CHAPTER 21

18 5 0
                                    

Napanganga ako dahil sa nakita ko, "lumang mansyon—teka..." bigla nalang may nagflash back sa akin at muli kung naalala ang lahat na nangyari noong past.

Tama! dito pinatay ang magulang ko...

"Tara na! Excited akong pumasok!" tuwang tuwang sigaw ni killiana habang may palakpak pa.

Pagkapasok namin ay agad akong nanlamig, sobrang baho! nagtakip ako ng ilong para wala akong gaanong maamoy.

"Bakit ang daming banga??" Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isang bulletin board at laking gulat ko ng makita ko ang itsura ko doon, may stalker ako!

Bakit may mga ekis na mga mukha ng iba? teka... si killiana, shinaica at chiara ba ito? bakit may mga ekis na? ganun din si jeff at jayro... andito rin ang umampon sa akin at ang totoo kung magulang, teka may babaeng maganda na halos kamukha ni femi... hindi kaya... mama niya ito?

May nakita akong box na sobrang dumi kaya kinuha ko ito at binuksan, ang tanging nakalagay lang ay ang isang mahabang papel.

Amora Family:
Louisse Amora-✓
Chester lee Amora-✓
Chiara louisse Amora-✓

Check na lahat? ano ‘to attendance?

Ponze Family:
James citerio Ponze-✓
Shaina ly Ponze-✓
Shinaica ly Ponze-✓

So, totoo nga? Ampon ako? wala ako sa attendance, eh..

Pero bakit may check??

Mga sagabal sa plano:
Jayro Sanchez-✓
Killiana zyx Velerio-✓
Archer sean cy Lucien- next target

Archer? Parang narinig ko na iyon somewhere...

Nagpatuloy ako sa pagbabasa

Maximillian Family:
Jaypher Maximillian-✓
Veronica oh Maximillian -✓
Yara brianna sienna liana oh Maximillian- next target (fionaica Ponze)

Ba-b-bakit andito ako???

Kaya ba pinalitan ni clark ang name ko?? para hindi ako mahanap??

Itchuwo family: THE MAIN TARGET
Avianna min itchuwo-✓
Leohandro itchuwo-
Jefferson lim itchuwo-✓
Vinz kian Sebastian itchuwo- next target
Femi yuzuri Asteria luczan

N-n-next target??  bakit may mga nakalagay sa aming next target??

Nashock ako dahil nakita ko, bakit andito sila vinz??? shit! bakit may mga check?? ano ito? nabitawan ko ang papel ng mapagtanto ko ang lahat.

Dito nakatira ang killer...

Dito... dito mismo sa lumang mansyon na ito...

Napatingin ako kina chiara na nakatitig sa akin,  "Alam mo ba dito kami pinatay?" napatingin ako kay killiana na nakangiti, "pinagsasabi mo d'yan?" Bigla nalang nanayo ang mga balahibo ko, "You will always have a place in our heart no one else could ever have" pumikit ako at pinahiran ang luha ko, pagkamulat ko ay hindi ko na sila nakita, naglaho sila na parang bula. napatingin ako sa mga banga, agad akong lumapit doon at nanginginig na buksan ito...

"Ba-bangkay! bangkay!" Halos masuka ako sa sobrang baho. hindi ko kaya, parang ang tagal na nito... nakaya niya ito?

Napatingin ulit ako sa bulletin, "hindi kaya... ang may mga ekis ang namatay na? p-pero... sinaa killiana? wait! Panaginip lang ito!! fionaica gumising ka!" Napahawak ako sa ulo ko, pero kung patay na sila?? Bakit ko sila nahahawakan? bakit ko sila nakakausap?? hindi... tama! panaginip lang ito!

Sinampal sampal ko ang sarili ko para magising sa katotohanang panaginip lang ito, hindi ako naniniwala na patay na sila! buhay sila!

May nakita akong picture na luma na, kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti.

"I-it's h-him... ang pumatay sa mama at papa ko... " turo ko sa picture at nanginig ako. h-hindi kaya siya ang papa ni clark??

Pero bakit? pero bakit kailangan niyang pumatay ng tao??

"well, mismong ang biyaya na ang lumapit sa akin, malapit ko na rin mabuo ang listahan ng mga pinatay ko, welcome in my mansyon again brianna... " nanginginig ako na lumingon, and it's him. Ang daddy ni clark...

"B-ba-bakit mo ginagawa sa amin ito? ano bang kasalanan namin sa'yo?" nagcrossed arms siya, "Actually, wala. Nadamay lang talaga kayo... pasensya na, ah?" Aniya at tumawa ng malakas. "Kung dati natulungan ka pa ng pasaway kung anak! ngayon hindi na! dahil sama sama ko kayong ililibing ng buhay!" aniya ulit at mas lumakas pa ang tawa woth matching kumidlat ng malakas.

"Itong mansyon na ito, akin ito at sa pinakamamahal kung asawa... masaya kaming namumuhay dito until one day namatay siya dahil pinabayaan siya ng pinaka sikat na hospital dito sa pilipinas which ang pag-aari ng pamilyang Itchuwo..." hindi ako makagalaw sa pwesto ko ngayon, gusto kung tumakas kasi hindi ako ready... Umupo siya sa isang lumang upuan at nagcrossed legs, "ang masaklap doon, wala pang namatay na mga pasyente tapos iyong asawa ko namatay doon? hindi ba sinadya nila?"

"Nagkakamali ka" nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si vinz, "hindi kasalanan ng hospital namin kung bakit namatay ang asawa mo—dahil ikaw mismo ang pumatay sa kanya!" Ngumisi lang ang dad ni clark.

"w-what? Dad?" Biglang sulpot din ni clark, gulat silang tumingin sa aking dalawa.

Away nila ito pero damay pati kami?

"Oh son? Archer?" W-what? Si clark at archer ay iisa?? The hell!! Anong nangyayari sa mundo??

"Well..." tumayo ang adik, "you're right, vinz." akma na sanang susuntukin ni clark este ni archer ang daddy niya pero pinigilan siya ni vinz.

"How did you know? sinabi ba ng daddy mo, ha? Vinz?"

"hindi. Nalaman ko lang sa isang sulat na iniwan sa amin ni Chiara, at ang sulat na iyon ay nanggaling sa papa ko with usb pa na naglalaman ng lahat ng katotohanan, ang katotohanang ikaw mismong pumatay sa sarili mong asawa!"

Teka... ayon ba iyong sinabi ni chiara na may sulat sa drawer?? ayon ba iyon? So, it means... tinulungan n-ni-nila kami?? what the hell... naiiya ako, gusto kung pumatay ng tao!

"Ibahin natin ang topic... kamusta na ang daddy mo, vinz?"

"He's dead. ano masaya ka? masaya ka?! Masaya kana?! You killed a lot of people! tapos nandamay ka pa!"

Pumalakpak ang adik, "ay kawawa naman siya... dapat kasi hindi niya nalang inagaw sa akin ang mom mo..." Takang tumingin si vinz sa kanya habang si archer naman ay nakatingin sa akin at parang ang tingin na iyon ay may ibig sabihin.

"your mom is my first crush and  first love. Alam iyon ng papa mo—pero nakita ko nalang sila one day na naghahalikan? dapat akin iyon! dapat akin lang si avianna!"

Nang dahil lang doon? talo siya kaso gusto ng isa't isa eh, tapos siya wala. Kasalanan ba nila kung sila talaga ang para sa isa't isa? tss. Grabe talaga nagagawa ng pagmamahal, handang pumatay.

"Grabe ang saya kaya pumatay, ikaw..." tumingin siya sa akin, "dapat ikaw ang Amora tapos si chiara ang Maximillian, late ko pala nasabi, pinagpalit ko ang pangalan niyo tapos nalaman iyon ni avianna at alam kung gagawa siya ng paraan para hanapin kayo at sabihin ang totoo. so dahil sa gusto niyang makatulong katulad ng mga kaibigan mong walang kwenta, namatay siya—sila." Napakumo ako. So, dapat ako talaga ang anak ng mga amora at hindi ang Maximillian? So ibig sabihin nun... ako ang nag-iisang anak ng may nagmamay-ari ng university na pinapasukan ko??

"Since nagkaroon na ng anak si avianna, naisipan kung patayin sila isa isa pero ang hirap eh. so, gumawa ako ng plano, at ayon ang dahilan kung bakit pati kayo nadamay, dapat lang iyon sa inyo!"

The Taste Of YesterdayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin