang lab ni Eliezer kung kaya't walang kahirap-hirap ang pag-ipit ko ng litrato sa itim na  aklat na binuklat ko. Nakasuot naman ako ng mask at jacket kung kaya't hindi makikita ang mukha't uniporme ko kung sakaling icheck ang CCTV.

Tunay nga't nagtagumpay ako sa aking "Oplan:Balik Litrato" pero ang labis na bumabagabag sa akin ngayon ay ang nakita kong paglabas ni Night mula sa opisina ni Eliezer. Hindi ako puwedeng magkamali, malinaw kong nakita at narinig na sa laboratory ni Eliezer nanggaling si gabi at hindi sa opisina ng papa nito na siyang katabi lang ng estasyon ni Eliezer. Anong ginagawa ni Night doon? Posible bang naligaw lang siya at namali lang talaga ng pasok? Pero 'di ba may pangalan naman sa taas hindi niya ba iyon nak-

"Hoy putek, tol naririnig mo ba ako? "

Napatigil ako sa paglalakad at saglit ding napawi ang mga agam-agam ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Onyx at hinarangan ako sa paglalakad.

"H-ha? " nauutal kong tanong sa kaniya. Kinakausap niya ba ako magmula kanina? Putek ganon na ba talaga ako ka-lutang?

"Ha? Hanong tinira mo? " kunot-noo nitong tanong at sinipat pa ang noo ko. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman ito sa akin at nilingon ako.

"Problema mo tol? Ay teka hoy saan ka ba galing kagabi ha? Nakatulog na ako hindi ka pa rin dumating, " singhap nito't humarang ulit sa dinaraanan ko. Natutulog na nga pala ito nang makauwi ako sa dorm. Nakalimutan ko na kung anong oras ako nakauwi sa layo ng nilipad ng isip ko kagabi. Hindi nga ako nakatulog nang matino eh. Hindi ako makatulog kagabi dahil kay gabi.

"May pinuntahan lang po, Ma. Hindi naman ganoon ka importante, " mahina kong sagot sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa tinawag ko sa kaniya. Parang katunog niya kasi si Mama kanina sa pagtatanong kung saan ba ako nanggaling kagabi.

"Ikaw tol ha, napaghahalataan na kita, " naiiling nitong saad sa gilid ko. Kunot-noo ko naman itong nilingon sa tinuran niya.

"Halatang ano? "

"Noon pinagpapawisan ka tas ngayon naman ginabi ka sa pag-uwi.Hmmm ikaw umamin ka nga tol, buhay na buhay na ba s-

"Ulol! " pagpuputol ko sa sasabihin niya. Nakangisi naman ako nitong tinapik sa balikat.

"Alam mo tol, suportado naman kita diyan eh pero delikado ngayon alam mo naman 'di ba bawal yung direct con-

Napatigil ito sa walang saysay niyang litanya nang binatukan ko siya. Nakasimangot nitong hinimas ang batok niya't sinabayan ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa loob ng ospital.

"Basta piece of advice lang tol, hintayin mo na lang pagkatapos mawala ang virus tsaka ka mag-

"Baka gusto mong maunang mawala kesa sa virus tol? " banta ko rito. Natawa naman ito't tinaas ang kamay niya senyales ng pagsuko. Noong nagpaulan siguro ng kamanyakan ang langit, mukhang naligo ata sa ulan si Onyx.

Tahimik naming binagtas ang daan tungo sa nurse station at nadatnan si Gio na nagchicheck ng mga charts.

"Uy, hindi ka na ata sumasabay sa amin pre ha, " bati ko nang makalapit ako sa kaniya. Kung sakaling magtaka kayo kung paano ko nakikilala ang kasamahan naming nakasuot ng PPE eh dahil sa may nakasulat na apelyido sa gilid at kahit wala man, makikilala ko naman sila kapag nagsalita na sa dalawang taon ko ba namang pagtatrabaho rito.

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon