XIII

6 2 0
                                    

Napako ako sa kinakatayuan ko habang tinitingnan si Tita Martha na nakaluhod at umiiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung anong sasabihin ko dahil sa totoo lang, hindi ko pa lubos na nauunawaan ang lahat.

"K-kiko, patawad. H-hindi ko alam na aabot sa ganito, hindi ko alam na magiging ganito kalala. Hindi ko al-"

Hindi nito natapos ang sasabihin niya at nagpatuloy ulit sa pag-iyak.

"H-hindi ko po naiintindihan, Tita Martha. Sabihin niyo po sa akin, ano pong nangyayari?" pagsusumamo ko rito. Hindi ko pa ganap na napagtagpi-tagpi ang impormasyong nakalap ko ngayon mula sa SAT-PH, liham gayundin ang sa Siriocylin. Putek, sumasakit ang ulo ko. Ano ba itong mga nangyayari?

Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Tita Martha at ilang beses na umiling habang nakayuko. Hindi ko kakayaning lisanin ang lugar na ito nang hindi nalalaman kung anong nangyayari. Hindi ako patutulugin ng mga nasaksihan ko ngayong araw putek.

"Ano po itong mga boteng ito? Ano po ba talaga ang SAT-PH? At, bakit po kayo humihingi ng tawad?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Dahan-dahan nitong inangat ang tingin niya sa akin at samu't saring emosyon ang mababanaag ngayon sa kaniyang mga mata at hindi ko mawari kung ano iyon pero isa lang ang natitiyak ko- ibang Tita Martha ang nasa harap ko ngayon sa masiyahing Tita Martha na nakilala at nakasama namin.

Tumayo ito at kumuha ng isang bote pagkatapos ay umupo sa higaan niya habang ang tingin nito'y nakapako sa Siriocylin.

"Siriocylin. I-ito ang lunas sa virus."

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras sa sinabi nito. Teka ano raw? Lunas? Siriocylin ang lunas sa Wongshin Virus Disease?

"Lunas? Eh bakit po nakatago sa publiko? Bakit wala pong binanggit si Secretary tungkol dito? Kailan pa po nadiskubre ang Siriocylin?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Putek, mababaliw na ako sa mga naririnig ko. Nananaginip ba ako ngayon? Teka bakit nga ba ulit ako napunta rito eh sa pagkakatanda ko naman ay may duty ako?

"S-sikreto lamang ito. Hindi pa sa ngayon nilalabas sa publiko. Pasensya ka na, Kiko iyan lang talaga ang masasabi k-

"Bakit po sinikreto? Bakit hindi pa nilalabas? Hindi ko po naiintindihan," pagputol ko sa sinasabi ni Tita Martha at inis na napasabunot sa buhok ko. Bakit sinisikreto sa publiko? Gusto kong magmura sa inis ngayon pero pinipigilan ko dahil mataas pa rin ang paningin ko kay Tita Martha.

"K-kiko pasensya na iyan lang talaga ang masasabi ko. U-umalis ka na," mahinang sabi nito at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.

"Hindi ako aalis dito, Tita Martha hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang lahat, " matigas kong sabi rito at nanatiling nakatayo.

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at tumayo

"H-hawak nila si Hugo, ang anak ko. U-umalis ka na Kiko, iyan lang ang masasabi ko sa iyo, " mahina nitong sabi. Nanatili akong nakapako sa kinakatayuan ko at hindi ko man alam ang buong detalye ay mukhang unti-unti ko ng nauunawaan ang lahat.

"IPAKAUSAP NIYO SA AKIN ANG ANAK KO! SUMUNOD KAYO SA USAPAN! "

"Tone down, woman. There's nothing t-

"Bakit ba ayaw nyong ipakausap sa akin? Ilang beses nyo nang sinabi nang paulit-ulit iyan pero paano ako makakasiguro? Hindi ko palalagpasin ang araw na ito ng hindi nakakausap ang anak ko! "

Hawak nila ang anak ni Tita Martha? Nino? Ng SAT-PH? Naalala ko bigla ang nakasulat sa liham na "We are watching you" at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Nais ko mang pilitin si Tita Martha na magbigay ng impormasyon ay hindi ko maatim na magawa gayong baka nasa panganib ang anak nito at ginawang pamblackmail sa kaniya. Mamaya pa siguro papasok ang lahat ng ito sa isipan ko dahil sa totoo lang, parang sasabog na ang utak ko.

UnendedWhere stories live. Discover now