CHAPTER 12

24 5 0
                                    

"it's been a while mr and mrs. Maximillian" clark said, nakatitig siya sa dalawang puntod, "don't worry... gagawin ko ang lahat para maayos ito..."

"Sabi ko need ko peace of mind—pero bakit mo naman ako dinala sa sementeryo? Balak mo ba akong gawing rest and Peace?"

"You said, want mo ng peace of mind?"

"Oo nga!! Pero bakit dito sa sementeryo?" Nagcrossed arm ako at ngumuso.

"fionaica Azuela lei Luzero Espidido Maximillian Ponze" aniya at ngumiti, "mom and dad mo... " Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa puntod...

"Ma? Pa?" Napaluhod ako at niyakap ang puntod, "bakit kayo namatay?? Bakit!!!"

"Clark!!!" Napatingin ako kay vinz ng marinig ko ang kanyang boses, nakakumo ito at agad na sinuntok so clark, "fionaica let's go!" Hahawakan niya sana ang kamay ko ng iwinakli ko ito, "so alam mo? So alam mo pala? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! so alam niyo na pala simula ng una palang!" Taka siyang tumingin sa akin

"What are you talking about? Let's go home"

"How dare you vinz! akala ko magpapakatiwalaan kita! naghahanap lang ako ng time para sabihin mo sa akin ang totoo!" Taas kilay siyang tumingin sa akin, "kaya naman pala pinayagan mo akong matulog sa mansyon niyo... kasi alam mong may pupunta sa bahay... alam mong papatayin ang parents ko! ang mga taong nag-alaga sa akin!"

"Nagkakamali ka—"

"Huwag ka ng magpaliwanag. Alam ko na..."

"Fionaica..." Sambit ni clark kaya napatingin ako sa kanya, "isa ka pa! dalawa kayo magsama kayo!" Ginawa nila akong bobo, noong panahon na umalis ako sa bahay dahil nag-away kami ng mama ko na nag-alaga sa akin biglang sumulpot si vinz tapos naligaw ako sa kagubatan... nasundan niya ako... stalker ko siya. Planado ang lahat...

Sila ang pumatay sa mga taong nag-alaga sa akin! Kaya naman nagalit sa akin ng sobra si shinaica!! Well, akala nila bobo ako?

"Nagkakamali ka..." sinamaan ko ng tingin si clark.

Lumapit ako kay vinz, "at ikaw... ikaw iyong childhood bestfriend ko... ikaw iyong lalaking nagligtas sa akin ng panahon na pinatay ang mga magulang ko..."

FLASHBACKS

*/Putok ng baril

"natatakot ako... mommy... daddy... " Tinakpan ko ang tainga ko...

may isang lalaking lumapit sa akin at niyakap ako, "shhh... huwag kang maingay... baka marinig tayo..."

"pero si mommy—"

"shhh... akong bahala sa'yo, kung gusto mo pang mabuhay magtiwala ka lang sa akin... "

"sino ka ba?"

"magtiwala ka lang sa akin... " Tumango tango ako, inalalayan niya akong tumayo at dahan dahan kaming lumabas. Nakarating kami sa labas, nagtago kami sa likod ng isang malaking puno, "sorry kung nadamay ka pa... "

"si mommy... Si daddy... wala na... "

Hinawakan niya ang balikat ko, "magpakatatag ka ah? babalikan kita..."

"sino ka ba?... "

"basta tandaan mo lang, smile! Always smile" hinalikan niya ako sa noo. "tara na?" Tumango tango ako, pinasakay niya ako sa kotse at may nakita akong babae na nakangiti sa akin, "it's her?" Tumango tango ang batang babae at ngumiti sa akin.

"Dalhin mo siya kay seb, si seb na bahala sa kanya"

"Yes sir" bago kami umalis ay may iniabot siya sa aking panyo. "Itago mo iyan, remembrance mo iyan sa akin, huwag mo akong kalimutan, ah?" Ngumiti siya ulit, Tumango tango naman ako at umalis na ang sasakyan.

********

Nagising ako habang naghahabol hininga...

It's him. Siya. Tinulungan niya ako... it's vinz! Siya iyong batang lalaki! hindi ako nagkakamali dahil nakita ko iyong picture niya sa kwarto niya! Siya! Siya ang bestfriend ko!! Siya ang childhood bestfriend ko!

Lumakas ang tibok ng puso ko, bakit tinago niya sa akin ito?

END OF FLASHBACK...

"Hindi mo naiintindihan, fionaica—"

"Stop vinz! Stop it!"

"lahat kayo! Lahat kayo niloko ako!!"

Pero teka... naguguluhan ako...

Arghhhhh!!!!!!!!!!!!

"Yes. Ako nga iyon, ang batang lalaki na tumulong sa'yo, ang nagtakas sa'yo kasi papatayin ka eh... papatayin ka..." Tumulo ang luha ni vinz, "nadamay lang kayo... kaya kailangan kitang ingatan... nadamay lang kayo sa lahat..."

"Bro..." Lumapit si clark sa kanya.

"kasalanan ng mommy ko kung bakit nangyari ito—"

"Kuya!!" Malakas na sigaw ni femi.

"Vinz, stop it!" Sigaw ni clark. Nagkatinginan ang dalawa.

may tinatago sila sa akin... tinginan palang nila. Nabanggit sa akin na magkaaway ang pamilya nila pero bakit ang close nila? akala ko ba magkaaway silang dalawa dahil sa pamilya nila??

Hindi ako p'wedeng magtiwala sa kanila, hindi sila p'wedeng pagkatiwalaan, gagawa ako ng paraan para malaman ko ang lahat in my own ways. Kakayanin ko para malaman mo ang totoong nangyari at past.

"Ate!" tumakbo si shinaica para yakapin ako, "tama na please?"

"Sh-shinaica?..." Pinahiran niya ang luha ko, kumindat siya sa akin, ngumiti ako.

Ito na ang time... let's the game begin. Gusto niyo pala ng laro, ah? HAHAHAHA!!!

"Let's go home!" Yaya ko at nauna ng umalis, hindi ako sumakay kina vinz or clark, sumakay ako ka shinaica since may kotse naman siya—swerte rin nito eh, iyong nakaampon mabait, kasama namin sa kotse si killiana na tulala.

"arghhh!!!" Sigaw niya at kinamot ang ulo. "ano ba nangyayari sa earth?? dapat nagtravel nalang ako sa mars eh!!"

"Need natin magtulungan..." sabi ko at Tumango tango naman ang dalawa.

Sa pag-ibig pala nila pinapadaan, ah?

"uhm... teh..." tumingin sa akin si shi kaya naman tinaasan ko siya ng kilay, "sorry ha?"

"for what?"

"for everything..."

"Don't worry. Past is past, okay na iyong atin pero ang akin, kailangan kung alamin" tumango tango siya.

"oum... about pala doon sa pagkamatay ni mama at papa... hindi ko pa rin alam kung sino nag utos, pero kailangan niyong umalis sa bahay na iyon kasi parang may nagmamanman sa inyo... "

"tama ka, ramdam ko nga" singit ko.

wala na ang pamilya ko, ang meron nalang ako ngayon ay kaibigan. At ang nag-iisa kung tinuring na kapatid na si shinaica. Kaya hindi ko siya kayang ihate eh... kasi napakabuti niyang tao, mabuti siya, kahit nag-aaway kami noon masaya pa rin kami, nadamay pa siya.

"pero teka nga... si vinz... nabanggit sa akin ni mama iyon... si vinz daw ang nagdala sa'yo sa bahay... nasabi sa akin ni mama iyan—sa panaginip nga lang... "  Natatawang sambit ni Shinaica

"feeling ko tinutulungan tayo ni tita?" Singit naman ni killiana

The Taste Of YesterdayWhere stories live. Discover now