XXVIII

6 2 0
                                    

"Palabasin niyo ko rito! Bakit bigla nyo na lamang ako hinuli?!"

Halos mapaos na ako kakasigaw pero walang sumasagot sa akin. Sinubukan ko ring kalampagin itong selda para makuha anh atensyon nila pero tila ba hindi nila ako naririnig.

"Kahit sumigaw ka man hanggang bukas dyan iho, hindi ka nila madidinig. Alam mo namang piling tao lang ang pinakikinggan ng batas."

Lumingon ako at nakita sa kabilang selda ang isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit ako kinulong ngayon at kung bakit basta na lamang nila ako dinampot.

"PRE!"

Lumiwanag ang mukha ko nang makita sina Gio at Night na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"G*go ka talaga!"

Napadaing ako nang bigla na lamang ako binatukan ni Night nang makalapit na sila sa akin.

"Salamat sa concern pre, ha?" saad ko habang hinihimas ang ulo kong binatok nito.

"Sino bang nagpadampot sa iyo 'tol. Teka bakit ka na ba nakakulong dito?" naguguluhang tanong ni Gio.

"Kalma. Hindi ka naman tatagal dito habang hindi pa napapatunayan na may sala ka."

Eh hindi ko nga alam bakit bigla na lang nila akong dinampot eh.

"Mga gaano ako katatagal mananatili rito?"

"Hmm, mga 12-36 hours siguro. Ewan. Depende sa prayers mo."

Itong lalaking 'to talaga. Pero tama naman siya. Kailangan ko lang manalangin.

"Eh bakit bigla ka nalang nila dinampot dito? Ano bang kasalanan mo?" kunot-noong tanong ni Gio.

"Ulol. Alam mo namang nagpost itong si Kiko tungkol sa katotohanan hinggil sa virus. Tapos may mga binanggit ka pang mga kasangkot. Eh malamang cyberlibel 'tong kakaharapin mo."

Napalunok ako sa sinabi ni Night. Oo nga pala. 'Di bale na. Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko.

"Huwag kang mag-alala 'tol, ilalabas ka namin dito," saad ni Gio. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.

"Sinabi ko na rin ang nangyari sa iyo kay Doc Suero at tutulong daw ito," dagdag ni Night.

"Alam kong yung mga SAT-PH ang nagpakulong sa iyo eh. Ano, ginamit ba nila kapangyarihan nila para mahuli ka?" inis na sabi ni Gio. Sinenyasan ko naman itong hinaan ang boses niya dahil baka may makarinig sa amin pero nagkibit-balikat lang ito.

"Siguradong mainit ang mga mata nila sa atin ngayon," seryosong saad ni Night. Iyon nga rin ang kinakabahala ko. Alam kong gagawin ng SAT-PH ang lahat ng paraan para masigurong mawala ang mga taong kumakalaban sa kanila. At alam ko ring gagamitin nila ang koneksyon at kapangyarihang meron sila para siguruhing maisakatuparan ang kanilang mga plano.

"Mainam siguro kung huwag muna kayong kumilos, hintayin nyo munang humupa ang lahat at makalabas ako rito. Baka kayo pa iyong pag-initan nila," paalala ko sa mga kaibigan ko. Napaismid naman si Gio samantalang tumawa si Night. 

Ha? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ulol. Akala mo sa akin weak?" natatawang saad ni Night. Kumunot ang noo ko sa tinuran nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako umaatras sa laban, pre! Ngayon pa ba ako susuko kung saan alam na ng lahat ang katotohanan at kumampi na atin ang ilan sa mga doktor?" saad nito.

"Oo nga. Akala siguro ng SAT-PH matatakot nila tayo. Hindi naman ako takot humimas ng rehas no!" gatong ni Gio.

Binatukan ko naman ito samantalang natawa lang si Night. Itong mga kaibigan ko talaga. Hindi talaga mawawala ang kalokohan.

UnendedWhere stories live. Discover now