CHAPTER 9

25 6 0
                                    

nawalan nalang ako gana bigla at napaupo, hindi ko na kayang tumayo, "p-pero ba-bakit? bakit naging kasalanan ko?... bakit?"

"Mama... papa... bakit kailangan pang mangyari sa akin ito?..." Napahagulgol ako ng iyak habang nakahawak sa puso ko dahil nakaramdam ako ng sakit. Kasalanan ko! kasalanan ko kung bakit sila nawala!! sana hindi nalang ako umalis ng mga araw na iyon... edi sana buhay pa sila...

"lei!" Rinig kung tawag sa akin ni clark pero hindi ko siya pinansin dahil pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako. "what happened?? tell me!" Niyakap niya ako, "anong nangyari sa'yo?... why are you crying?"

"k-kasalanan ko... kasalanan ko kung bakit sila nawala..." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. "It's okay... I'am here for you, just cry... mawawala rin iyan..."

"mama... papa..."

"Fionaica!" Rinig ko namang tawag sa akin ni vinz, agad niya akong kinuha kay clark at binuhat bago dinala sa clinic. Kitang kita ko kung paano siya nag-aalala sa akin... Pero bakit? bakit sila namatay? bakit sila namatay dahil sa akin? anong kasalanan ko? kailangan ko si shinaica!

Pagkarating sa clinic ay inihiga niya ako sa higaan, "it's okay... I'am here... what happened? why are you crying?"

"wala na si mama at papa... " Laking gulat nalang siyang tumingin sa akin, "kasalanan ko daw... sabi ng kapatid ko... pero bakit? bakit ako?"

"nasaan siya?"

"hindi ko alam... umalis siya eh... malas daw ako... malas ba talaga ako?"

"no, hindi ka malas... stay here, hahanapin ko siya" nagmamadali siyang umalis. Bakit sila namatay dahil sa akin? anong konek ko doon?

"Leii!!" hingal na hingal na pumasok si clark, "are you okay?" Napatingin ako sa kanyang mga mata, namumula... grabe naman pag-aalala nito.

"Okay na ako."

"Kahit talaga kailan, ang maldita mo pa rin—"

"Umalis ka rito!" Nagulat kami clark sa biglang pagsigaw ni vinz, mas laking gulat ko pa ng sinuntok niya si clark, "wala ka talagang kwenta!" sigaw ni vinz at sinapak si clark

"ano bang problema mo, ha?!" galit na galit na tanong ni clark sa kanya

"ikaw ang problema ko! masyado kang nagpapadala sa dad mo!"

"don't you dare to—" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si clark ay sumingit na ako,  "tama na iyan!!!" sigaw ko,  "please lang? need ko ng peace of mind..." Napabuntong hininga sila pareho at sabay na umalis.

Bakit ba magkaaway sila? bakit ganun ang galit nila sa isa't isa??

"Oh my Goddd!!!!" Malakas na sigaw naman ni killiana at tumakbo para yakapin ako, "akala ko napano ka na!! pagkalabas ko kanina sa cr... akala ko nasa room ka pero pagdating ko doon wala... tapos natanong sa akin si clark sabi ko hindi ko alam kung saan ka..."

"Okay na ako... salamat..."

"Teka, tatawagan ko si shien papadalhan kita pagkain..."

"Huwag na..."

"Okay lang..." May tinawagan siya, pagkatapos niyang kumausap sa tinawagan niya ay ngumiti siya sa akin, "grabe ka... kinabahan ako sa'yo..."

The Taste Of YesterdayWhere stories live. Discover now