II

36 3 0
                                    

They were all positive.

"Jusko," nanlulumong saad ni Franie na nasa tabi ko. Lahat ng nasa conference hall ay binalot ng takot at pagkagulat sa impormasyong aming narinig. 78? Lahat positive?Putek. Teka ibig sabihin ba nito-

"And, we have conducted a contact- tracing regarding the 78 individuals. A total of 102 were now admitted and tested at different hospitals. Let's pray that they were negative."

102? Putek ayokong maging negatibo mag-isip pero hindi pa man tumatagal ng ilang linggo ang virus sa Pinas pero 79 na ang positive. Huwag na sanang dumagdag ang 102 na iyon.

"Nakakainis talaga,"mahinang saad ni Onyx.

Nagpaalam na si Secretary dahil marami pa itong aasikuhin gayong mamayang gabi na sasabihin sa Press Conference ang lahat ng mga isiniwalat dito sa pulong para bigyang-impormasyon ang mga mamamayan. Mamaya rin inaasahan ang pasya ng Pangulo hinggil sa patakarang ipatutupad sa bansa. Kung magpatupad man ito ng Quarantine ay mauunawaan naman siguro ng publiko sapagkat para rin ito sa ikabubuti ng lahat. Maraming maaapektuhan at natitiyak kong lilihis ng lubos ang buhay ng mga mamamayan mula sa nakagawian nilang gawin. Pero mas mahalaga sa lahat ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa lalo na sa sitwasyong ito kung saan walang lunas na siyang susugpo sa sakit na ating kinakaharap.

"You have heard the Secretary. We are now experiencing a Biological War against a rare kind of virus with no known cure. We, as frontliners, should take care of ourselves in order to take care of others. The battle starts now. Let's prepare for worst, " anunsyo ni Doc Suero sa mga nars at kapuwa doktor na narito. Nais man naming umuwi sa aming pamilya, hindi iyon maaari sapagkat may sagradong tungkulin kaming kailangang gampanan sa ating bansa. Kailangan kami ng mamamayang Pilipino at hindi namin sila maaaring biguin.

Pagkatapos magsialisan ang mga doktor ay lumabas na kami. Bago kami nagsimula sa aming duty ay isinuot na namin ang PPE upang pangalagaan ang aming sarili. Habang inaalagaan namin ang iba,nararapat lang din na alagaan namin ang aming sarili. Iyan lang ang tangi naming magagawa upang mapanatag ang loob ng aming mga pamilya.

Ilang oras ang lumipas at kasalukuyan na kaming nagpapahinga ni Onyx sa dorm. Tahimik na itong natutulog sa higaan niya. Hindi lang pisikal na pagod ang nararamdaman namin ngayon sapagkat aminin man namin o hindi, labis ang kabang nararamdaman namin.Nagtatrabaho kami sa lugar kung saan dinadala ang mga may sakit. Normal lang na kabahan kami. Pero kailangan naming lunukin ang kabang iyan sapagkat kailangan naming magserbisyo para sa lipunan. Lalo na sa krisis na ito kung saan kaunting pagpapabaya mo lang, maaari kang mahawaan.

Mama Calling...

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa nang tumunog ito.

"Hello Ma..."

[Nak kamusta ka diyan? Lumabas na ba nak ang result ng test sa 78 na yun nak? Nag-aalala ako sa iyo]

Napabuntong-hininga ako't humiga sa higaan ko. Hindi ko gustong nag-aalala si Mama pero hindi naman niya ata maiiwasan iyon lalo na't isa akong nars at nalaman niya pang sa ospital nakaconfine ang unang positibo sa virus.

"Positive lahat Ma, pero huwag kang mag-

[JUSKO POSITIVE?NAKU ANAK UMUWI KANA RITO NAK. BAKA MAPANO KA DYAN!]

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Mama sa kabilang linya. Naiintindihan ko na aabot kami sa puntong ito. Sino ba namang ina ang nais mawalay sa kaniyang anak sa panahon ng krisis, hindi ba? Pero 'di ko kayang sukuan ang tungkuling pinangakuan namin. Lalo na sa panahon ngayon kung kailan kailangan kami ng karamihan. Nais ko mang itago kay Mama ang balitang positive lahat ng PUIs ay malalaman at malalaman niya pa rin iyan pagkapanood ng balita kaya walang saysay ang pagsisinungaling.

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon