XXVII

7 2 0
                                    

"Kiko, ano iyong pinost mo?"

"Totoo ba iyong sinasabi mo?"

"Talaga ba? Sinadyang gawin itong virus? Mayroon na talagang lunas?"

Pagkapasok ko palang sa ospital ay sandamakmak na mga tanong na mga tanong na ang sumalubong sa akin. Nadatnan ko station sina Light at Franie. Nang magtama ang tingin namin ni Light ay agad itong umiwas at umalis.

Galit ba siya sa ginawa ko?

"You are not really thinking of the possible repercussions of your actions, aren't you?" inis na bungad sa akin ni Franie. Tama ka, Fran. Hindi ko na inisip ang magiging kahihinatnan nitong ginawa ko.

Wala na akong pakialam.

"Basta sigurado akong tama itong ginawa ko," seryoso kong saad sa kaniya.

"You're unbelievable, Kiko," naiiling nitong saad pagkatapos ay umalis na rin. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula ng magcheck ng mga charts.

"Kieron Kornelius Melendrez!"

Nanlaki ang mata ko at lumingon sa tumawag sa akin sa buong pangalan ko at sumimangot ako nang makita ito.

"Full name talaga, 'tol?" naiiling kong saad kay Gio nang lumapit ito sa station.

"Hoy, g*go ka! Ano iyong pinost mo?" bulong nito nang tuluyan nang makalapit sa akin.

"Binasa mo naman 'di ba? Iyon nga iyon."

Binatukan niya ako sa sinagot ko sa kaniya. Putek na iyan. Sinagot ko lang naman tanong niya eh.

Kahapon ay pinost ko ang lahat ng tungkol sa SAT-PH. Hindi ako nagbanggit ng mga pangalan pero sinabi ko na ang ilan sa mga sangkot dito ay doktor, nars, nagtatrabaho sa PRDO at maging ang bahagi ng gabinete. Isinama ko rin ang mga litratong nakuha namin noon at ang recording sa tawag namin kahapon sa isa sa mga HCs. Umani ng maraming likes, shares at comments ang post ko na iyon at marami ring nagmessage sa akin. Hindi ko na tiningnan lahat ng mga reaksyon pero mayroong naniwala sa post ko at meron din nanang nagsasabing nagbibiro lang ako.

"Anong katangahan 'to?"

"Galing mong gumawa ng story kuya. Pwede ka ng maging author sa wattpad."

"Okay lang naman mag-imagine pero sumobra ka naman po ata."

"Himas rehas ka mamaya, 'tol."

Ilan lamang iyan sa mga naging komento doon. Hindi ko na binigyang-pansin ang lahat ng ito. Ang importante, merong naniniwala sa akin.

"Ulol! Nagpost ka na lang hindi pa kumpleto," galit na saad ni Gio sa akin. Kunot-noo ko naman itong nilingon sa tinuran niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sana nag name drop ka 'tol. Natakot ka pa eh," naiiling nitong saad.

Sa totoo lang, pinag-isipan ko rin iyan. Pero, sa ngayon, sapat na munang pinaalam ko ang tungkol sa SAT-PH.

"Natakot ka pa eh sila nga ang dapat matakot. Ay, speaking of the devil."

Lumingon ako sa kung saan nakatingin si Gio at nakita si Dax na naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Ang lakas ng loob mo rin eh no?" nakangising bati nito sa akin. Umismid ako at tiningnan ito ng diretso sa mata.

"Ang lakas din ng loob mong pumasok dito no?" nang-uuyam kong sabi sa kaniya. Tumawa ito at tiningnan kaming dalawa ni Gio.

"Nagmukha ka lang baliw. Akala mo ba talaga maniniwala sila sa sinabi mo?"

"Hoy! Si Dax, kasama ito ng SAT-PH!"

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon