CHAPTER 4

33 7 1
                                    

KINABUKASAN

Nauna akong bumangon kay femi at nag inat inat, nasanay kasi ako sa bahay na maagang nagigising para maghanda.

"Halaaa!! may—shit!! Huhuhu!! May P.E kami ngayon!" napatakip ako ng bibig ko ng mapagtanto kung ang lakas ng boses ko

"Ma-mama..." biglang sabi ni femi habang umiiyak, nananaginip siguro siya, kawawa naman. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ni femi at tumingin sa paligid, sobrang laki ng bahay nila tapos tatlo lang silang nakatira?

"Anong ginagawa mo d'yan—"

"Ay kabayo! kakagulat ka naman..." Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat kay manyakis. Napatulala nalang ako dahil sa gulat na nakaboxer lang pala ito, sobrang ganda ng kanyang katawan... grabe... parang gusto ko hawakan.

"Tabi!" binangga niya ako.

Hindi ko talaga alam kung anong klaseng lalaki ito, eh! minsan mabait tapos bigla nalang nagmamaldito! Arghhh!!! Siraulo talaga!

Sumunod ako sa kanya, "by the way saan ka nag-aaral?" I asked pero hindi siya sumagot at nagtungo lang sa kusina. "Bakit namatay mama mo? paano siya naaksidente? Si papa mo na saan—"

"P'wede ba? Stop asking me!" Galit na sigaw niya at napabuntong hininga bago ako talikuran. "Nagtanong lang naman, eh... bawal ba iyon?" Hayst... napayuko nalang ako at binuksan ang ref, ang daming laman halos lahat punong puno na, sana all!!

"Hey!" Napatingin ako sa tumawag sa akin si jeff lang pala. "Bakit?"

"P'wede bang ipagtimpla mo ako ng coffee?" Tumango tango nalang ako, may kasalanan pa ito sa akin eh! Pagkatapos kung magtimpla ay inihatid ko sa kanya sa may table at umupo sa harap niya. "Bakit ang hilig hilig niyong mantrip ng babae?"

"trip? nagkakamali ka—"

"ay wow so ako pa pala ngayon ang mali? Remember girl ako! Always akong—"

"shut up!"

"tss!" tinarayan ko nalang siya. minsan hindi ko rin get's ang sarili ko, pa iba iba ng mood din eh, moody.

napatingin kami pareho ni jeff kay vinz ng tumayo siya sa harapan namin, "oh? ginagawa mo d'yan?" I asked him, he glance at me, "ipagtimpla mo ako ng kape, now—"

"Hindi ho ako utusan—" tinaasan niya ako ng kilay, "sabi ko nga magtitimpla na ako... " Tumayo ako at nagtungo sa kusina para ipagtimpla rin siya ng kape.

"tss... kakapal ng mukha nila, pasalamat sila anak ako ng diyos, mabait.

Bakit ang hilig hilig nila sa kape?

Pagkatapos kong magtimpla ay naabutan ko nalang si vinz na mag-isa, "where si jeff?"

"Outside" he answered. Ginagawa nun sa labas?

Umupo ako at tinitigan siyang umiinom ng kape, "ang swerte niyo naman kasi ipinanganak kayong mayaman hayst... sana ako rin" napabuntong hininga ako. "By the way may girlfriend ka na ba?" Naibuga ni vinz ang kape. "Urgh shit. ano bang klaseng tanong iyan?"

"Bakit may mali ba sa tanong ko? wala naman, ah?"

"Wala. It's just a waste of time. Marami pa akong important to do's, busy ako sa buhay ko at kailangan kung magsipag para sa mga kapatid ko" napanganga ako sa sagot niya, sa lahat ng kilala kung lalaki siya lang iyong kakaiba. "Don't rush love, focus sa goal—"

"Eh, paano kung ikaw iyong goal ko—este paano naman kung iba iyong goal?"

"Tss... be matured." aniya at humigop sa kape. Matured naman ako? May sakit lang sa utak minsan.

"Kasi if mahal ka ng isang tao, hihintayin ka niya hanggang maging okay na. Right person will come in right time" biglang lumabas sa bibig ko na siya namang ikinatingin niya sa akin. Naalala ko kasi nanligaw sa akin noon, sabi niya hintayin niya daw ako pag right time na pero look ngayon may gf na siya, mga easy to get kasi. Hard to get ako eh. Bahala sila! Sa panahon ngayon dapat mong taasan standard mo.

"Yes, I agreed. Kasi kung kayo talaga ang para sa isa't isa pagpapatagpuin ulit kayo ng Ama. Magtatagpo pa rin kayo sa tamang panahon." napahanga ako sa sinabi niya, actually may tama siya—may tama sa utak joke. Kasi if kayo talaga no matter what, pagtatagpuin ulit kayo ng ama, pero kung hindi it means nun hindi talaga siya iyong taong para sa iyo, may taong magmamahal at papahalagahan ang worth mo, so don't rush love. Always remember right person will come in right time.

Continue sa goal habang nagpupuri sa ama. Feeling ko lang kung siya makakasama ko magiging matured ako lalo, ang matured matured niya, at alam niya talaga kung anong tama sa mali.

"Uhm lei pakisuyo nga ako nun—oh... ‘wag na pala" umalis ulit si jeff.

"hatid kita mamaya sa inyo, humingi ka ng tawad sa mama mo and please huwag mo ng uulitin ang maglayas, okay ba?" Tumango tango nalang ako.

Minsan matured, minsan hindi—hay naku! May saltik talaga sa utak. Pero nakadepende din sa situation ah... if kalokohan topic puro rin siya kalokohan if ang topic naman about sa mga serious, seryoso din siya, palakpakan!! Bigyan ng Jacket iyan!

tumayo ako at nagtungo sa kusina para magluto ng ulam, pagtapos kung magluto ay naglinis ako sa buong paligid bago naligo at nagpahinga. Iniisip ko na bahay ko ito para hindi ako mafefeel uncomfortable. Magaan naman ang loob ko sa bahay na ito.

"kuya good news!" Biglang sigaw ni femi habang tumatakbo pababa ng hagdan, "what?" taas kilay na tanong ni vinz.

"ipapablind date kita! May nakita na ako!! she's pretty and mayaman din kuya!" Talon ng talon si femi, pero parang wala lang pakealam si vinz sa kanya. "Bili na kuyaaa!! Blind date lang naman eh! Damot! Bakla ka siguro?"

"Tss. Go back to your room and don't make any noise—"

"Ihhhh!!! Kuya kasi!!! Ayaw mo? Siguro may nagugustuhan ka na, ‘no? Kung si ate fionaica lang naman sige lang! Vote na vote ako!! Hehehe..." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni femi, napatingin sa akin si vinz. "Kung siya lang naman, huwag na. She's not my ideal type—"

"Hindi rin naman kita ideal type, ang layo layo mo sa type ko, dzuh!" Singit ko naman at nagcrossed arms.

Lumaki ang ngiti ni femi at nag killer smile. "Alam niyo bang d'yan nag-uumpisa ang pagmamahal? Yieeee!!! Ship! Ship! Ship!"

"Femi, can you please shut up—"

"Hala! Kuya nag please ka ba? Repeat again, ang sarap pakinggan! Isa itong himala!!" Lumapit si femi sa akin at hinawakan ako sa balikat, "hulog ka ng langit, ate." aniya at tumalon talon habang naglalakad papunta sa kanyang kwarto.

"Don't mind her, gutom lang ‘yon" sabi naman ni vinz.

The Taste Of YesterdayWhere stories live. Discover now