CHAPTER 3

46 7 0
                                    

"Where do you live? ihahatid kita doon" tanong niya. Ano kaya klaseng lalaki ito? Pa iba iba ng mood eh—parang babae din. Napatingin ako sa gilid ng tainga niya may tattoo siyang letter B gusto ko sanang tanungin pero kakahiya, like dzuh!

"Actually, nag-away kami ni mama kaya umalis ako..."

"Dapat hindi mo ginawa iyon" hindi nalang ako nagsalita at yumuko, wala naman siyang alam so bakit?

"Doon ka muna sa bahay pansamantala—"

"Ayaw ko!"

"Bahala ka. Sige bumaba kana—"

"Joke lang. Sige na doon muna ako baka mamaya bumalik ang adik na iyon" nakita ko siyang ngumiti.

"Kung ako sa'yo sana sinipa mo siya sa itlog tapos tumakas ka"

"Paano ko masisipa eh nakatali ako? Shunga ka ba?"

"G'wapo ko naman para maging shunga lang?"

"Wowers! baka bigla tayong bagyuhan dito dahil sa sobrang kahanginan mo?"

"Nakauwi na kaya siya?" Bigla nalang siya naging seryoso ulit. "Pasaway talaga iyon!" Huminto siya sa isang malaking bahay.

Nauna siyang pumasok sa loob at iniwan akong nakatulala, hindi na rin ako nagtagal at sumunod sa kanya.

"Oh? Kuya!" sigaw ng isang babae na halos kasing edad ko lang, taas kilay siyang tumingin sa akin, "Where have you been?" Seryosong tanong ng manyakis sa babae habang nakapamulsa.

"Kasi kuya... ano..."

"Alam mo bang hinanap kita? muntikan na nga akong makasagasa, oh! tapos si jeff nakita ko! Argh! He is a dangerous person" napatingin sa akin ang babae habang nakakunot ang noo.

"muntikan na rin siya? " Hindi sumagot ang manyakis at umalis na naman!! Ano ba iyan eh! Palagi akong iniiwan!

Tinignan ako ng babae simula ulo hanggang paa, "uhm.. are you okay?ang haggard haggard mo na, what happened? Let's go, pahiramin kita ng mga damit ko—"

"Naku... naku huwag na... okay lang ako"

"Okay sa'yo pero sa kuya ko hindi" hinila niya ako at pumasok kami sa isang kwarto kung saan punong puno ng mga damit.

"Alam mo ba natutuwa ako kasi first time ni kuya magdala ng babae dito sa mansyon, akala ko nga bakla siya, eh..." Mukha naman silang mababait pero hindi ako p'wedeng magpadala.

"nagugutom ka po ba or want mo pagtimplahan kita ng coffee?"

"no thanks, I'm fine."

"ano bang nangyari? Bakit badmood iyon?!"

"ewan ko doon, moody yata iyang kuya mo, eh! muntikan niya na ako masagasaan—"

"ano??"

"Kalma lang, hindi pa ako tapos magsalita"

"Ay Sige... " Para lang mga maldita at maldito ang mga itsura nila pero mababait sila

"Nag-away kasi kami ni mama tapos umalis ako sa bahay takbo ako ng takbo kaya ayon... muntikan lang ako madeads akala ko nga pagkagising ko nasa langit na ako eh—pero hindi pala... pagkatapos nun may kumidnap sa aking lalaking adik na manyakis" natawa siya dahil sa sinabi ko

"Ah si jeff... HAHAHAHAHA pasaway talaga iyon, hindi ka kasi kilala pero don't worry papakilala kita sa kanya pagdumating siya dito mamaya sa bahay, panigurado may natripan naman siguro ang lalaking iyon. Mukha lang silang mga manyakis pero hindi talaga, the way na gumalaw at magsalita ganun lang talaga sila, pero hindi nila kayang gumalaw ng katawan ng babae" hindi daw pero iyong legs ko...

Teka kung dito nakatira iyon edi... Shit!! Mukhang naisahan yata ako! Planado ba ito? Pero teka nga... bakit naman nila ako kikidnapin eh wala naman akong kayamanan at wala rin ang pamilya ko?

"Hoyy!! Baka kung ano na nasa isip mo, ah?"

"ha? Wala ah... "

"by the way I'am femi you can call me fem if you want, masyadong mahaba pangalan ko tinatamad akong sabihin—pero teka nagpakilala na ba ako sa'yo kanina?" nag isip kami ng ilang mga minuto at nagtinginan.

"hindi ko rin alam eh... " natawa nalang kami pareho.

Naupo kami sa sofa, "alam mo ba—malamang hindi mo pa alam, mukha lang talagang maldito iyang si kuya vinz pero hindi talaga" inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko, "at tsaka mukha lang ‘yang manyakis—manyakis talaga iyan..."

"Femi, naririnig kita—"

"Ay... wala iyon kuya! Grabe ka naman hindi ko naman sinabi na mabait ka tapos manyak—ay wala! Wala! Wala!" natatarantang sabi ni femi. Hayst ewan ko ba, mukha naman siyang mabait pero ayaw kong magtiwala.

Kamusta na kaya sina mama doon? baka nag-aalala na sila sa akin. Tumabi si manyakis sa akin habang may hawak na tasa, "kayo lang ba dito?" Tanong ko.

"Actually, yes. Tatlo kami kasi si daddy—hindi ko alam pero si mommy kasi wala na namatay daw siya dahil naaksidente..." malungkot na sabi ni femi, "hindi mo siya naabutan?" tanong ko pa, "hind eh..."

"bakit ka ba tanong ng tanong? P'wede bang itikom mo nalang ‘yang bibig mo?" Singit ng manyakis pero I just rolled my eyes at him, "sorry ha? hindi kasi kita narinig eh tsaka kami ni femi nag-uusap dito, sino ka ba?" taas kilay na tanong ko.

"oo nga?" Taas kilay na tanong rin ni femi, "tara na nga ate, doon tayo sa kwarto paliligayahin kita... " ngumiti ako, hinila ni femi ang kamay ko at umakyat kami sa taas papunta sa kwarto niya. Sa totoo lang ang cute magalit ni manyakis you know?

Madaling pakisamahan rin pala itong kapatid niyang si femi, mabait naman—muhka lang maldita pero mabait talaga at mukhang pinalaki ng maayos.

"alam mo bang gusto ko makita si mommy kahit sa panaginip lang? kasi pangarap ko siyang mahug... "

"Hayaan mo, tulungan kitan magpray HAHAHAHAHA" Napatingin ako sa isang picture frame.

"Sino sila?" I asked at tinuro ang picture frame.

"ay wala iyan... kaming tatlo iyan noong bata pa kami" awss ang popogi at ang gaganda naman nila!!

"hindi ko alam pero ang gaan ng dib dib ko sa'yo... " bulong niya, "nagkita na ba tayo? bakit ang familiar mo sa akin? Parang nakita na kita somewhere... " napaisip siya. "ah!! Basta!!" Sigaw niga at humiga sa kama.

"urghhh!!! Kailan kaya ako papayagan nila kuya gumala? Bored na bored na talaga ako dito sa bahay!!!" Dagdag niya pa.

"by the way, ate may boyfriend ka na ba?"

"wala. hindi ko pa iniisip ‘yan kasi mas focus ako sa school"

"alam mo ate, need mo rin sumaya kahit minsan nakikita ko kasi sa mga mata mo na sobrang lungkot mo"

"paano naman ako sasaya? Tatawa mag isa ganun? pagod na pagod na nga ako eh... " ngumiti siya.

"tulog ka na, don't worry walang kukuha sa'yo dito hangga't and'yan sina kuya" she smiled again and I smile back.

Nakarinig siya ng doorbell kaya agad siyang napatayo, "si kuya jeff na siguro iyon?? Dito ka lang ah? Babalik ako!"

"KUYAAAAA JEFFFFF!!!" sigaw ni femi habang natakbo pababa ng hagdan.

Kailangan kung umuwi bukas...

The Taste Of YesterdayWhere stories live. Discover now