Tumango-tango naman si Avi para sang-ayunan ang kambal.

"Sa bahay natin yan pag usapan babies hmm?" mahinahon kong saad.

P-puwede naman sigurong malaman ng mga bata, huwag lang malaman ni Axel.

***

Nakauwi kami sa mansion matapos iyon, wala sila Papa ngayon dahil nasa kumpanya.

Busy sila at kami kami nalang daw muna ang mag lagi rito.

Napaupo ako sa sofa kasabay ng pag-upo ng mga mag-tito. Napatingin ako kay Azel.

Tumango ito saakin, "Papayagan mo na ba silang malaman kung sino iyon?" tanong niya at tumayo na para maayos sa kusina ang mga pinamili para makakain na rin kami.

Tumayo rin ako at iniwan ang mga bata sa sala, pinupunasan nila ang kanilang sarili dahil kumain sila ng chocolate kanina.

Habang nakasunod sakanya "Siguro naman sa tagal puwede na nilang malaman kung sino ang Daddy nila. . ." suhestiyon ko habang nakatingin sakanyang nag aayos ng pagkain.

Tumango tango siya at tinignan ako na agad ring ibinalik ang tingin sa ginagawa,

"Syempre five years mo na hindi sinabi sakanila kung sino ang totoo nilang Daddy e. Go sabihin mo at dahan dahanin mo ang mga bata ah" sabi niya.

Napahinga naman ako ng marahan at tinulungan na munang mag ayos si Azel, kumuha ako ng mga plato at inayos ang mga kubyertos na gagamitin.

Magagaling ng kumain sila Avi at Axerell dahil tinuruan ito ni Azel na kumain nang maayos.

Tinawag ko na sila dahil naayos naman na. may boyis, sisig, menudo at chicken sa lamesa. Lahat iyon ay si Azel ang pumili. Hindi niya ako hinayaang pumili. Pasalamat nalang talaga kami kay Azel.

"Wow!" Napatili ang dalawa sa nakita, favorite nila ang chicken at ngayon nalang ulit sila nakakain dahil ang gustong niluluto ni Mama ay mga gulay o di kaya'y prito o sinabawang isda.

Umupo na kami at sila narin ang nag sandok sa sarili nila. Ang cute lang nilang tignan napaka-independent.

Sumandok narin ako ng saakin at sinandukan narin si Azel, kumuha kami ng mga gusto naming ulam at sinimulang kumain.

Tinignan ko si Azel na kanina pa makahulugan ang tingin saakin, napatirik ako ng mata at napahinga ng malalim, uminom ako ng tubig at tinignan ang kambal.

"Mga anak diba tinatanong niyo kung bakit mag kamukha yung lalaking nahimatay kanina at si Papa Azel?" tanong ko sakanila at maliit na ngumiti.

Tinignan ako ng dalawa at tumango, tumigil muna sila sa pag kain kaya alam kong curious talaga silang malaman.

"Umm anak, diba gusto niyong malaman kung sino ang totoo ninyong Daddy?" tanong ko ulit na nag aalinlangan pa.

Nakitaan ko ng kinang at saya ang mga mata nila, may excitement din na ayoko ng putulin pa. Sabay silang tumango sa tanong ko.

Alam kong nakakahalata na si Axerell dahil sa kambal ay si Axerell ang pinaka consistent sa mga bagay na may koneksiyon sa pag-aaral.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now