Chapter 31

333 27 5
                                    


°°°°Chapter 31°°°°

•••Third Person's POV•••

Halos madaling araw na nagkamalay si Vleane mula ng mawalan siya ng nalay doon sa bunagd ng kweba, kaya kaagad silang umalis dahil araw na iyon ng Hwebes, kaya kailangan nilang makabalik sa San Gabriel at makapaghanda para sa labanan ng gabing iyon laban sa mga aswang

Gusto din niyang makausap sina Lucas para sa kanilang plano, pero nahuli sila dahil naabutan nilang nakaalis na iyon para ihatid ang pamilya sa Simbahan kung saan ligtas ang mga iyon

Bakas sa mukha ni Vleane ang pagkadismaya ng makita ang sasakyan kung saan lulan ang mga taong ililikas papuntang simbahan

Nakasakay din doon ang buong pamilya nina Lucas ay maging ang pamilya nipa Mang Rommel, nakita pa niya na si Lucas ang nagmamaneho

Hindi man lang sila nagpang abot ng binata, kadarating lang nila ni Angela mula sa kabundukan kung saan niya nakuha ang batong meteor at kyanite, nahuli sila ng dating kaya hindi sila nakapag usap ng binata

Hindi naman nakaligtas sa mga kaibigan nila ang reaksiyon ng mukha niya, dahil simula pa kanina ay lihim na nilang pinagmamasdan ito

Napapabuga nalang ng hangin si Vleane habang nagkakatinginan ang mga kasama nila sa loob ng bahay, alam nila na nalulungkot ito dahil hindi nito nakausap ang nobyo, nasundan na lamang nila ng tingin ang dalaga ng lumabas ito ng bahay

Sinundan naman siya ni Lolo Rene naupo sa tabi niya, pero hindian lang niya iyon tinapunan ng tingin

"Huwag mo silang isipin,"ani ni Lolo Rene,"May misyon kang dapat na unahin,"

"Ang tapusin si Emir? Ang tapusin ang kanyang mga alagad at maging sina Ronelio?,"tanong niya na walang kabuhay buhay

"Oo,"tugon nito,"Pero may kailangan ka pang dapat na unahin bago ang paghaharap ninyo ni Emir,"makahulugang tugon nito, kaya napalingon siya sa katabi na nakakunit ang noo

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?,"nagtatakang tanong niya dito

Ngumiti lang ng makahulugan sa kanya si Lolo Rene

"Hindi mabubuo ang grupo ninyo, kung may isang hindi makakalaban,"ani nito sa kanya, na lalong ikinakunot ng kanyang noo

Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong matanda dahil iniwanan na siya doon ng hindi sinasagot ang kanyang tanong

"Ano kaya ang ibig sabihin ni Lolo Rene?,"tanong niya sa sarili sabay na napapailing nalang

"Ang hina mo naman, Vleane,"pambubuska ni Mishka sa kanya

"Aba, minsan ka na nga lang magparamdam tapos ganyan pa ang bungad mo sa akin,"asar niyang saad

Dahil kung minsan ay tinatawag niya ito pero hindi ito tumutugon sa kanya, kaya akala niya na umalis ito at bumalik sa mundo nila

Nadinig pa niya ang paghagikgik nito na tila lalo pa siyang inaasar, kaya napabuga nalang siya ng hangin

"Huwag ka ng magtampo,"pag aalo nito sa kanya,"Simula ngayon ay makakasama muna ako sa lahat ng oras, lalong lalo na sa nalalapit na labanan,"

Hindi siya umimik, hinihintay niya ang mga susunod nitong sasabihin

"Makakaramdam ka ng pagbabago sa iyong sarili, magiging isa na tayo, dahil sa dugong nananalaytay sa iyong pagkatao,"dagdag pa nito

Labis naman siyang nasiyahan at tila lalong nabuhayan ang kanyang kalooban dahil sa nalalapit na labanang magaganap sapagitan nila at ng Pinunong Asu-ang

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now