Chapter 26

311 26 2
                                    

°°°°Chapter 26°°°°

•••Third Persons POV•••

Samatala sa pwesto naman ni Cris

Patuloy naman sa pag atake ang kalaban ng binatilyo, marami na din siyang tatamong sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan

Habol ang kanyang hininga ng makalayo siya sa aswang, hingal na hingal siya ng bigla nalang siyang matigilan, lumingon soya sa kanyang likuran at ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng matuklasang halos isang dangkal nalang ang layo niya sa dulo ng bubong at mahuhulog na siya ng tuluyan

Nakaramdam siya ng pagkahilo dahil sa lulang kanyang nararamdaman, kaya ibinaling nalang niya ang kanyang atensiyon sa aswang na kanyang kalaban, nakita naman niyang humahakbang iyon ng dahan dahan papalapit sa kanya habang nakaumang ang mga kamay nitong may matutulis na mga kuko

Nakikita niya pa ang mga dugo mula sa kamay nito na alam niyang galing iyon sa kanya, hindi na niya iyon hinintay pang makalapit sa kanya, nauna na siyang sumugod papalapit sa kalaban niya

Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang karit at buong lakas na sinugod ang aswang

Pero sa labis niyang pagkagulat ay biglang humagis ang karit niyang hawak papalayo sa kanya, naramdaman niyang may tumulong dugo sa kanyang kaliwang mata, hindi niya namalayang nahagip ng aswang ang kanyang noo sapamamagitan ng matutulis at matatalas nitong mga kuko

Humakbang iyon papalapit sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang umatras, hanggang sa muli niyang pag atras ay nabitin sa ere ang kanyang kaliwang paa, noon lamang niya napagtanto na wala na siyang aatrasan pa, napalingon nalang siya sa ibabang bahagi

Napalunok ng sariling laway, alam niyang katapusan na niya ng mga sandaling iyon, wala na siyang sandata para labanan ang aswang na nasa kanyang harapan, wala na din siyang lugar na aatrasan, dahil nasa pinaka gilid na bahagi na siya ng bubungan,

Kung marunong lang siyang lumipad ay ginawa na niya ng mga sandaling iyon para makatakasa sa aswang na halos isang dipa nalang ang layo sa kanya

Nakita niyang iniangat na ng aswang ang mga kamay nito para tapusin siya, pakiramdam niya na tila biglang bumalik sa kanyang alaala ang masasayang sandali na kasama niya ang kanyang pamilya, ang kanyang mga pamangkin, ang kanyang Nanay Alicia, ang Tatay Rommel niya, ang kanyang kuya Brent at ang dalaqang ate niya na sina Amanda at Mayah, sayang nga lang at hindi na niya masisilayan ang isa pa niyang pamamgkin na isilang sa susunod na buwan

Nakita din niya sa kanyang balintataw ang mukha nila Lolo Ernie, sina Ate Vleane at ang mga kaibigan nito, si Veronica na naging malapit sa kanya at sa mga taong kakilala niya

Ilang sandali pa ay bigla nalang nabalutan ng pulang liwanag ang buong paligid niya, naramdaman niya ang pinaghalong kirot at sakit sa kanyang mga mata bago niya naramdaman ang pagkahulog niya mula sa bubungan

"CRISSSSS!!!!,"sabay sabay na sigaw nina Veronica, Brent at Tatay Rommel ang pangalan niya

Dahil nasa hindu kalayuan lang ang mga ito at handa ng pumunta sa simbahan dahil natalo na ng mga iyon ang mga kalabang aswang

Matapos ang kanilang pagsigaw ay napatulala nalang silang tatlo ng makita ang pagbagsak ng katawan ng binatilyo sa lupa, halos walang nakakilos at nakapagsalita sa kanilang tatlo

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now