Chapter 15

408 32 2
                                    

°°°°Chapter 15°°°°

•••Third Person's POV•••

"Eh Tatay Natoy, kailan po ba nagsimula ang pag atake ng mga aswang dito sa buong Baryo Concepcion?,"pag iiba niya ng paksa dahil alam niya na nalulungkot sila sa pagtatanong kanina ni Calvin at naalala nila ang kanilang mga anak

Pansin niya na tila nag iisip pa ito at tila inaalala kung kailan ba nagsimula ang kaguluhan iyon dito sa kanilang Baryo

"Siguro may mga dalawang buwan na ang nakakaraan,"umpisa nito at tugon sa akin,"Noong una inakala ng lahat na mga mababangis lang na hayop ang naligaw dito. Ngunit may isang saksi ang nagpatunay na aswang nga ang naging dahilan ng mga pagpaslang at pagpatay dito aa aming Baryo,"

"Mga anong oras po ba sila sumasalakay dito?,"tanong ni Angela sa mag asawa

"Mga hating gabi o ala una ng madaling araw,"tugon ni Tatay Natoy,"Sa umaga nasa anyong tao sila kung sunalakay at manguha ng biktima, ginagamitan nila ng orasyon o panlinlang para kusang sumama ang nais nilang biktimahin,"

"Kaya dapat na mag iingat po kayo dito,"paalala niya, na ikinatango tango naman nilang lahat

"Nararamdaman ko na din na may paparating na delubyo,"sabat ni Nanay Onang sa kanila,"Pero nalalaman namin na may isang magiting na dalaga ang darating para bigyang liwanag ang aming Baryo, na kasalukuyang nababalot ng takot at sindak dahil sa mga nilalang na katulad ng mga aswang,"mahaba nitong saad sa kanila

"Huwag po kayong mag alala, kami na po ang bahala sa mga aswang na iyan,"may pagyayabang na sambit ni Calvin

"Hay naku, Calvin,"naiiling nalang na sabi ni Joorie sa pinsan nito,

Napatango nalang siya sa tinuran nito at napangiti din ng makita sa mukha ng mag asawa ang labis na kagalakan ng mga sandaling iyon dahil sa pagdating nila

Dahil sa loob ng lumipas na dalawang buwan ay noong oras lang iyon sila nakadama ng kapanatagan at nakahinga ng maluwag dahil sa kanila

At sa kauna unahang paglakataon din ay makakatulog sila ng mahimbing

"Matulog na po kayo,"ani niya,"Kami na po ang bahalang magbantay sa inyo,"nakangiti niyang turan sa mag asawa

"Salamat, mga apo,"ani ng mag asawa bago nahiga sa katre na nasa di kalayuan sa kanilang kinapupwestuhan

Sila naman ay naupo sa upuang yari sa kawayan, nasa may bandang pintuan nakapwesto sila ni Joorie habang nasa may bintana naman nakapwesto ang dalawa at nakikiramdam sa kanilang paligid

"May dalawang oras pa bago mag ala una ng madaling araw,"turan ni Calvin,"Napakatahimik ng paligid at nagtatayuan ang mga balahibo ko,"

"Malapit na sila,"ani niya sabay senyas na manahimik nalang at makiramdam sa paligid

Pero ang mga sandaling iyon ay lumipas hanggang sa umabot na sa oras, halos pasado ala una na ng hindi na siya makatiis kaya tumayo na siya mula sa pagkakaupo

"Lagpas na tayo sa tatlong oras,"ani niya,"Baka paparating na sina Lucas,"

"Oo nga noh?,"tugon ni Joorie na natampal ang sarilimg noo,"Anong plano?,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz